bc

Fake Boyfriend

book_age16+
22.5K
FOLLOW
111.4K
READ
spy/agent
confident
heir/heiress
twisted
sweet
bxg
humorous
enimies to lovers
sassy
virgin
like
intro-logo
Blurb

He's handsome, playful and mysterious.

He is Onyx Stefan Arguelles, isang magaling na NBI agent na nagtatago sa pangalang Jacob Nyx Dela Merced. Nakakita siya ng pagkakataon na mapalapit sa isang kaso na matagal ng tinutukan at inaabangan, dahil sa isang nakapost sa internet na 'WANTED FAKE BOYFRIEND'.

At sino ang magha hire? Ang isang napakagandang dalaga na anak ng multi millionaire business tycoon, si Brandy.

Ito ang rebeldeng kaisa isang tagapagmana ng Ynarez Empire na under surveillance dahil sa iligal na transaksyon tungkol sa droga at baril.

Napalapit si Nyx sa tagumpay ng kasong hinahawakan, pero napalapit din sa dalagang parang ang utak ay nasa talampakan. Hanggang sa oras ng dumispatsa. Alin ang pipiliin nya? Tawag ng tungkulin o tawag ng damdamin?

chap-preview
Free preview
1
Chapter 1 MISTER MAHANGIN Walang pakialam si Brandy kung halos hubad na sya sa tabing dagat. Litaw na litaw ang mala-dyosang kagandahan niya sa two piece niyang suot. She'll pretend that she's naked downwards while she's really not. Bayad siya sa halos hubad na mga litrato niya pero ang totoo ay wala pang nakakakita ng kabuaan ng kanyang katawan. She maybe a rebel but not a p**n star. Ni may nakaholding hands siya ay wala, dahil masungit siya at mapanakit sa mga lalaki. Tinutuhod niya ang gusto niyang tuhurin at sinasapak ang gustong sapakin, kaya walang mangahas na manligaw sa kanya at lalong umalok na maging boyfriend. Halos mapagkamalan na nga siyang lesbian dahil sa ugaling taglay niya. Parati siyang nag-iisa at napakaloner pa. She knows inside her heart that she needs something that no one could ever give except for her father. Doon magmumula ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman para naman maging masaya siya sa buhay niyaat huwag ng maging malungkutin. Narami kasing tanong sa isip niya na hanggang ngayon ay walang kasagutan at sa tuwing maiisip niya ay nagpapasakit sa kalooban niya nang husto. Ang photographer na si Yulah lang ang kaisa - isa niyang kaibigan. May-ari ito ng isang magazine publishing na 'Naked Bitches' at kasama siya roon bilang isang b***h, at naso- sold out ang magazines na iyon for the boys only. Ang mga kasama niyang babae ay hubad sa mga litarato dahil siguro sa kagustuhan na malaki ang kitain na pera pero siya ay wala namang pinakikita maliban sa mga braso, binti, tyan, hita at parte ng dibdib. Ang isang ilusyon sa mga mata ng makakakita na akala siya ay hubad, pero hindi. Kaya lalong naghi-hit dahil sa pag-asa ng mga iyon na makikita ang kabuuan ng katawan niya, pero wala siyang plano dahil kahit rebelde sya, bibigay siya sa tamang lalake na para sa kanya, iyon ay kung mayroon mang mangangahas na tumapat sa tapang at taray niya dahil wala siyang balak na magmahal. Takot siya na baka matulad sa kanya ang buhay ng magiging anak niya—kawawa lang. Parang pakiramdam niya at nag-iisa siya simula't sinula pa lamang at walang nagmamahal. She's just enjoying her life, enjoying her photo shoots, na kapag napag-uusapan sa office ng Daddy niya ay bigla siyang tinatawagan para kagalitan. Doon lang masaya na sya, kahit galit lang okay na, basta mapansin lang sya ng ama niya. Ang ama niyang si Brando Ynarez na walang kasing tigas at walang pagmamahal sa kanya simula sa kanyang pagkabata. Gusto niyang isipin na ampon lang siya pero hindi dahil kamukhang kamukha niya ang ama sa kahit na anong anggulo at hulma. "Ready, girl." ani Yulah sa kanya na isiniksik ang puting Lily sa may tainga niya habang nakaupo siya sa tabing dagat. "Ipakita ang isang tunay na aura ng Brandy Danielle." anito sa kanya. Tunay na aura ng isang Brandy Danielle na malungkot, malambot at mapagmahal. Iyong ang mga aura ng pagkatao niya dahil sa kabila ng paggawa niya ng mga taliwas sa gusto ng ama niya ay mahal na mahal niya ang matanda at hindi niya magawang magalit. Sanay na sanay na siyang humaharap sa camera, pero sa bawat kuha sa kanya ay di maitatago ang parang malulungkot niyang mga mata na masyadong nakakaakit sa mga nakakakita. That’s the inner core that she has. She’s so lonely and she wants to be happy. She gave Yulah the best pose that can give, counting her sorrowful eyes which the viewers love the most. Her eyes are so captivating. Many people or many men say that her eyes are tricky and catch attention of the viewers of the magazine. Nakucurious ang mga lalaki sa mata niyang nagpapakita ng hindi matatawarang kalungkutan, accent sa hubad niyang katawan. "Awesome!" ilang clicks lang ay tapos na kaagad si Yulah sa pagkuha sa kanya. Paiba- iba lang siya ng anngulo at tapos na kaagad. Ganoon siya sa trabaho niya, ayaw niya ng matagal at paulit ulit dahil sayang ang oras. Kaagad siyang nagbalot ng roba nang matapos ang pagkuha ng litrato. Another thousands of pesos for her pero hindi niya yun kailangan. Mayaman sya at nabibili niya lahat ng gusto kahit hindi sya maluhong tao. She is an heiress, the sole heiress of her billionaire father. They own laboratories and own a company which runs very stable. Masarap ang buhay niya kung tutuusin pero totoo pala na hindi lang kayamanan at luho ang nakapagpapasaya sa tao. Above all things, her realization falls on one thing. Pagmamahal ang unang bagay na magpapasaya sa tao at gusto niya ay pagmamahal ng Daddy niya, iyon lang sanapero--wala. Blaaaaaag! "Puta!" sambit ni Nyx. Muntik pa siyang mapatalon sa kanyang motorsiklo nang banggain siya sa hulihang gulong ng isang puting Mercedes Benz na sinusundan niya. Ipipasok na sana niya ang motor sa parking area pero sa pagtigil niya para humanap ng pwesto ay nabangga pa siya. Bigla na lang kasing umandar ang kotse papaatras at ni sa hinagap wala siyang kamalay-malay na mababangga siya, buti ay huminto kaagad ang kotse at nakatukod naman ang isang paa niya sa semento dahil kung hindi, saklay ang magiging paa nya. Tangna! Bawas sa kapogihan ko ang paang saklay! Suot ang isang full faced helmet ay bumaba siya sa motor at saka lumapit sa sasakyan ng ponsyo pikatong reckless. kinalampag niya ang likurang hood ng kotse nang siya ay makalapit. "Baba!" mayabang na sigaw niya sa driver ng kotse. Tatamaan iyon sa kanya, sigurado! “Baba!” sigaw niya ulit sabay sampal niya sa hood. Hindi siya papayag na basta na lamang siya babanggain ng driver na hindi naman yata marunong magmaneho. "Mahal ang buhay ko! Di mo alam kung ilang babae ang pumipila sa kagwapuhan ko! Baba!" salubong ang kilay niya sa inis. Nameywang siya at dinilaan ang itaas na labi sa pagka-inip na sundin siya ng driver. He’s waiting for the driver to hop out. "Tang ina! Sabi ng baba!" sabay kalampag niya ulit doon. "Anong katangahan?! Nag-aral ka ba ng driving?!" singhal pa niya sa kung sinong ponsyo pilato sa loob ng kotse na parang bingi o bulag ata na hindi siya makita na nasa likuran. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng sasakyan kaya naipilig niya ang ulo habang nanunulis ang kanyang mga labi. Bumaba ang driver ng kotse at hindi iyon lalaki. Lintik babae! Napamulagat siya pero sinarili niya. Magandang babae iyon at may hawak hawak na pera. Mataray ang dating ng babae. Napakaikli ng putting maong na short nito kaya hantad na hantad ang mahahaba at ubod ng puti saka kinis na mga hita at binti nito. Kapos ang pang-itaas na damit ng babae kaya lumalabas ang tyan nang kaunti. Naka-flat shoes ito at may bitbit na bag. Mahaba ng buhok nito na parang hindi sinuklay pero sa halip na pumangit ay lalong naging hot at gumanda. Para itong isang anghel na inalisan ng pakpak at binigyan ng katarayan. Hayup! Wow! Lumuwa ang mga mata niya. Sa loob ng helmet ay napasadahan niya ng tingin ang babae at muntik siyang literal na tuluan ng laway nang makita kung gaano ito kakinis. She's so tall, na parang 5'8 ang taas. Bagay kami, 6'1 ako. "Here's the money. Stop hammering my car, Mister." ani Brandy sa lalaking nakahelmet na akala mo kung sinong makapuri sa sariling kagwapuhan. Nasa loob siya ng kotse pero rinig na rinig niya ang sinabi nitong pinipilahan daw ito ng babae.Isinampal niya sa malapad nitong dibdib ang pera. "Now, get out of my way." aniya at mataray na tinalikuran ang lalaki pero hinawakan nito ang braso niya. Pumihit siya at kaagad na hinampas ng bag ang estranghero sa braso. Tinawagan sya ng daddy niya nang makita na niyon ang bago niyang litrato sa magazine at high blood na naman iyon sa kanya, kaya nagmamadali siya para makapunta sa opisina niyon, kaya lutang ang utak niya at kaagad nyang iniatras ang kotse sa kasabikan na kahit alam niya na mapapagalitan lang sya ay at least kakausapin siya ng daddy niya. Malay ba niyang may tao sa likod. Tumingin naman siya bago siya umatras at bigla na lang sumulpot ang lalaki. At heto ay naabala pa siya ng isang antipatikong tambay. Well, maybe tambay ito dahil sa tono ng pananalita ay grabeng taas ng tingin sa sarili at kung makamura ay daig pa si satanas. "Aray! Ang taray mo ah! Pulutin mo yung pera! Bilis!" anito at mabilis na tinanggal ang helmet at ang sumalubong sa kanya ay ang napaka-gwapo nitong mukha. He's almost in perfection. Tall, handsome, rosy complexion and so manly. His body built can almost make all the goddesses fall on their knees. Pinakapoging tambay na yata uto na nakita niya, she should say, at pinakamasarap na mura na napakinggan niya. Bagay na bagay iyon sa bruskong hitsura ng lalaki at sa angas ng dating ang paraan ng pananalita nito na parang laging kakasa ng away. Mukhang totoong pinipilahan nga ito ng mga kababaihan. Umalingasaw ang mabangong amoy nito na parang nakulob sa loob ng helmet na suot. Hindi sya nakapagsalita kaagad. First time yata sa buhay niya na nawalan siya ng sasabihin sa isang lalaki. Mas maraming gwapo pa siyang nakilala pero kakaiba ang karisma ng isang ito. Nakakatunaw ang titig ng mapang-akit at misteryosong mga mata ng lalaking kaharap niya. Ipinitik nito ang mga daliri sa tapat ng mukha niya kaya napakurap siya. "Miss, hindi ako nagpapasagasa para titigan lang ang kagwapuhan ko. Damputin mo ang pera at iabot mo nang maayos." pumameywang ito kaya lalong nahigit ang suot na itim na t-shirt na naiibabawan ng itim na jacket. Jusko! Ang macho. Pinilit niyang iwaksi ang pagkakatitig sa mukha nito. Tinaasan niya ito ng kilay kasabay ng pagku-krus ng mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Hoy, mister na signal number ten sa kahanginan, wala akong panahon sa'yo. Lumayas ka na riyan at dadaan ako." mataray na saad niya sa binata na parang di man lang na-attract sa kanya. Bihira yata ito sa buhay niya na walang nagka-crush sa kanya na lalaking kanyang nakaharap. "Hoy, din Miss na signal number ten sa kagandahan, di mo pag-aari ang kalsada. Kung gusto mong dumaan, buhatin mo ang kotse mo." pilosopong sagot nito. Ano raw? Kagandahan? Pinuri ba sya nito? Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi nya sa compliment ng lalaki pero inirapan niya lang ito. "Please get out of the way. Pupuntahan ko pa ang Daddy ko! Hindi naman kita actually dapat na bayaran. I didn't harm you anyway. Kapal lang ng mukha mo na tanggapin ang pera ko!" mabilis niya itong tinalikuran. Wala siyang pakialam sa perang nagkalat sa semento. Aalis na siya bago pa siya magka- crush sa lalaking ito na ubod ng gwapo kahit ang kapal ng mukha at ang laki ng bilib sa sarili. Binuksan niya ang pinto ng kotse pero bago siya sumakay ay wala sa loob na nilingon niya ang lalaki. His lips were curved in a naughty smile at nakatitig ang mapang-akit na mga mata sa kabuuan niya, at huli pa niya ang pag-araro nito ng mga mata sa kanyang mga hita papunta sa kanyang balakang Manyak! He winked at her then turned his back para alisin ang motor sa likod ng kotse niya. Saglit pa siyang natigilan sa gesture nitong iyon. Ang harot ng walangya! "Miss na maganda, sakay na baka mainlove ka pa sakin, kindat pa lang bumigay ka na." pangisi ngisi pa ang damuho at pati ang paraan ng pananalita ay nag-iba na rin ang tono. Isang makamatay na irap ang ginawa niya. "Kapal mo! Di ako naiinlove sa tsonggo!" marahas niyang kinabig ang pinto at mabilis na inistart ang kotse at iniatras, pero bago siya tuluyang makaalis ay sinuyapan pa niya ang gwapong tsonggo sa windshield. Nakataas ang isang sulok ng labi nito habang kagat-kagat ang ibaba. Tumaas-baba ang maiitim nitong mga kilay habang nakatingin sa kanya sa windshield ng kanyang kotse na ikinabilis ng pintig ng puso niya, kaya mabilis din niyang inarangkada ang sasakyan para makalayo sa tukso. Feeling gwapo iyon pero totoong gwapo nga. Sobra! She looked at the side mirror and saw his captivating dark eyes still following her car. Napangiti siya sa sarili at di maiwasan na kiligin lalo na nang sumaludo iyon sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook