Chapter 4
Unfair
"Totoo naman..." mahinang sabi ni Colton nang mapansin niyang lahat kami ay nakatingin sa kanya. Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi sabay tikhim.
"Let's go upstairs, Trix. Puntahan natin si Nice-Nice." Pang-iiba niya.
"S-sige..."
Hindi na naman kumontra iyong tatlo . Dinampian ko muna ng halik sa pisngi si Mikel bago umakyat kasama ni Colton. He was silent while we're taking our way upstairs. The atmosphere between us was kind of heavy.
Hindi ko na lang pinansin.
"Oh my God..." I gasped when I saw Nice-Nice sleeping peacefully on Colton's bed. Kamukhang-kamukha niya si Colton! Tapos ang cute-cute ng mga pisngi niya! Parehas sila ni Mikel na may matabang mga pisngi.
"She's beautiful, Colton!" my voice and my face is filled with amusement. Gosh, bata pa lamang siya ay kitang-kita na ang ganda niya. Her lips, and her long and thick eyelashes.
Good luck, Colton. Good luck na lang talaga.
"Yep... I made that." Proud na proud niyang sabi habang nakangisi. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako ng bahagya.
Parang kailan lang ay naglalaro lang kami ni Colton pero ngayon ay pareho na kaming may mga anak.
"Bakit hindi mo na lang sinabi kay Yael ang totoo?" tanong niya bigla kaya awtomatikong nalipat ang tingin ko sa kanya. He's still looking at his daughter while his hands are in his pocket.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at muling ibinaling ang tingin sa pamangkin ko.
"Alam mo naman kung ano ang dahilan ko..."
"Pero sa tingin mo ba tama? Trix, umalis ka ng US na parang isang kriminal na may pinagtataguan." mariin niyang sabi at kita ko mula sa peripheral vision ko na inilapat niya ang tingin sa akin.
Kriminal na may pinagtataguan. Natawa ako ng pagak sa loob-loob ko. Alam ko naman iyon. Alam ko ring mali ang ginawa ko pero nilalamon ako ng takot.
At nagpalamon ako sa takot na iyon dahil kung hindi ay wala kami ni Mikel sa pilipinas ngayon.
"Ginagawa ko 'to dahil ayokong malayo sa akin ang anak ko. You're not a mother, Colton. Hindi mo 'ko maiintindihan."
He wouldn't understand the fear of someone taking your son away from you. Dinala ko si Mikel ng siyam na buwan sa sinapupunan ko at maselan pa ang kondisyon ko. I already lost his twin at hindi ako papayag na pati si Mikel mismo ay mawala pa sa akin.
"But I am a father, Beatrix. Kung sa akin gagawin ni Jess iyan? Iyong itatakas niya sa akin ang anak ko ay masasaktan ako... Hell, I would be furiously mad at her too!" His words are like daggers but he managed to keep his voice calm.
Alam kong magagalit si Yael kapag nalaman niya ang ginawa ko... Alam ko rin na masasaktan siya.
Pero masasaktan din ako kung kukunin ni Yael sa akin si Mikel. Ikamamatay ko.
"Hindi ko naman pinaplano na itago si Mikel kay Yael ng habangbuhay, Colton... Pero sa ngayon ay hindi pa ako handa."
Sandaling tumahimik sa pagitan namin. Maya-maya ay narinig ko ang pagpapakawala niya ng isang buntong hininga.
"Okay, your call..."
I jerked my head towards his direction. Hindi na siya nakatingin sa akin dahil na kay Nice-Nice na ulit ang atensyon niya.
"Colton, kung sakali mang makita mo si Yael ay h'wag mo sanang sabihin ang tungkol dito."
I was still staring at him, waiting for his response. Hindi niya ako hinarap at matagal bago siya nag respond sa pakiusap ko pero sa bandang huli ay nagpakawala na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga bago tumango.
I can see that this is also hard for him. He still considers Yael as his best friend but I am his sister kaya wala siyang choice kung hindi pagbigyan ako. You know what they always say, blood is thicker than water.
"My- my!" Pareho kaming humarap ni Colton sa may pintuan nang marinig namin ang boses ni Mikel na tinatawag ako.
I saw Jess holding my close-to-crying son in her arms.
"My-my!" my son is pouting while stretching his arms towards my direction.
"Umiiyak na... hinahanap na ang mommy."
Napangiti ako at kaagad na humakbang papalapit kay Jess para kunin si Mikel mula sa kanya. Kaagad na yumakap si Mikel sa akin at idinantay ang ulo niya sa balikat ko.
The fuzzy and warm feeling rushed through me again. Grabe, I would never trade this moment for all the money in this damn world. I live for my son's warm and tiny embrace and I wouldn't stand a day without feeling it.
Sana tama itong ginawa ko. I know I'm being selfish and unfair to Yael pero ito na lang talaga ang paraan na alam ko para h'wag mawala sa akin si Mikel.
"Inaantok na 'to..." sabi ko kay Jess na nakangisi habang nakatingin sa amin. I even saw sparks in her eyes.
"Grabe, ang gwapo-gwapo ng anak mo! Maraming paiiyaking babae 'yan... h'wag naman sana."
Natawa ako. "H'wag sanang magmana sa tito Colton, ano?" I teased trying to create a light atmosphere.
"Ako pa nga yata ang napaiyak, e." nakangisi niyang sagot at hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang pamumula ng mga pisngi ni Jess.
"Excuse you?" tanging naisagot na lang ni Jess habang namumula pa rin.
Napailing na lang ako. "Hay nako, ewan ko sa inyo. Papatulugin ko muna itong si Mikel tapos ay saka tayo magchikahan, Jess." Paalam ko sa dalawa.
"Pati ikaw ay magpahinga na rin, Beatrix. Hanggang bukas pa naman kami dito. Kahit bukas na lang kayo mag catch up ni Jessica o kaya pagkagising mo." Bilin ni Colton. Tumango lamang ako at nginitian ang dalawa bago tuluyang lumabas habang karga-karga si Mikel.
-
"Happy birthday to you, happy birthday to you... Happy birthday, dear Mikel, happy birthday to youuu~"
Sabay-sabay naming kanta para kay Mikel.
"Let's blow your candle na..." sabi ko sa kanya at tinulungan na siyang magblow ng candle niya. May isang luha pa na tumakas sa aking mga mata nang mamatay ang ilaw ng kulay asul na kandila.
I can't believe my son is already one year-old. Parang kailan lang ay gumagapang-gapang pa lamang siya kung saan niya matipuhang gumapang pero tingnan mo naman ngayon. Isang taon na nga siya.
"Yehey!" sabay-sabay silang pumalakpak. Pati si Mikel ay nakigaya na sa mga taong nakapaligid sa kanya at pumalakpak na rin siya habang sumisigaw.
Kumpleto kaming mga Ponce de Leon na magpipinsan ngayon. Maging si Zariel ay umuwi pa ng Pinas para lang makapunta ngayong birthday ni Mikel.
Mikel was 10 months-old when I introduced him to my cousins and friends personally. Everyone fell in love with him at first sight. Talagang pinagkaguluhan nila ang anak ko at dumating sa punto na umiiyak na siya dahil hindi siguro alam ng bata kung saan titingin.
Lalo na nang mapunta siya kay Eli. Nakatanggap pa ng kurot sa mukha si Eli kay Mikel dahil umiiyak na ang anak ko pero hindi niya pa ito tinitigilang panggigilan. From then on, Mikel hated his tito Eli.
Nonetheless, I love how my family welcomed Mikel. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal nila sa kanya. Spoiled nga ang dalawang magpinsan sa kanilang lahat.
Almost every week ay may kung ano-anong ibinibili ang mga ito para kay Mikel at Nice-Nice. I'm just worrying that Mikel and Nice-Nice might end up being spoiled brats dahil panay na lang ang pagkunsinti sa kanila ng mga taong nasa paligid nila.
"Come here... come to Eli, buddy." Eli stretched his arms towards Mikel. Pero imbes na sumama ang anak ko ay kaagad siyang sumalungat ng direksyon at yumakap sa akin ng mahigpit.
Natawa si Eli sa ginawa ni Mikel. "Ang sungit-sungit naman... mabuti pa si Nice-Nice mahal ako." Sabi ni Eli at sinubukan pa ring kunin si Mikel sa akin. Sinubukan ko na rin siyang ipaubaya kay Eli pero mas lalong humigpit ang kapit ni Mikel sa akin.
"No! No! My-my!" inis niyang sigaw.
"Argh! Ang bagal namang magreply nito! Dang!" sabay kaming napatingin ni Eli kay Brielle na kasalukuyang busy sa phone niya. She was standing few feet away from us while looking at the screen of her phone angrily.
"Bakit? Jowa ka 'te?" pambabara bigla ni Eli sa kapatid na naging dahilan upang mag-angat ito nang tingin at mas lalong mainis.
"Pwede ba, Eli!" inirapan niya ang kapatid.
Humalakhak si Eli at muling ibinaling ang atensyon kay Mikel. "Maka-demand kasi akala girlfriend, ano?" ani Eli kay Mikel pero si Brielle naman talaga ang pinaparinggan niya. Imbes na matuwa ang anak ko ay nainis rin siya.
"Ugh! No!"
"Oh ayan! Birthday na birthday niya sinisira mo ang araw niya!" Brielle back fired at his older brother.
"Really, Brielle? Baka gusto mong araw mo na lang ang sirain ko?"
Brielle rolled his eyes. "Oh please, Eli. You've been doing that since day one."
"And I will keep on ruining every fuc—" natigilan sa pagmumura si Eli nang makita niya si Mikel. He cleared his throat. "—every fudging day of your life kapag hindi ka pa nagtino... pa ganyan-ganyan ka pa ni hindi mo nga maipasa ang Biology!"
Brielle groaned. "Thank you very much for ruining my day, too, Eli." Sarcastic niyang sabi bago nag walk out.
"Edi ikaw ang napikon..." bulong ni Eli habang pinapanuod ang kapatid na magwalk out.
"Ikaw hindi ka na nagbago! Palagi mong kinakawawa ang kapatid mo," iling-iling na sabi ko kay Eli.
"You know, having a sister like you and Brielle is a big time pain in the ass. If I had to piss the hell out of her to restrain her from doing stupid things then I'll do it... Tingnan mo naman ang ugali! Kung ano-ano pa ang inuuna!"
Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Mukhang iba na ang tinutukoy ni Eli pero tumatak talaga sa akin iyong pagdamay niya sa akin.
"Aba, pati ako ay dinamay mo pa!"
He grinned and shook his head. "You know what, Trix. Si Aya lang ang babaeng Ponce de Leon na matino... the rest, ewan ko na lang. Yang si Azariela, mabuti na nga lang at wala siyang kapatid."
"I heard my name!" napatingin kaming lahat kay Zariel nang sumigaw siya. She's few feet away from us and she's holding Nice-Nice in her arms.
Eli rolled his eyes and shrug. "See? Ibang klase diba?" aniya at kinuha ang kamay ni Mikel para laruin iyon pero kaagad na nanlaban si Mikel at ayaw magpahawak sa kanyang tito Eli.
"No! My-my! Eli!" protesta kaagad ni Mikel. Hindi niya masabi-sabi nang malinaw ang pangalan ni Eli but we understand him right away kaya lalong lumawak ang ngisi ni Eli sa mga labi.
"That's right, buddy. He's tito Eli." Nakangiti kong sabi sa anak ko.
"No, Mikey... It's just Eli. Eli pogi!"
At tinuruan niya pa talaga nang kalokohan ang anak ko.
Lalo lamang nainis ang anak ko sa sinabi ni Eli kaya sumigaw nanaman siya sa iritasyon.
"Fine, I'll back off." Pagsuko ni Eli at napabuntong hininga pa. Tinalikuran na muna namin si Eli at naglakad ako papunta kay Cole na kasalukuyang nakatingin sa mga laruang eroplano na nakadisplay sa bawat table. Napangisi ako. His thing for airplanes hasn't still changed.
"Hi, Cole!" I greeted him. Cole grew into a handsome teenage boy now. He's already 14 and I've heard that there are so many girls who are fangirling over him.
Tinuturuan na nga siya ni Eli kung ano ang dapat gawin! Cole will just laugh and shake his head at hindi ko alam kung ina-absorb niya ba ang mga 'tips' ni Eli o hindi.
"Hi, ate Beatrix. Hi baby Mikel." Nakangiti niyang bati sa amin pabalik. Oh, pati boses niya ay lumalim na. Parang kailan lang ay kalaro ko pa siya ngayon ay nagbibinata na siya.
"Say 'hi' to tito Cole, baby."
"Hi!" Ginaya ako ni Mikel. Cole smiled and waved his hand at us, especially at Mikel.
"Ate Beatrix, he could just call me 'Cole' because I'm too young to be called 'tito'."
I crinkled my nose at him. "Sounds like Eli." I frowned. Iyan din ang dahilan ni Eli kaya ayaw niyang magpatawag na tito sa anak ko. Iyong kay Cole ay understandable pa pero yung kay Eli ay pag pi-feeling na ang tawag doon.
"My-my!" Mikel tried to wiggle his body while he was in my arms. Ibig sabihin no'n ay gusto niyang magpababa.
"Okay, okay... Basta h'wag kang malikot, ha?" Sabi ko sa kanya. He didn't nod his head, he continued wiggling his body instead kaya ibinaba ko na siya.
Pinanuod ko siya and he started running and running around. He looks cute with his mini pilot suit. Bagay na bagay niya. Ganoon kasi ang theme ng birthday niya kaya you'd see airplanes here everywhere.
Sina mama at papa ang pinaka-tumulong sa aking magprepare para sa 1st birthday ni Mikel. This party is exclusively for our family and friends only. Mahigpit ang bilin ni papa sa mga securities na h'wag silang magpapapasok nang mga bisitang hindi naman kabilang sa listahan.
He stopped for a little while when his eyes found Colton. Ilang sandali pa ay tumakbo siya papunta kay Colton, he bumped into Colton's firm legs.
Kaagad na tumingin si Colton sa likod niya at napangiti siya nang makita si Mikel. He immediately picked my son up at hinarap kay Nice-Nice na kasalukuyang hawak-hawak ng kanyang mommy Jess.
Parang kinurot ang puso ko. Mikel was smiling from ear to ear too. It's obvious that my son is longing for a father kaya gustong-gusto niya sa kapatid ko. Colton cares for my son like he is his child too kasi kaya siguro nagkasundo sila.
"Hey, what's with the watery eyes?" biglang sumulpot si Kaye. Si Kaye lang ang nandito because Nickolas couldn't make it. Kasalukuyan niyang nasa Alaska ngayon para dalawin ang grandparents niya. Tapos ang boyfriend naman ni Kaye na si Matt ay nasa trabaho pa.
"Nothing... I'm just happy. My son is growing up so fast."
"True. And he looks exactly like Yael. Xerox copy na xerox copy!"
Para akong pinaliguan ng isang timbang puno ng konsensya sa sinabi ni Kaye. Yael, I'm so sorry. I know I'm being unfair. So f*****g unfair pero ano ba ang magagawa ko?
I was so damn scared of losing Mikel and I'm so scared of the consequences of my actions too. I know every move we make, every action we do, lahat nang iyan ay may consequence and when that consequence came I will still fight for my son.
Ngumuso ako. "Everyone is saying that..." sabi ko na lamang.
"Iyon naman kasi ang totoo. Kaya hindi mo talaga maitatanggi na may dugong Salcedo ang anak mo."
Bumuntong hininga ako. "Alam ko."
"Sir, sir! Sandali! Hindi kayo pwede rito!"
Naputol ang pag-uusap namin ni Kaye nang makarinig ako nang sigaw. I even heard each and everyone asking, "anong nangyayari?"
Kumunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Kaye. Pareho rin ang tanong na naglalaro sa aming isip.
"Where is my son?! Ilabas niyo ang anak ko!"