Chapter 3

3539 Words
Chapter 3     Terrified       "So... Who's Mikel?"     Para akong nabingi sa tanong niyang iyon. Namutla ako at pinagpawisan nang malamig.   Ilang beses akong lumunok at sinubukang magsalita ngunit nagbubuhol ang aking dila.   Tinaasan niya ako ng kilay at mas lalo akong naging tensyonado!   Tumikhim ako bago nagsalita. "S-someone I know from here." pagsisinungaling ko sabay iwas nang tingin.     I'm sorry, baby Mikel. I'm so sorry.     Dumilim ang kanyang aura na para bang may mali sa aking sinabi.     "Really?" Mababa ang kanyang tono ngunit dama ko roon ang panganib.   Ilang beses akong kumurap. "O-oo! Ano ba'ng dahilan para magsinungaling ako sa'yo? At ano ba'ng ginagawa mo dito?!" Nagtaas na ang boses ko dahil sa sobrang tense. I'm even sweating nonstop. Dammit! Gusto ko nang umalis!     He licked his lower lip.   "Ikaw lang ba ang may karapatang magpunta dito, Beatrix?" he fired back in a cold tone.   My heart jumped on my chest. Ang tagal ko nang hindi naririnig iyan! Bakit ba kapag siya ang nagbabanggit ng pangalan ko ay nakapakagandang pakinggan? Listening to him saying my name was way better than listening to my favorite song.   "I live here, Yael."   Nagtaas siya ng kilay. "And we'll stay here for two weeks..."   My eyes widened. They'll stay here for two f*****g weeks?! Hindi 'to pwede! What if Yael finds out about Mikel? Dammit! Mas lalo akong nilukob nang kaba. Naipunas ko na sa tela ng leggings ko ang pawis kong mga palad.   "W-why here?" hindi ko napigilang tanong. Naglakas loob akong tingnan siya sa mukha. Nahuli ko ang mga mata niya na nakatingin sa may leeg ko. Noong una ay akala ko ay sa cleavage ko siya nakatingin ngunit napagtanto ko na ang kwintas ko pala ang tinitingnan niya.   I felt more uneasy with him staring at the necklace that he gave me. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba ang pendant o huhugutin ko ang kwintas mula sa leeg ko at itapon na lamang kung saan. Crazy, right? Yes! He makes me wanna do crazy things!     "Why not?" umigting ang kanyang bagang bago muling inangat ang tingin sa mukha ko. Bakit ganoon? Inalis na niya ang tingin niya sa pendant ko pero bakit tensyonado pa rin ako?   Dahil kahit saan naman niya ako tingnan ay kakabahan at kakabahan pa rin ako! f**k this!   "I-I don't know... Ang daming magagandang apartment diyan."   Nagpakawala siya ng isang pagak na tawa. "Bakit parang ayaw mo yata na narito kami? Big deal ba na magkasama-sama tayo sa iisang building?   Yes! Because I can't stand seeing you two together! Kahit na aksidente ko pa kayong makasalubong na magkasama ay ayoko! At ayoko ring malaman mo na may anak tayo dahil ano mang oras ay alam kong pwede mo siyang kunin sa akin!     Naikuyom ko ang nanginginig kong palad. "I'm your ex, Yael. Hindi pa ba alam iyon ng girlfriend mo?" Lakas loob kong tanong.   He gave me a sarcastic smile. "So what if you're my ex? That doesn't mean that I'll knock in your apartment door in the middle of the night to cheat with my girlfriend. Hindi ako gago." maanghang niyang pahayag.     I was taken aback. Namula pa ako sa pagkakapahiya at hindi ko alam kung ano ang dahilan nang pagkirot ng puso ko. Dahil ba sa pag-angkin niya na girlfriend niya sa Vien or is it because just the thought of cheating on his girlfriend with me disgusts him?   It's not that I want him to cheat pero tangina lang. Tangina lang talaga.       "T-that's not what I meant!" Nauutal kong depensa. And why did I even stutter? Tanginang yan!     "And please lang, kung gago ka man at may balak kang mag taksil sa girlfriend mo ay hinding-hindi kita papatulan dahil may natitira pa akong delikadesa sa katawan!"     I felt so proud of myself after throwing those words to him. I sounded so strong and fierce kahit na sa totoo lang ay nanginginig ako sa takot.     Nag-igting ang kanyang bagang ngunit pinilit niya pa rin ang kanyang sarili na ngisian ako.     "Good... kaya masanay ka nang makita kami rito ni Vien sa loob ng dalawang linggo. Nasa 7th floor lang kami." Ngisi niya.     Pumintig nang mabilis ang aking puso. Para na akong aatakihin sa kaba at pati sarili kong kulay sa katawan ay tinakasan na ako. s**t! s**t! Is this some kind of joke? Pati palapag ay parehas kami!     Kumunot ang noo niya at humakbang papalapit sa akin ngunit hindi pa man natatapos ang isa niyang hakbang ay kaagad na akong umatras palayo. My hands are shaking. What the f**k!     He gave me a doubtful look while his jaw is still clenched. "You look... scared." puna niya.   Mas lalo pa akong natakot dahil doon. His voice sounds danger.   Tila ba isa siyang lobo na kayang makaamoy sa takot ng kanyang biktima.     Napalunok ako. "S-scared? Is there a reason for me to be scared?" Sinubukan kong tapangan ang boses ko at nagtagumpay naman ako.     His intimidating eyes pierced through me. Damn! Bakit ba niya ako ginaganito? Bakit alam niyang samantalahin ang kahinaan ko?     I'm intimidated and scared in every move he makes and I know that he knows that I am!     "Meron ba, Beatrix?" balik tanong niya sa akin.     I forced myself to laugh and it sounded so awkward. "Nagbibiro ka ba? Syempre wala!"       He gritted his teeth. "Then why are you acting like that?" puno nang iritasyon ang kanyang boses.       "Acting like what?" painosente kong tanong.     "Acting like you're hiding something from me..." pinaningkitan niya ako nang mga mata at natigilan ako bigla. "... are you hiding something from me?" Pagsisindak niya sa akin gamit ang kanyang mababang tono.   With that I lost my capability to think straight. I suddenly felt so desperate and scared! Desperadang-desperada na akong makaalis sa sitwasyon ko ngunit hindi ko alam kung papaano at hindi na rin ako makaisip ng paraan kung papaano! Desperada na ako dahil alam kong kaunting pitik na lang niya ay sasabog na ako at malalaman na niya ang sikreto ko!         "Excuse me? Why would I even bother to hide something from you? Ano ba ang mapapala ko doon? Matagal na tayong tapos! Sa tingin mo ba ay may pakialam pa 'ko sa'yo? Ang yabang mo naman kung ganoon!"       Ito na ang pinaka epektibong solusyon na naisip ko para makaalis kaagad... Ang magalit. Kailangan akong magalit at kailangan ko siyang insultuhin. In that way he would think that I'm really over him. At kapag nainsulto siya ay madi-divert ang topic at mabilis akong makakawala.     Ang mga mata niyang malalalim ay nabalot ng apoy sabay tawak nang pagak sa akin. "Bakit parang ikaw pa yata ang galit?" nanghahamon niyang tanong.     Bakit? Siya lang ba ang pwedeng magalit? Siya lang ba ang may karapatan? Although, siya lang naman talaga pero kahit na! Hindi niya alam ang mga dinanas ko!     Looking at him right now... grabe. He looks ten times better, yes, but he became heartless. The way he intimidates me, the way he looks at me angrily and coldly; the way he talks to me corrosively.     "Hindi ba dapat ako ang galit, Beatrix? And you must know by now that I'm f*****g livid with you..." he said in gritted teeth. His aura is so dark! Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkirot ng aking puso.     Naikuyom ko na lamang ang aking kamao na para bang kaya nitong ibsan ang pagkirot ng puso ko.     "At kung makakahanap man ako ng pagkakataon na wasakin ka ay gagawin ko, Beatrix... magagawa ko iyon dahil sa galit na nararamdaman ko sa'yo." Seryosong-seryoso niyang sabi. Tumindig ang aking balahibo sa aking buong katawan dahil doon.   Para bang ano mang oras ay hinding-hindi siya maaawang wasakin ako. And that what fears me the most. Sa oras na malaman niya ang tungkol kay Mikel, he would go berserk. Mas malala pa dito ang kaya niyang gawin. Kukunin niya sa akin ang anak ko, iyan ang nasisiguro ko.       So I must runaway from him as early as now before he could even shatter me into pieces... and getting my son away from me is what can shatter me into million pieces.     Hindi pwede! Hinding-hindi ako papayag. Papatayin niya muna ako!       "I-I don't know you!" Tanging nasabi ko na lamang bago ako kaagad na tumalikod. Narinig ko pa ang sariling panginginig ng aking boses. Nakakatakot siya... Parang hindi siya si Yael dahil isa na siyang halimaw ngayon.     Sinamantala ko na ang pagkakataon nang makatalikod na ako at bagamat nanginginig ako sa takot ay nagawa ko pa ring humakbang nang mabilis. Hindi ko na narinig na tinawag niya ako at wala rin naman akong balak na harapin siyang muli kahit na tawagin niya pa ako.   Hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay halos himatayin ako sa gulat nang makasalubong ko si Zariel habang karga-karga ang anak ko at base sa direksyon nila ay alam kong doon sa lugar kung nasaan si Yael ngayon ang pupuntahan nila! Isang pader na lamang ang pagitan ni Mikel at Yael!     Isang liko na lang at magkikita na sila at kukunin na niya si Mikel sa akin! Sobra akong natakot kaya kaagad kong pinigilan si Zariel sa kanyang paglalakad at biglaang kinuha mula sa kanya ang anak ko. Halatang nagulat siya at dahil sa gulat na iyon ay kusa na siyang nagpaubaya.     "What the hell is happening, Trix?" Dinig ko ang pangamba at pagtataka sa boses ng pinsan ko ngunit hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang ang lakad ko at sobrang laki ng mga hakbang na ginawa ko. Isubsob ko ang ulo ni Mikel sa aking leeg habang mahigpit ko siyang yakap-yakap sa mga bising ko.     "Dammit, Beatrix! Ano ba ang nangyayari sa'yo at parang takot na takot ka?"       "I'll explain later, Zariel!" mahina ngunit mariin kong sabi habang paulit-ulit na pinipindot ang button para bumukas ang elevator. f*****g s**t! Bakit ba ang tagal bumukas nito?!     Habang pinipindot ko ang button ay panay rin ang sulyap ko sa paligid dahil baka bigla-bigla na lang sumulpot si Yael.       "Punyeta!" Mahina kong mura at naipalo ko na lang ang palad ko sa may button. Sakto namang bumukas iyon at walang katao-tao sa loob. Nagmadali akong pumasok habang karga-karga ko pa rin ang anak ko at kaagad namang sumunod si Zariel. Siya na rin ang nagpindot ng floor namin.     Kahit na nasa loob na kami ng elevator ay hindi pa rin ako mapakali. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa anak ko habang naghihintay na tumigil at bumukas ang elevator sa 7th floor. I can see Zariel's reflection through the elevator. She keeps on glancing at me briefly. Parang gustong-gusto niya akong tanungin ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili.       The elevator doors opened and I immediately took huge steps to teach our apartment door quickly.       "Oh my God, Beatrix? What the hell is happening to you?" Zariel finally spoke while shutting the door behind her.     I nervously nibbled my bottom lip while taking steps back and forth.     "We have to go... we have to go." I muttured.       "What do you mean 'we have to go'?" Nalilitong tanong niya.     I stop mid step and then I looked at her.     "Yael's here... Same building, same floor. At malakas ang kutob ko na kukunin niya ang anak ko, Zariel! Kukunin niya si Mikel sa akin kapag nalaman niya!" Nagpapanic kong sabi. Napupuno na nang takot ang dibdib ko simula pa kanina.     "Wait... What? Damn! This is insane! Was this the thing that they call 'destiny'?"       "Zariel, I am serious! Uuwi na kami ng Pilipinas ni Mikel." Desidido kong sabi.       "Teka lang naman, Trix. Parang padalos-dalos naman yata ang desisyon mo."         "We couldn't stay here any longer... Yael will be here for two weeks and I'm not risking any of those days for Yael to find out about my son! Kukunin niya si Mikel sa akin."       "Mikel is not only your son, Trix. He's Yael's son too. Natural lang na gustuhin niyang makasama ang anak niya."   Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Sa ngayon ay sarado pa ang isipan ko. Kahit anong sabihin niya ay hindi ko maiintindihan.   "Please hold my son for a minute... magbo-book ako ng flight patungong Pilipinas online."   "Beatrix, h'wag kang magpadalos-dalos." Saway niya ngunit wala pa rin siyang nagawa kung hindi hawakan muna si Mikel.   Alam kong nagmumukha na akong duwag sa ginagawa ko ngayon pero wala na akong ibang paraan na naiisip pa. Kitang-kita ko sa mga mata ni Yael ang galit niya sa akin. Hindi na siya katulad ng dati, alam kong sa pagkakataong ito ay hindi siya magdadalawang isip na kunin sa akin si Mikel sa oras na malaman niya ang tungkol sa kanya. I'm not losing my son, not now. Not ever. Hindi ako handa. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to.   Kaagad kong binuksan ang laptop para ibook ang flight namin ni Mikel pauwing Pilipinas.     Desidido na ako, Wala ng atrasan ito. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakapag book na ako ng flight tapos ay kaagad kong tinawagan si Colton.   Hindi na ako naghintay ng matagal dahil kaagad din naman niya itong sinagot.   "Colton, we're going home..."   -   Paglapag na paglapag ng eroplano ay kaagad kong isinuot sa anak ko ang hood ng onesie na suot-suot niya. Kinalas ko ang seatbelt saka na kami bumaba ng eroplano. May mga iilang flight attendants pang pinanggigilan ang anak ko.   "We'll just go get our luggage, okay?" sabi ko sa anak ko habang papunta na kami sa terminal 3. Inabangan ko na ang pagdating ng mga luggages namin. Dalawang maleta lang ang nadala ko at isang hand carry dahil sa kakamadali. Kung ano na lamang iyong importante ay iyon na lang ang dinala ko.   Nang tumapat na sa akin ang dalawang magkasunod na maleta na dala ko ay kinuha ko kaagad ang mga 'yon. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil nasa carrier naman si Mikel pero tinulungan pa rin ako ng isang foreigner na lalaking katabi ko.   "Thank you..." I smiled.   "Oh, no worries." He smiled back before tapping Mikel's head. Napangisi na lamang ako sa ginawa niya bago siya tumalikod sa amin tulak-tulak ang kanyang mga bagahe.     "Welcome to the Philippines, Mikey..." I whispered sweetly to my son. He just smiled sweetly at me before he whispered some rasphberries. Napangiti ako ng matamis. I love this feeling, iyong parang kami lang dalawa ang nagkakaintindihan.     Itinulak ko na ang mga luggage namin at nang makalabas na kami ay kaagad akong luminga-linga sa paligid upang hanapin ang sundo namin. Sa hindi kalayuan ay may natanaw akong dalawang lalaking parehong naka uniporme. Kumaway sila sa amin bago naglakad papunta kung saan kami naroroon.     "Welcome back po, ma'am Beatrix." Bati kaagad noong isa. Napangiti ako kaagad nang mamukhaan ko na siya.   "Thank you, Ram." Nakangiti kong sabi. He's Ram, I've known him since I was in junior high. He's one of my father's bodyguards.   "Ito nga po pala si Charlie, bagong bodyguard ng papa niyo." Pakilala niya sa isa.   Nginitian ko iyong Charlie. Kaya pala hindi siya pamilyar sa akin.   "Magandang hapon ma'am Beatrix..." he greeted me with a smile.     "Oh ano pang tinutunga-tunganga mo diyan, Charlie? Ikaw na ang magtulak ng mga gamit nila ma'am!" sita ni Ram sa kanya at tila nagising naman siya sa katotohanan kaya siya na ang pumalit sa akin sa pagtutulak ng mga luggage namin.     "Pagpasensyahan mo na ma'am Beatrix magaling naman iyang si Charlie pero nagiging tanga sa tuwing nakakakita ng maganda." Mahinang sabi sa akin ni Ram habang kinukuha ang bag na dala-dala ko. Puro mga gamit, bottles, at gatas lang ang laman noon.   Natawa ako ng bahagya. "Salamat..."   "Iyan na pala ang apo ni ser Ronan? Ang gwapo naman pala ma'am! Mestizong-mestizo! " puri niya habang nakangiting nakatingin kay Mikel. Nagbaba ako ng tingin sa anak ko at wala na akong dahilan upang kumontra pa dahil totoo naman ang sinabi ni Ram.   "Salamat, Ram... You heard that, sweetie? Gwapo ka daw!" sabi ko kay Mikel nang magbaba ako ng tingin sa kanya.   "Hindi ka masyadong kamukha ma'am..." Puna niya. Nagbaba ako ulit ng tingin kay Mikel. He's looking up to me with amusement while he's sucking his fingers. Bigla akong nakaramdam ng habag sa anak ko.   I felt sorry for him dahil kailangan niyang ma-involve sa mga ganitong bagay. I wanted to give him a complete and a perfect family but things went wrong. I f****d up, we f****d up.   "Kamukha kasi yung Daddy niya..." I said with a sigh. It feels awful to mention Yael dahil siya ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.   I'm hiding Mikel from him because I was scared that he might get him away from me. Hindi ako handa at hinding-hindi ako magiging handa para sa ganoong bagay. Mikel is my life. Patayin na lang niya ako kung kukunin niya sa akin ang anak ko.   Tumigil kami sa isang kulay itim na van at dali-dali kaming pinagbuksan ng pintuan ni Ram. Inalalayan ko ang ulo ni Mikel habang pasakay kami sa loob.   I get him out of his carrier saka ko iyon hinubad sa katawan ko para mas makandong ko siya ng maayos. Sumandal siya kaagad sa likod ko at ginusot ang kanyang mga mata. The moment he yawned, alam ko na kaagad na inaantok na siya.   Hindi naman siya umiyak at nakatulog na lamang siya kaagad. Hindi naman kasi masyadong iyakin si Mikel katulad ng ibang bata.   "Sino-sino nga pala ang mga tao doon sa bahay, Ram?" tanong ko bigla.   Sinulyapan niya ako sa may rear-view mirror bago siya sumagot. "Katulad ng hiniling niyo ma'am. Ang mga magulang niyo at iyong si sir Colton lang ang nandoon kasama ang asawa niya." He retorted. That is what I told Colton when I called him to inform him that we're going home.   Ang sinabi ko ay hangga't maari ay h'wag na muna niyang ipaalam sa iba. It will just me, our parents, and his family and nobody else. Hindi naman sa ipinagdadamot ko ang karapatan ng iba na malaman na nakabalik na kami. I just don't want to cause a commotion.   Magulong-magulo pa ngayon. I don't want to see them getting involve with my mess. Tama na iyong kaunti na lang ang nadamay. Ayoko nang dagdagan pa iyon.   At isa pa, napakahirap mag-explain. Sigurado naman ako na uulanin ako ng mga tanong. Hindi lang naman kasi si Mikel ang pagkakaguluhan nila for sure dahil pati ako ay siguradong hindi nila titigilan.   I will let them know eventually but not now.   -   "Oh my God!" si mama kaagad ang sumalubong sa amin. Karga-karga ko pa rin si Mikel na gising na gising na at kakatapos ko pa lamang padedehin kanina sa van. Hindi alam ni mama kung sinong uuanahin niyang yakapin at halikan, kung ako ba o ang apo niya.   "Oh my... is this really my grandson?" hindi makapaniwalang sabi ni mama. Her eyes are wide and she's looking at my son like he's the most wonderful thing that she has ever seen.   Nakangiti akong tumango-tango kay mama. Tiningnan ko sina papa at Colton. They're both looking at us with amusement. Si Jess naman ay excited na excited na nakatingin sa akin at sa anak ko. Parang gustong-gusto na niyang hawakan ang anak ko pero pinipigilan niya ang sarili niya.   "Mikey... this is your lola and that's your lolo. Si tito Colton naman iyong nasa likod ni lolo mo at katabi niya ang tita Jess mo." Pinakilala ko sila kay Mikel isa-isa kahit na alam kong hindi pa naman niya naiintindihan ang mga bagay-bagay.   "Can I hold him?" Nagniningning ang mga mata ni mama habang tinatanong ako. Alam kong excited si mama dahil seven months pa lang noon si Mikel noong huli nilang dalaw sa amin doon.   "Of course," nakangiti kong sagot at maingat na ibinigay sa kanya si Mikel. Halos maiyak siya nang makarga na niya ang apo niya. Masaya niyang binalingan ng tingin si papa.   "Ronan, nandito na ang apo natin..." ani mama.   Papa nodded with a smile. "I know..." aniya at hinaplos ang mukha ni Mikel. My Mikel looked at the people around him one by one. Punong-puno nang pagtataka ang kanyang mukha.   It looks like he's wondering kung sino ba ang babaeng kumakarga sa kanya, kung sino ba ang lalaking humaplos sa mukha niya at kung sino ba ang dalawang mag-asawang nakatingin sa kanya.   Hindi naman siya umiyak dahil madalas naman siyang dalawin ng lolo't-lola niya doon sa New York. Inaalala niya lang siguro ang mga mukha nila.   Binalingan ko ng tingin sina Jess at Colton. Damn, I haven't seen these two for so long.   "Where's Nice-Nice, by the way?" tanong ko nang maalala ko ang aking pamangkin.   "Natutulog sa kwarto ko..." sagot ni Colton. My brother looked ten times better. Mukhang hiyang na hiyang niya ang may anak at asawa. Lalo naman si Jess, wala nga sa hitsura niya na may anak na siya.   "Gusto ko siyang makita." Sabi ko.   Humagikgik si Jess at tiningnan si Colton. "Ikaw na ang sumama kay Trix... I'm going to wait for my turn to hold Mikel." Aniya.   Natawa ako sa sinabi niya. "Wow, Jess? Parang anak ko lang ang umuwi ng pinas ah." Puna ko.   Tumawa siya sabay irap nang pabiro. "Ano ka ba, we'll catch up later. Ang gwapo-gwapo ng anak mo!" gigil niyang sabi.   "Kamukhang-kamukha ni Yael..." Biglang sambit ni Colton habang nakapamulsang nakatitig kay Mikel.   Lahat kami ay natigilan.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD