The Meeting

4309 Words
Pinagmasdan ko kung paanong sumikat ang araw kinabukasan. Kung paano nitong pinaliwanag ang madilim kong kwarto pero hindi ako. Hindi ang nararamdaman ko. Alam ko naman na mangyayari rin ito isang araw. Noong araw pa lang na nagtayo siya ng sariling business sa London at umangat ang reputasyon niya, alam kong makikilala siya at hindi na niya ako kakailanganin pa. "Hija, natutulog ka pa rin ba?" Dinig kong tanong ni Manang Carmen bago pumasok dala ang kape ko at cookies, ang aking daily dose of happiness na nagpapalakas sa akin. "Napakaganda ng araw ngayon ano, manang? Pero parang ang lungkot ng lahat." "Mukhang hindi yata naging maganda ang gising mo. Nakatulog ka ba, Sofia?" The worst in a long time, I think. "Si Angel ho?" Pag-iiba ko ng topic. "Naku, buong magdamag na nakakulong sa opisina niya at umalis naman ng sobrang aga kanina lang." May kumurot sa puso ko sa narinig. "Manang, pwede bang manghingi ng pabor?" Tumango siya kaya nagpatuloy ako. "Pwede ho bang tulungan niyo akong mag-empake?" Sa sinabi ko ay napamulagat siya. "May business trip ka ba? Oo naman, ano ba ang ilalagay ko sa bagahe mo?" "Lahat ho," tinignan niya ako na labis na nagtataka. "Nakapagkasunduan na ho naming maghiwalay kaya gusto ko hong nakahanda na ang mga gamit ko bago siya makauwi mamaya." "Pero... divorce, anak?" Mapakla akong napangiti. "Manang, bakit nagugulat pa kayo? Alam niyo naman na lahat ng makikita sa TV at internet ay kasinungalingan lang. Hindi kami normal na mag-asawang nagmamahalan at wala nang dahilan pa para pagpatuloy pa namin ang kalokohang ito." "Pero mahal mo siya, hindi ba?" Oras na para ako naman ang magulat. "Nahalata ko, Sofia. Kahit na naitago mo ito sa kaniya ay hindi mo ako maloloko, anak." Napabuntong-hininga ako at umiling. "Huwag niyo na ho ulit iyang babanggitin. Pwede ho bang tulungan niyo na ako para makaalis na ako mamayang hapon?" "Saan ka naman mamamalagi niyan?" "May apartment ho ako. Hindi kasing-laki nito pero sapat na sa akin iyon." At sa sandaling ito ay mas gusto ko iyon. Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos para pumasok habang ramdam ko ang mga tinging ipinupukol ni manang sa akin. "Bakit ho?" Tanong ko nang makita ang reaksyon ni manang matapos akong makapaghanda. "Parang hindi bagay sa'yo iyang suot mo para sa araw na ito." Tinignan ko ang suot ko. Nakasuot ako ng dress pants at tinernuhan ko ng black top at blazer. "Paanong hindi ho bagay?" Taka kong tanong. Ngumiti siya at pumunta sa walk-in closet ko. Ilang sandali pa ay lumabas siyang may dalang purple dress na dalawang centimeters ang taas mula sa tuhod, at may maliit na bukasan sa dibdib banda. Hindi sapat para makita ang buong dibdib at elegante pa rin naman. Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na magpalit suot ang dress na kinuha niya at kahit ako ay namangha sa hitsura ko. Ang ganda kong tignan! Isang beses ko lang itong nasuot noon sa isang jewelry event three years ago at nakalimutan ko na kung gaano ito kabagay sa akin. It highlights my figure and breasts. Nagsuot din ako ng high heels at blazer na bagay sa wavy kong buhok. "Iyan, anak. Bagay na bagay sa'yo. Handa ka nang tapatan o higitan ang kung sino man at makita ni sir kung ano ang nawala sa kaniya." Tila gusto pang humagikgik na sabi ni manang. "Sabi ko na nga ba at may balak kayo, pero sorry to disappoint you dahil hindi ako papansinin ng lalaking iyon, manang. Never naman niya akong nakita dahil kinamumuhian niya ako. Dahil sa isang babaeng hindi siya deserve pero hindi niya ma-realize." Pagdadrama ko at napailing. "Iiwan ka ba niya dahil sa ibang babae?" "Dati na silang magkasintahan, manang. Bago kami magpakasal." "Kilala mo ba siya?" Patuloy niyang usisa. "Mas higit ko siyang kilala kaysa sa kaniya. Pareho kami ng university na pinanggalingan. Magka-competition na kami ni Angel kung sino ang mas magaling bago pa siya dumating. Tapos na-in love si Elisa sa kaniya at nag-iba na ang tingin niya sa akin. Nag-iba na ang samahan namin at tuwing mag-uusap kami ay naging malamig na siya at masama sa akin. Minsan hindi lang sa akin kung hindi sa ibang babae rin." "Pero sigurado namang mas maganda ka sa kaniya." "Siguro ho, pero siya pa rin ang nanalo at nagmamay-ari sa puso niya dati pa. Masiyado nga lang siyang bulag sa pag-ibig para makita ang kulay niya. Ang gusto ko lang din talagang malaman ay kung bakit namuhi siya sa akin at kung ano ang ginawa niya." Buong gabi ko iyong inisip kaya hindi ako halos nakatulog. Kung galing iyon sa babaeng iyon, lahat ay posible. "Ang sama pala niya!" "Pero sa kasamaang loob ho ay mapipilitan kayong pakisamahan siya at siya na ang bago niyong amo," Tumayo na ako at nagpaalam. "Subukan ko hong pumunta ng maaga para makuha ang mga gamit ko, pero pakisabi na rin kay Sandro na ihanda ang sasakyan at kapag handa na po ay pakidala na lang sa apartment ko. Alam niya ho kung saan iyon." Dumating ako sa kumpanya at ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung dahil alam na ba nila ang tungkol sa divorce o dahil ako na ang bagong presidente. Or maybe because I looked great? Despite trying to hide a broken heart that is. Dumiretso ako sa opisina ko na kasunod ang sekretarya ko. "Mrs. Sofia, today you have a meeting with the investors of Let-technology." Pagpapaalala niya sa schedule ko at agad ko siyang sinaway. "Sara, don't mention those duties here. Sinabi ko na sa'yo before, 'di ba?" Paalala ko sa kaniya dahil ang nabanggit niya ay ang kumpanya ko. My technology company where we develop new models of computers, phones and systems. Ito ang pinagkukuhanan ko ng pera ko, pero ito rin ang kumukuha ng marami kong oras. "Sorry, Mrs. Hindi ko lang nasabi sa inyo kahapon dahil kasama niyo si Ms. Amelia." "It's alright. Ano ang oras ng meeting natin with the investors?" "At two o'clock. Then at five, you have an appointment po with the designers na galing sa norte para sa new designs." "Sara, is there anything about the meeting later?" "Nakahanda na ang meeting room, Mrs. Sofia. The investors have already confirmed their attendance. Nakahanda na ang lahat at ang hinihintay na lang ay ang pagdating ni Sir." Mukhang wala pa si Angel sa kumpanya. Malamang ay nakipagkita muna siya sa pinakamamahal niyang si Elisa at sinabi sa kaniya ang magandang balita. "Okay. Kapag dumating na ang mga investor ay dalhin niyo sila sa meeting room. Make sure they are treated nicely. Kapag dumating na ang presidente, let me know so I can join the meeting. Sa ngayon, may ilan muna akong tatawagan." Tinawagan ko ang ilang investors sa kumpanya ko at pati ang lawyer ko. Tinawagan ko rin si Amelia para matawagan niya ang lawyer ni Angel at masigurong ang lahat ay legal at walang aberya. Although my heart is still breaking and I am in pain, I won't let him get through me. "I was expecting your call, pero hindi ganito kaaga." Sagot ni Amelia sa kabilang linya. "Kung sa akin lang, kagabi pa kita tinawagan pero ayaw lang kitang maistorbo." "Oh, now we're talking. What is up, Sofia?" Sumeryoso niyang tanong. "Last night when I got home, Angel was there." Narinig ko siyang suminghap sa kabilang linya. "The cruel hottie was waiting for you! Oh, oh, nagkaroon ba ng away sa inyo? I bet there is." "Nah, this time, we were cordial. He asked me for a divorce at ibinigay ko iyon sa kaniya. Nalaman ko rin sa wakas na ang ugat pala ng pagkamuhi niya sa akin ay ang pagaakala niyang may ginawa ako sa pinakamamahal niyang babae. Ah, and not only that, the witch is back." "Hold my purse! Bakit ngayon mo lang sinasabi ito sa aking gaga ka?! Wala akong paki kung naglalaway na ako! You should have told me earlier." Reklamo niya at nai-imagine ko siyang pumapadyak. "Kita tayo mamaya sa apartment ko at sasabihin ko sa'yo lahat, okay?" "Sa apartment mo?" "Yes, Amelia, sa apartment ko dahil babalik na ako roon. "Titira ka na ulit doon?" "Oo, basta mamaya mag-usap tayo at sasabihin ko sa'yo lahat." "Okay, don't worry, my dear friend, sa'yo ang kwento at akin ang alak. Magdadala ako ng malakas at magpapakalasing tayo!" Napaikot ang mga mata ko at pinigilang matawa. "Okay, whatever you want. Basta't huwag kang hindi pupunta." "Hindi ako baliw para ma-miss ang juicy chismis mo, Sofia. Hindi na nga ako matatahimik buong maghapon." Sa pagkakataong iyon ay may kumatok sa pinto at pumasok si Sara. "Sir Angel has arrived, Ma'am. As well as the investors. Hinihintay na nila kayo sa meeting room." "Perfect. Amelia, I have to go at naghihintay na sila. Basta mamaya, ha?" Pinutol ko na ang tawag at humugot muna nang malalim na paghinga para mag-ipon ng lakas ng loob na makita si Angel at huwag maapektuhan. Nang makarating sa meeting room ay nakita ko ang pitong lalaki kasama si Angel at lahat sila ay nakatingin sa akin. "Good morning, gentlemen. How have you been?" Bati ko sa kanila na may nakapagkit na ngiti sa mga labi kahit pa naiilang ako at sinusupil ang nararamdaman. "Not as good as you, Sofia. Parang paganda ka nang paganda araw-araw." Kumento mula kay James na isa sa mga investor namin. "I agree, when I thought you couldn't be prettier, you surprised me," dagdag bola naman ni Arthur. Si Kurt ay nagdagdag din. "Para kang diyamenteng kumikinang. It must be because Angel is here." "Kurt, are you impying that I look bad when Angel is not around?" Pagpatol ko sa pambobola niya. "Oh no, never. I am just saying you look gorgeous today, Sofia," Kurt clarified. "Hm, well. What can I say? Ganoon siguro ang epekto kapag magandan ang tulog mo matapos makarinig ng magandang balita. The sun is even more beautiful and brighter today, don't you guys think?" Siguradong si Angel ang numbero unong sang-ayon sa sinabi ko. Sa wakas ay tinignan ko ang magaling kong asawa—o mas tamang sabihin na ex-husband-to-be at mukhang wala siya sa mood na ikinataas ko ng kilay. Hindi ba dapat ay nagsasayaw pa siya sa saya? "We better start the meeting and not waste my precious time." Naupo ako sa kanan banda ni Angel at katabi ni Gabriel na isa pang investor na katabi naman ni Kurt. Nag-umpisa ang seryosong meeting at ipinagbigay-alam ni Angel sa lahat ang nangyari sa business na ginawa niya habang nasa abroad siya. In-update ko rin siya ng mga pangyayari sa kumpanya habang wala siya at pagkatapos ay muli siyang tumayo at hinarap ang lahat. "Gentlemen, I gathered you all here today to discuss about the new conditions of the company and about some changes," tumingin muna sa akin si Angel at sa iba. "Sofia and I have made the decision to divorce." Ang lahat ay halatang nagulat at napatingin sa aming dalawa. "Naiintindihan ko na nakakagulat ito pero sana ay igalang niyo ang desisyon namin pareho. However, I want to make it clear that our personal matter won't affect the company or any of you in any way. Mananatili akong partner at share holder ng kumpanyang ito at dadalo pa rin sa meetings kung pasok sa oras ko. Sofia will take the position of the new president, and although I know that this might raise some doubts due to her gender..." "Come on, now, that's good news. Sofia is a great woman. I would be honored to have her as our president. Her skills are exceptional." Papuri sa akin ni Kurt na pinutol ang ano pang sasabihin ni Angel. "Thank you, Kurt. I appreciate it." Pasasalamat ko sa lalaki kasabay ng madamot na ngiti. "Totoo nga," pagsang-ayon ni Gabriel. "No offense meant, Angel, magaling kang presidente, but Sofia here would be exceptional even with the reputation you now have outside the country. Kaya siguradong wala ring masiyadong magiging pagbabago. She's incredible like that." "Pero masasabi kong nakakagulat nga ang paghihiwalay niyo dahil wala kaming nakitang signs. Kahit sabihing nagkalayo kayo ng ilang buwan. Ang akala namin ay dahil lang sa trabaho." Tumingin ako kay Angel at nakitang madilim ang mukha niya. "That is between Sofia and I. That isn't your business, pero sa nakikita ko ay mukhang tanggap niyo siya bilang bagong presidente." "Not at all, Angel. Alam nating lahat na magaling kang magpatakbo ng business at wala na ring mas bagay pang pumalit sa position mo kung hindi siya. I assume you'll continue your business abroad?" "No," sagot ko bago pa makasagot si Angel. "May importanteng bagay na kailangang asikasuhin si Angel. Kagaya ng dati ay mahahawakan naman ang foreign companies nang maayos. As for our separation, things like this can't be helped, you know? I'm sure alam niyo naman na hindi lang kape ang tumatabang. I hope wala kayong problema sa magiging bagong setup namin ni Angel, hindi ba?" "They wouldn't have to, it's our private life and not theirs." Malamig niyang sabi at wala agad nagtangka o naglakas-loob na magsalita. Well, that's settled then. Congratulations sa promotion mo, little diamond," sabi ni Paul na isa rin sa mga investor. Dati pa niya ako tinatawag na ganoon at halos kaedad na siya ng tatay ko. "Thank you." "Angel, I wish you the best on your new careeer pero sana ay magkita-kita pa tayo." Ang lahat ng investors ay nakipagkamay kay Angel hanggang sa sabay-sabay na rin silang lumabas ng conference room at iniwan kami ni Angel. "That went better than I expected." Dinig kong sabi ni Angel nang mapag-isa kami. Ang kaninang palakaibigang ngiti sa labi ko ay naglaho na at napalitan ng mukhang walang emosyon. "Hindi nakapagtataka dahil ako naman talaga ang mukha ng kumpanya. Ikaw ang uma-attend ng meetings at nakikipag-deal, pero ako sa lahat. You are nothing more than a name. You leaving won't have much difference if you'll tnink about it." "Do you find this funny? Are you having fun mocking me?" "Bakit naman hindi?" Taas-kilay kong tanong sa kaniya at mukhamg hindi siya masaya. "You don't seem to be in a good mood. Hindi ba dapat ay masaya ka dahil may sarili kang well-established company, nakuha mo na ang gusto mong kasikatan sa bansa at sa ibang bansa, magkapantay na ang mga pangalan natin, you are getting divorced, and most importantly, the love of your life is back. Bakit hindi ka mukhang masaya?" "I am beyond happy I finally got rid of you." Binigyan ko siya ng tusong ngiti. *Ah, then you should act like it, Angel. Dahil sa ating dalawa, mukhang ako ang nagmumukhang mas masaya." Napatawa siya nang pagak at napatiim-bagang. "You do seem very happy dahil wala namang mawawala sa'yo sa divorce natin. And apparently, masaya rin ang partners natin. It makes me wonder kung dahil ba sa promotion o dahil hindi ka na kasal?" "And is that a big deal? Tayo ang pinakaiingittang pagsasama sa bansa dahil akala nila ay perpekto tayo. Hindi ba't ang ironic lang? Kung alam lang nila. Well, point is, alam na ng lahat na magdi-divorce na tayo at may mga magiging interesado sa dahilan. Besides, men are going to be all over me like flies, while women are going to swoon over you." "That is true. Isa kang ambisyoso, peke, inggitera at..." "Oh, you are starting to bore me, Angel." Pagputol ko sa ano pang sasabihin niya. "Alam mo, nagpapasalamat ako na hindi ko na kailangang magpanggap o pakisamahan ka. You are now another's problem. Ang masama nga lang ay nag-downgrade ka." Nalukot ang mukha niya at halatang nagalit sa sinabi ko. "Ano ang gusto mong palabasin?" "I'd explain to you, pero sa huli ay magagalit ka lang because you are too emotional for your brain to function properly. At ayokong sirain ang mood ko." Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero iniba na niya ang paksa. "Ano ang sabi ng pamilya mo tungkol sa divorce?" "Ano ang sabi ng sa'yo?" Balik tanong ko sa kaniya. "Sasabihin ko sa kanila mamayang gabi kapag isinama ko si Elisa." Nasaktan ako sa narinig ko pero hindi ko ipinahalata habang nakatingin sa kaniya dahil in-expect ko naman na hindi na siya maghihintay. "Magiging masaya ang mama mo na magkaroon ng manugang na kagaya mo. At alam kong magkakasundo sila ng kapatid mo. I can already imagine them shopping all day, magwawaldas ng pera at pag-uusapan ang ibang tao." Prangka at walang preno kong sabi sa kaniya. "Elisa is not like that. Hindi ka lang marunong makisama sa pamilya ko." Nagtitimpi niyang pagtatanggol sa babae niya. "Nor you with mine. Come on now, Angel, your family couldn't stand the idea na kahit akala nilang marami na silang pera ay hindi pa rin nila mapantayan ang pamilya ko, kaya nang makuha ng oportunidad ay kinuha nila." "Bullshit. May napala rin ang magulang mo at nadagdagan ang pera nang ibenta ka sa aking parang kalakal." Ganting pananakit niya sa akin at oo, nasaktan ako. Alam niya talaga kung paano akong sasaktan, pero gano'n pa man ay hindi ako magpapaapekto. "That's nothing new, pero mali ka sa isang bagay. Hindi ako pinilit ni dad na magpakasal para madagdagan ang yaman niya. Isa akong babae at sa paniniwala niya ay mas mahina ang babae at mas matalino ang lalaki. Plus, if you think about it, ibinenta ka rin. We are just merchandise for your parents." Tila nagpating ang mga tenga niya sa galit at alam kong natamaan siya. Gusto niyang patunayang sa pamilya niya na kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa at gustong maging proud sa kaniya ang tatay niya, pero masiyadong mataas ang pride niya para aminin iyon. "Magiging proud ang dad mo sa'yo na malamang nakagawa ka ng sarili mong kumpanya na sa ilang taon lang ay naging kilala na sa ibang bansa. Your mother will be pleased kapag napakilala mo sa kaniya ang babaeng bagay na magbigay sa kaniya ng apo at magiging masaya naman ang kapatid mong magkaroon ng hipag na kagaya niya. Everything's perfect, isn't it?" "Yes, that is right. They will be happy, pero mukhang ang dad mo ang hindi magiging masaya." Panunuya niya. "Ako na ang bahala sa tatay ko. Huwag ka nang magpanggap na may paki sa magiging reaksyon niya." Pinigilan niyang matawa. "As if. Ang mawala ka sa landas ko ang pinakamagandang mangyayari sa buhay ko." Balewala akong nagkibit-balikat. "See? We are all happy now. Sige, kita na lang tayo sa susunod na meeting." "Huwag mong kalimutang alisin ang mga gamit mo sa bahay ko bago dumating si Elisa. You have a week. Kung gusto mo, tutulungan kitang makahanap ng malilipatan mo." "Thanks, but no thanks. In fact, you'll be happy to know that my things are now gone from your home." Natigilan siya at mukhang hindi makapaniwala sa narinig at gusto kong matawa sa reaksyon niya. Inakala ba niyang magtatagal pa ako roon? "How come?" "Gaya ng narinig mo, pwede mo nang dalhin ang reyna mo sa palasyo niya. I think she will like it. After all, bagay siya sa bahay na iyon, gaya ng bagay siya sa iyo." "Ganoon mo ba kagustong umalis at wala pang isang araw ay wala na ang mga gamit mo?" Tanong niya na hindi pinansin ang patutsada ko. "That house isn't just for me. To be honest, I hated it noong unang araw pa lang na umapak ako roon. Nandoon lang ako dahil sa pagsasama natin kaya ang ginawa mo ay pabor sa akin. Sabi nga nila, ang bahay ay kamukha ng may-ari." "And do you think that your dress is appropriate for work?" Pag-iiba niya sa paksa at tinignan ko sa paraang hindi ko makuha. "At ano naman ang masama roon? Dati na akong nagsusuot ng ganito." Maigi ko siyang pinagmasdan. May kakaibang emosyon sa gwapo niyang mukha. "I just don't think it's appropriate. Hindi mo ba nakita kung paano kang tignan ng mga lalaki? It's uncomfortable." "Since when do you care kung gaano ako katagal maligo, anong oras akong umuwi at kung paano ako manamit, Angel?" "I don't care. I couldn't care less. Sinasabi ko lang ang opinyon ko." Tumunog ang phone niya at sa screen ay nakita kong si Elisa ang tumatawag. "Iiwan na kita para sagutin iyan. Huwag ka nang magalit at baka magtampo ang prinsesa mo." "Don't even think about messing with her dahil hindi ako papayag." "Oh, man, mas marami pa akong importanteng bagay na gagawin kaysa pagtuunan ko kayo ng pansin ng girlfriend mo." Napapapalatak kong sabi at tinapik siya sa balikat bago lumabas. Tinapos ko ang araw ko sa mga meeting. Tinawagan ako ni Manang Carmen at sinabing handa na ang mga gamit ko at nasa apartment na. Umuwi ako at oo nga at naroon na ang mga gamit ko. Meron na rin akong nakahandang dinner thanks to Manang Carmen. Ilang sandali rin ay dumating na si Amelia. "I am gracing you with my presence, and with vodka, tequila, meron ding appetizer at ice cream." Anunsyo niya pagkapasok. "Great. Just what I need." Nakangiti kong sabi, ngunit agad ding napalis. "Alam ko, ngayon ay sabihin mo na sa akin ang nangyari, girl. You better not leave anything out." "Gusto mo ba ng mahaba o maiksing version?" Tanong ko habang inaayos ang mga dala niya. "Lahat. Walang pasikot-sikot at wala kang iiwanan." "Naghintay siya sa kwarto ko para sabihing guato niya ng divorce, something we both know that is going to happen anyway," Uminom muna ako ng tequila mula sa bote dahil wala ako sa mood para sa baso. "Pinaalis niya ako sa bahay niya and here I am. He was even shocked that I left his house the next day. The nerve," tumungga ulit ako sa bote bago nagpatuloy. "I finally asked why he hate hates me so at sinabi niyang may ginawa raw ako sa pinakamamahal niyang si Elisa. Hindi ko maintindihan at alam nating pareho na kasinungakingan iyon pero kung ano man 'yon, nagtagumpay ang babaeng iyon na siraan ako kaya kinamumuhian na ako ni Angel." "Ugh, that woman again. Dati pa man ay hindi ko na feel 'yan kahit nasa university pa tayo. Nakakainis, mayabang, inggitera. Lahat sa kaniya ay peke mula dede hanggang buhok niya." Inis na sabi ni Amelia na tinawanan ko na lang. "Mukhang ang tangang si Angel lang ang hindi nare-realize iyan. Kung nakita mo lang ang reaksyon niya nang tanungin ko siya, basta, kung ano man iyon ay mas pinaniwalaan niya ang babaeng iyon." "Ano kaya iyon? Knowing that b***h, kahit ano siguro para lang sirain ka." "And I have news for you. Bumalik na ang hindot. Matapos ang ilang taon ay bumalik siya para kay Angel at buong-puso naman niyang tinanggap ang babaeng iyon." "Bumalik siya? How is that possible? Iniwan ka niya para doon—" "Iyong babaeng iyon ang love of his life niya at hindi naman na bago sa akin iyon. Pero ganoon pa rin siya, naglalaway sa Elisa na iyon." "Kung makilala lang niya sana ang babaeng iyon, bakit hindi mo sabihin kay Angel?" "Nabubuwang ka na ba? Halos patayin na nga niya ako banggitin ko pa lang ang pangalan ng babaeng iyon kaya paano ko pa sasabihin sa kaniya? Besides, hindi naman siya maniniwala. Hayaan mo siya, siguro balang-araw ay magigising din siya sa katotohanan at makitang maldita ang babaeng iyon. Kapag nangyari iyon, I just hope it's not too late." "At hahayaan mo na lang silang dalawa?" "Hindi ko naman pwedeng ipilit ang hindi naging akin at kailanman ay hindi magiging akin. On the bright side, I am now the new president of Andio & Leffmans companies! So it's still a win for me." "Hindi ako naniniwala sa'yo, nako. Baka atakihin sa puso ang tatay mo." "Huwag mong gawing biro iyan. Oo nga at hindi siya ang the best dad pero siya lang ang meron ako at ayoko naman siyang mamatay." Saway ko sa best friend ko. "Pero sabagay, dapay ay may makuha kang maganda sa disastrous marriage mo. Although, hindi ko talaga maisip na walang nangyari sa inyo." "At bakit ka naman nababahala roon, aber?" "I mean, the man is an asshole, but have you seen him? How can you not eat such delicacy? Diyos ko! My God, kung tutuusin ay birhen ka pa nga palang gaga ka." "Hay naku, iyan na naman tayo sa topic na iyan." "Sofia, hindi ka dapat mamatay na virgin. Lalong hindi dapat bago ka mamaalam sa ex-husband mo." Napasinghap ako sa sinabi niya at tinulak siya. "You're crazy! I am not sleeping with him! And even if I tried, he won't fall for it as he hates me! Sinubukan ko isang beses at nasopla lang ako. Lalong hindi ako pupunta sa bar at ipagsisigawang, 'I am a virgin, who wants to do it with me?' You're crazy, Amelia." "I assure you na marami ang pipila at magbabayad ng limpak-limpak na salapi para riyan." "Gaga. Para kang tanga. Lasing ka na ba?" "Hindi pa ako lasing. Ikaw iyang may hawak na boteng kalahati na lang ang laman, at binabanggit ang gagong lalaki na hindi alam kung ano ang nawala sa kaniya." "Natural. Dahil para sa demonyong iyon ay si Elisa lang ang pinakamaganda. I can't even compete with her in his eyes." "Sofia, you are a hottie. At kapag nalaman iyan ng buong mundo, men will flock around you." "Alam mo bang ngayon siguro ay magkasama sila sa bahay niya, at naghahapunan kasama ang buong pamilya niya?" "Family reunion agad-agad? Ugh! Kaya ayoko sa pamilyang iyon noon pa." "You hate everyone I hate." "Iyan ang nakasaad sa kontrata ng mag-best friend. Kung sino ang hate mo ay hate ko. Kaaway mo, kaaway ko." Tinapos namin ang gabi na inuubos ang mga boteng dala niya at nag-uusap ng kung ano-ano, pero higit sa lahat ay kung gaano namin ka-hate ang mga lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD