bc

Bumalik Ka Sa Akin

book_age18+
detail_authorizedAUTHORIZED
16.2K
FOLLOW
120.4K
READ
others
possessive
sex
drama
city
secrets
seductive
like
intro-logo
Blurb

She was forced to marry the coldest, cruelest, proudest and most arrogant billionaire sa buong bansa dahil sa kontratang ginawa ng tatay niya para ma-maintain ang social status nila. Pinakasalan siya nito para sa kung ano ang meron ang pamilya niya, para makilala, i-respeto at para sa kapangyarihan. Dahilan para ito ang maging pinakamalakas sa business community. Marriage for convenience ika nga. After all, nothing better than a wedding between the most powerful families in the country, right?

Ayaw sa kaniya nito at kinamumuhian siya dahil siya raw ang babaeng sumira sa buhay nito, isang kontrata lang ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. They rarely even talk to each other, at kapag mag-usap man ay parang mga aso at pusa. But to other people, they are the perfect couple. Pero kapag tapos na ang palabas, babalik sila sa dalawang taong ayaw sa isa't-isa. Now that he has everything, he wants nothing to do with her anymore at gustong makipaghiwalay. What no one knows is that she's been in love with him, always have been. Pero mas mahalaga ang pride niya kaysa rito.

Ang pamilya niya ang pinakakilala kasama ang pamilya nito, hindi natitibag ika nga. Pero nadagdagan ito nang madikit kami sa pamilya nila. It did not matter to him, but for his familly, napakalaking bagay noon. He already had the perfect woman and he was so in love with her, but she lef him because of her. Kaya wala siyang nagawa at napilitang pakasalan ang pinakamatigas at mayabang na babae na yatang nakilala niya. She's cold as ice and he almost thought she's a robot! Pero ang limang taong pagtitiis ay matatapos na dahil babalik na ang minamahal niya Hindi na niya kailangan ang babaeng tuod na iyon at hindi sila nito masisira.

She loves him, but he will never know it as he hates her. He hates her for what she did and will never forgive her so now it's time to get rid of her!

Ngayon, oras na para alisin sa landas niya ang babaeng sumira sa buhay niya at magsimula muli! Ang tanong, paano niya ito gagawin? At huli na nga ba ang lahat para sa kanila?

chap-preview
Free preview
Divorce
Matapos ang limang taong pagiging mag-asawa. Matapos ang pagpapanggap na isa kaming perpektong mag-asawa at makita niya ako bilang isang matalino, maganda at mapagmahal na babae, sa huli ay hindi ako nagtagumpay. He hates me for some reason na hindi ko naman alam. No matter how much I tried to be a good wife or talk to him, lagi akong bigo. Sa limang taon naming kasal, ni hindi niya pinaalam sa akin ang dahilan. Ang ironic lang. Kilala siya ang hottest man sa buong bansa. A handsome, intelligent, powerful and charismatic billionaire. Kinatatakutan siya dahil sa ugali niya at kinaiinggitan naman ako dahil ako ang nasa tabi niya. Akala ng iba, alam ko ang lahat sa kaniya. How he make love, how tender and passionate he is as a man. Pero ang lahat ng iyon ay pawang katawa-tawa lang. Kung alam lang nila na kapag kami lang ay napaka-calculated, despicable, cruel at ruthless niya. Ako ang pinaka-nagdurusa sa ugali niya. Sometimes I wonder, bakit ba sa lahat ng lalaki sa mundo ay sa kaniya pa ako nahulog? Why did my father have to force me to get married? Pero kahit gaano ko siya kamahal, hindi ako papayag na pahiyain niya ako. "What are you thinking about?" Tanong ko kay Amelia, ang anghel kong best friend. Alam niya lahat ng sikreto ko at wala akong itinatago sa kaniya. Even my Angel and I's story. Oo, Angel ang pangalan ng asawa ko na hanggang pangalan lang ang pagiging anghel. "Nothing. Iniisip ko lang ang meeting para bukas. Hindi na mapakali ang mga investor." "Kahit sino naman siguro. First time lang mag-apura niyang asawa mo para sa meeting. Hasn't he told you anything?" Pinigilan ko na lang matawa sa sinabi niya. "Ako ang huling tao na pagsasabihan niya. You know that whenever he sees me, wala siyang sasabihin kung hindi 'get lost' o kaya ay 'I don't want to see you'. I can remember every unpleasant word he says." "Tignan mo nga naman, ano? Sa mata ng iba, kayong dala ang perfect couple nila. People adore you both. He's handsome and you're beautiful. Hindi nila alam na kasinungalingan lang ang lahat." "Ganiyan naman talaga ang buhay. Hindi natin nakukuha lahat ng gusto natin." "I just can't fathom why he hates you so much. Oo hindi ka ganoon ka-sweet at minsan ay distant at malamig ka rin naman sa asawa mo, but still." "And what do you expect me to do? I tried to be nice, pero ano ang sinusukli niya? He pushes me away. He's rude to me. I am just returning the energy he's giving me." Kibit-balikat kong sabi. "It's just a shame the face doesn't match the attitude. Kung ako ikaw, baka na-seduce ko na iyan at natangay na sa kama ko." "Seduced? Ha! Imposible dahil para iyong tuod. Although, hindi ko naman alam kung ano siya sa kama." "Ewan ko sa inyo. Ikaw, maganda ka at sexy. Hot din naman ang asawa mo at malakas ang charisma. How come the both of you never slept together sa limang taon niyong pagiging mag-asawa?" "Because he hates me. Dahil tuwing nakikita niya ako ay para akong may nakakahawang sakit at nandidiri siya," tinignan niya ako na parang hindi makapaniwala. "Kung paano niya ako tignan, paano niya ako tratuhin at pati kung paano niya ako kausapin. "Well, hindi naman natin alam, friend. Limang buwan din kayong hindi nagkita. Baka naman na-miss ka niya. You'll never know. Ganoon naman kapag nagsasama kayo at nagkahiwalay, and five years is five years." "Busy 'yon sa business niya abroad. Alam mo, tingin ko nga isang araw ay hihingi na lang siya ng divorce." Ang sabihin pa lang ang salitang iyon ay nasasaktan na ako, pero alam ko namang mangyayari rin ito sooner or later. "Huwag kang praning. Matapos ng mga naitulong at nagawa ng pamilya mo sa kumpanya niya at pamilya niya? Kung wala ka—kayo ng pamilya mo ay wala ngayon ang mga mayroon siya." “And that's the thing, Amelia. Nagkaroon na siya ng pangalan at pera kaya isang araw ay hindi na niya ako kailangan." "Pero ayon sa kontrata ay hangga't magkasama ang mga kumpanya niyo ay dapat partners pa rin kayo, hindi ba?" "Na pinakamaganda at matalinong bagay na nagawa ni daddy sa kasal namin." "You don't think he has another one?" Ang isipin pa lang ang bagay na iyon ay nasasaktan ba ako, pero hindi naman ako tanga. A man like Angel, it would be impossible if he's alone. "Siguro," nakakibot ang bibig kong sagot. "Pero kung may tinatago man siya ay malamang maingat siyang hindi mahuli ng media o nino man. Hindi niya sisirain ang perfect husband image niya lalo at may kontrata pa kami." "Hindi ba talaga kayo pwedeng magkasundo? Hindi mo pa rin ba alam kung bakit muhing-muhi sa iyo ang asawa mo?" "At first I thought he hated me dahil iniwan siya ni Elisa dahil sa engagement namin at napilitan siyang pakasalan ako. Pero pagtagal, na-realize kong parang may iba pa siyang dahilan. Ewan ko. Napapagod na akong isipin at intindihin ang lahat." "How about your feelings? Will you ever tell him? Hindi mo pa nasasabi sa kaniyang mahal mo siya." "How do I tell him? Kapag kaharap ang camera, ang partners namin at ang pamilya lang niya naaalala ang existence ko. Although alam ng pamilya ko ang kontrata kaya hangin din ang turing niya sa akin kapag magkakasama kami." "Wala ka talagang nararamdaman mula sa kaniya? Don't you feel like he has feelings for you? Even a little bit." I rolled my eyes at my best friend's question. "No. Wala. Nada. Ni katiting ay walang nararamdaman para sa akin ang lalaking iyon. I am already used to it being that way, pero hindi ibig sabihin na papayag akong mapahiya. Kilala mo na ako, pero hindi ko itatanggi na worried din ako kung ano ang sasabihin niya sa meeting bukas." "Sino ba ang hindi? It's so unexpected." Tugon niya. Tumingin ako sa orasan at nakitang late na pala at tapos na ang oras ng trabaho. "We better leave now. Kailangan nating maaga bukas dahil alam mo namang Angel hates tardiness. Tinitiis ko na ang ugali niyang iyon sa bahay, ayokong pati sa opisina ay ganoon." "Okay, I'm going to eat something bago umuwi. Ayaw mo bang sumama muna sa akin kesa ikulong mo ang sarili mo sa malaking bahay na iyon?" Aya ni Amelia sa akin matapos kaming tumayo. "Nah, sa ibang araw na lang siguro. Gusto ko na lang magpahinga at naging mahaba ang araw na ito." Pagtanggi ko aa kaniya at naghiwalay na kami. Nang makarating ako sa mansion ay naalala ko ang unang beses na nakita ko ito at oo nga, tama si Amelia, malaki ito. Napakalaki kung tutuusin para sa dalawang tao. Kaya halos hindi na kami magkita ni Angel. Isang araw matapos ng kasal namin noon nang una ko itong makita. My husband brought me in without the slightest hint of smile on his face. Bagong bili niya ito noon. On the outside, it looks beautiful, cold and mysterious like him, but like any other mansion, it is merely a house and not a home. Sa pagtagal ng mga taon ay pinaganda ko pa ito, pero sa huli, para lang itong pagsasama naming dalawa, maganda lang sa mata ng iba, pero malamig at walang pagmamahal sa loob. Pumasok ako sa loob at nakita si Aling Carmen, ang kasambahay namin na in-charge sa lahat ng bagay sa bahay. Siya ang nag-alaga, nagturong magluto at nagpapayo sa akin. She is like a mother I never had because mine died when I was just six. Hindi ako nakaramdam ng aruga ng isang ina dahil maging ang mga tiyahin ko ay hindi affectionate. "Mabuti naman at nakauwi ka na." Galak niyang pagsalubong sa akin matapos kong iabot sa kaniya ang coat ko. Noong una ay amo ang tingin niya sa akin at labis akong nailang kaya sa paglipas ng mga buwan ay sinanay ko siyang ituring akong parang anak at hindi amo. "Oho. Ayos lang ho ba ang lahat dito? Medyo gutom na rin ako, manang." "Gumawa ako ng sinigang na hipon na paborito mo. Nag-prito na rin ako ng daing na bangus para ka-partner." Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya dahil alam niyang hindi ako mahilig sa isda, pero ito ang paborito ni Angel. Ibig bang sabihin ay... "Narito na po ba siya?" Tanong ko sa kaniya kahit na alam ko na ang sagot. "Oo, anak. Dumating siya ilang oras na ang nakararaan at dumiretso sa kwarto niya para magbihis bago nagkulong sa opisina." "Okay lang ho, Manang Carmen. Salamat ho. Nagtanong ho ba siya tungkol sa akin?" Muli, alam mo na ang sagot, pero wala namang masamang umasa. "Tinanong lang niya kung anong oras ka umuuwi noong wala siya," Napataas ang kilay ko roon. "Mukhang nag-aalala siya." Pinigilan kong matawa sa sinabi ni manang. "Hindi siguro, manang." Alam ni Manang Carmen ang totoo sa pagitan namin ni Angel. Ilang araw pa lang matapos kaming ikasal ay nalaman na niya. Paano ba namang hindi gayung magkahiwalay kami ng kwarto matulog? At sa tuwing mag-uusap kami ay halos ipagsigawan na namin ang mga bagay. "Sabihin ko ba sa kaniya na dumating ka na o gusto mong ikaw na?" "Hindi ho. Pupunta ho ako sa kwarto para maligo. Pakihanda na ho ang lamesa at kapag tapos na, pakitawag na ho ang lalaki sa taas at pakitanong kung gusto niyang kumain bago o pagkatapos ko at pakisabi ho sa akin." Iyon na ang nakagawian at nakasanayan din ni Manang Carmen. Madalang kaming kumain ng sabay. Mauuna siyang kumain at ako ang susunod sa kaniya. Kapag gutom na ako, madalas kong makasabay ang mga kasambahay. Ayoko kasing kumakain ng mag-isa. Naligo na ako at naglagi sa jacuzzi para mag-relax dahil kailangan ko ito. Nang makalabas ay nakita ko si Angel na nakatayo sa may bintana sa loob ng kwarto ko. Matindig at matikas ang pagkakatayo. Kahit nakatalikod ay halatang gwapo. Hindi naman ako bulag. I know Angel is a sexy man and he affects my body like no other. Don't even get me started on how good he smells. Lumingon siya at pinigilan kong mapasinghap sa karisma niya. Nang magtama ang mga mata namin ay halos mahulog ang puso ko dahil muli, muli ay nakita ko na naman sa mga mata niya ang pamilya na muhi. Although this time there is something different in his eyes. Confusion, amazement... and something else I couldn't quite read. Napababa ang tingin niya at nanigas ako nang maalala kong nakatapis pa ako ng tuwalya at basa pa ang mahaba kong buhok. Mukha siguro akong palakang basa sa harap niya! Nakakainis! And to think na ngayon lang kami nagkita ulit! "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya para pagtakpan ang pagkapahiya. Hindi naman kasi siya pumapasok dito kung hindi niya ako sisigawan o magsasabi ng bilang na salita. "Manang Carmen told me you arrived. Hindi ko alam na hindi ka pa rin tapos maligo pagpasok ko." Sagot niya gamit ang malalim, ngunit malamig na tinig na matagal ko ring hindi narinig. "Bakit? Kokontrolin mo ba kung gaano ako dapat na magtagal sa banyo at kung anong oras dapat na umuwi?" Kalmado kong tanong, gayunpaman at may halong pait sa tinig. "No, you are free to do what you want." "You had the whole company worried for the meeting tomorrow. Pwede ko bang malaman kung para saan o maghihintay din ako?" Lumapit ako sa dresser ko at nakitang gulo-gulo nga ang buhok ko at paling pa ang tuwalya ko. "You don't have to wait because that's what I'm here for." Lumingon ako sa kaniya at noon lang napansin na may hawak siyang mga papel at iniabot ito sa akin. Hindi pa man tuluyang nakikita ang mga ito ay may ideya na ako. "Nakita ko kung ano ang ginawa mo sa London. You had a deal and successfully closed a multimillion-dollar contract na magbubukas ng oportunidad sa buong kontinente ng Europe para sa atin at kagaya ng gusto mo." Pagbubukas ko ng paksa. "That is how it is and I owe it to you for contacting them," natigilan at saglit akong nagulat sa tila pagpapasalamat niya dahil hindi ko iyon inasahan. "Alam ko namang hindi tayo close, pero alam ko rin naman kung kailan dapat na magpasalamat." "Well, that's new. You never say those words or admit to anything if it's just the two of us. Kahit pa dahil sa achievement mo. Masama ba kung naninibago ako at parang may mali?" "Ayokong makipag-away at gusto ko lang makipag-usap." At alam ko na kaagad na hindi ko magugustuhan kung ano man ang pag-uusapan namin. "Okay, I'm listening," itinuro niya ang folder at binukas ko naman. Kagaya ng inaasahan ko na, ang mga salitang 'Divorce Application' ang sumalubong sa akin. "Naging mapagkawanggawa ako. Nag-usap na tayo tungkol sa paghihiwalay ng mga assets natin. The shares you already have in the company is yours. You are the new president, although parte pa rin ako ng board dahil sa share ko at merger natin. Ibibigay ko sa'yo ang beach house, after all, hindi rin naman talaga natin 'yan nagamit at regalo sa'yo 'yon ng tatay mo. Pero itong bahay na ito, kahit na tumira ka rito ng limang taon, well..." He hesitated. "Ikaw naman ang bumili nito at hindi ko naman ramdam na akin 'to. It's more suitable to your taste." "And what is that supposed to mean?" Pagak akong napatawa. Pagtawa lang naman ang magagawa ko para itago ang pusong pinipiraso niya. "Nothing. Forget it. Kahit naman sabihin ko sa'yo ay hindi mo maiintindihan. So ako na ang bagong presidente while you take care of your new ventures?" Nagulat siya sa sinabi ko. Alam kong isang taon pa lang matapos ang kasal namin ay gumawa na siya ng kumpanya na nakahiwalay sa family asset, in which he invested a lot of money without noticing. No one but me at least. Lumago na ito both locally and internationally. "What? You already have what you wanted. Alam kong ang business mo sa London ay mas pabor sa iyo at hindi sa amin," Tumingin siya sa akin na may yabang na bagay na bagay sa kaniya. "Your own company, kumpanyang walang tulong mula sa pamilya ko, mula sa akin, kumpanyang may high-class clients at may reputasyon at estado na noon mo pa gustong makamtan, hindi ba?" "That's right. Hindi ko alam na..." "Na alam ko na may kumpanya ka na? Ah yes, alam ko rin na sikat na rin siya sa ibang bansa at may mga ka-kumpetisyon na. I can only be grateful that you at least didn't bankrupt mine." "It's a merger, Sofia. Are you going to demand the rights of my company? Dahil hindi ko iyan ibibigay sa'yo kahit patayin pa natin ang isa't-isa. Pirmahan mo na lang iyang ibinigay ko sa'yo." Halos isuka ko na ang lamang-loob ko sa sama ng loob sa pinagsasasabi niya. "I am not going to demand anything that comes from you. Hindi ko kailangan niyan. Baka gusto mong paalala ko sa'yo na pantay tayo ng estado pagdating sa business at ekonomiya, Angel." Ang hindi niya alam ay nagtayo rin ako ng ilang sarili kong business at kumpanya. At kung magiging totoo lang ako, malayo sila sa family business namin. Napalawak ko na rin ito at doon nanggagaling ang yaman ko ngayon. Matagal ko nang gustong lumayo sa family business namin kahit na gusto ko ito at ang impluwensya nito. Maybe because my own father never considered me, his daughter, as a woman who can handle our businesses on my own. Ayon sa kaniya, wala kaming kakayahan. Kaya nga pinakasal ako kay Angel, na sa tingin niya ay matalino at magaling sa business dahil isa nang milyonaryo. Sa tingin ko rin naman ay maganda na iyong opportunity para magsimula ng sarili kong fashion line, beauty and technology product at magkaroon ng sarili kong pera. Oo, baliw siguro ako dahil marami akong gustong makamtan pero marami akong pangarap. "Wala ka bang ide-demand? Hah." Tanong niya sa nanunuyang tono. "Hindi ako naniniwala. At kailan mo pa alam na nagtayo ako ng sarili kong kumpanya?" "Importante pa ba 'yan? Pero may request lang ako." "Ah, there is the calculating woman I know." Hindi ko pinansin ang patutsada niya. "Kung wala akong demand, dapat ganoon ka rin. You will give me everything that is rightfully mine, at ang maiiwan sa'yo ay ang share mo at itong bahay mo." "And why would I want something from you? Wala ka namang pag-aari kung hindi iyang kumpanya, ilang sasakyan, at kung iisipin, ang isa ay bigay pa sa'yo ng tatay mo at isa galing sa akin. Although napilitan lang din ako." "You can keep them if you want, wala namang problema sa akin." Tinalikuran ko na siya at naupo sa harap ng salamin ko para magsuklay. Kailangan kong abalahin ang sarili ko bago ako lamunin ng galit at magsimulang maiyak na parang tanga sa harap niya. "You have nothing that matters to me, Sofia. Kaya pirmahan mo iyang mga papel at tapusin na natin ang pag-arte natin bilang mag-asawa. Dahil sukang-suka na rin akong magpanggap. Let's go back to our lives." I swallowed the lump in my throat at his words. Napakasakit niya talagang magsalita. "Bago tayo maghiwalay, pwede bang sagutin mo muna ang bagay na noon ko pa tinatanong sa'yo mula nang maikasal tayo?" Tinignan niya ako na nakakunot ang noo at mukhang walang ibang gusto kung hindi makita akong pinipirmahan ang papel. "Ang sabi mo ay gusto mong mag-usap tayo at iyon ang ginagawa natin." Dagdag ko. He almost grumbled under his breath. "Ask, kung iyan ang makakapagpapirma sa'yo at nang matapos na tayo." I composed myself before asking. "Why do you hate me so much? At huwag mong sabihin sa akin na dahil pinilit ka lang ng pamilya kong pakasalan ako, Angel." Tuluyang nalukot ang mukha niya at lumarawan ang galit sa gwapo niyang mukha. Kinuyom niya ang mga kamay at kulang na lang ay magbuga ng apoy na tutupok sa akin. "Do you really have the nerve to ask?!" "I asked because I don't know! Huwag mo akong sinisigawan!" Ganting sigaw ko dahil hindi ako magpapatalo. "Because I lost everything I loved, ang babaeng mahal ko, ang kalayaan ko dahil sa'yo!" Elisa, ah, oo nga naman, dahil sa babaeng iyon kaya niya ako kinamumuhian. "Elisa?" Banggit ko sa pangalan ng babaeng mahal pa rin niya. "Yes, Elisa. Alam mong mahal ko na siya college pa rin tayo. She was my girlfriend, my world, and you... walang kapatawaran ang ginawa mo sa amin, Sofia." "At ano ang ginawa ko sa inyo? Pinapaalala ko lang sa'yo na pinilit lang din ako sa kasal na ito! Hindi lang ikaw ang naapektuhan! Not everything's about you, Angel!" Ganting pagbubuhos ng galit ko sa kaniya dahil hindi ko nagustuhan ang pagtataas niya ng boses sa akin. "Talagang magpapanggap ka pa rin na hindi mo alam? Iyan ang ayaw ko sa'yo. You always pretend to be the nice and innocent girl, babaeng parang hindi makabasag pinggan, and for what? To gain my trust and affection? Pero alam mo ba? Hinding-hindi mo iyan makukuha because you are nothing but a liar, vain, fake, and a calculating woman, Sofia." "Do not pretend that you know me and insult me!" So nakita naman pala niya ang mga ginawa ko pero wala lang siyang pakialam at ang masama pa, puro pangit ang nakita niya. "That woman has a name and it's Elisa. A woman who is worth more than you. So so much more. At babaeng dapat ay niluluhuran mo at hinihinhan ng tawad." "At bakit naman ako hihingi ng tawad?" "You lied to her. Dahil sa'yo, iniwan niya ako, at hindi pa sapat sa'yo 'iyon—" Hindi niya tinuloy ang sinasabi at nakita ko ang sakit sa mga mata niya, emosyong hindi ko maintindihan. "Wala akong maintindihan sa pinagsasasabi mo." "You never understand, do you? Pero sa ginawa mong iyon, hinding-hindi kita mapapatawad. And that is why I hate you with every fiber of my being and I will always do." "Alam mo kung ano ang problema mo? Hindi mo alam ang nangyayari sa paligid mo at pinaniniwalaan mo lang kung ano ang gusto mo!" Hindi ko napigilang sigaw muli sa kaniya dahil sa sama ng loob at sakit. Hindi niya alam kung anong klaseng girlfriend si Eisa at ako ang iniinsulto at kinamumuhuan niya. Napatawa siya nang pagak. "Noon ka pa namang ganoon, hindi ba? Pabago-bago, spoiled, gusto mong nakukuha ang mga gusto mo kahit anong mangyari. Hindi mo matanggap na ayaw kitang makasama at ayaw ko sa'yo kaya ginawa mo ang kasuklam-suklam na bagay na iyon." "Pero ano ba ang ginawa ko sa kaniya at sa'yo?!" Naguguluhan kong tanong. "She will always be worth more than you. She's honest, beautiful, intelligent, at siya na ang pinakamabait na babaeng nakilala ko," Pinigilan kong mapaikot ng mga mata. Kung mabait si Elisa ay isa akong madre na magiging santo na. "You never could stand her being better than you. Dati ka pa inggit na nasa kaniya na ang lahat, pero ngayon ay babalik na sa kaniya ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya. "Anong sinasabi mo? Anong babalik na sa dati ang lahat?" "Bumalik na si Elisa. Nag-usap kami at nagkaayos ulit. Pareho naming gustong magkabalikan at hindi mo sisirain iyon. I am not letting you ruin it this time kaya pumirma ka na." Ah, iyon pala ang dahilan sa gusto niyang mangyari. Bumalik na ang babaeng iyon kasama ng mga kasinungalingan niya. "Bakit ngayon lang siya bumalik at hindi pa dati?" "That does not concern you. Amg mahalaga ay nagbalik na siya at hinahadlangan mo kami. Now that she's here, hindi na natin kailangang magsama pa." "You know, I always thought you're intelligent and you can read people, seeing as you are successful, but I am wrong. Dahil kung tama ang akala ko, hindi mo hahayaang mapaikot ka ng isang taong magaling magsinungaling at magpanggap na biktima. But it's fine." Muli akong lumingon sa folder, mabilis na pinasadahan ang mga nakasulat doon para makasigurong walang gulangan, at pumirma. Patay-malisya ko itong inabot sa kaniya. "O, napirmahan ko na. Pwede ka nang mag-celebrate kasama ang girlfriend mo. Sana lang ay hindi ka pa ganoon katanga at maging maingat bago malaman ng lahat." Gulat siyang tumingin sa akin. "Anything else you want, sir?" "You actually signed." Sabi niya sa hindi makapaniwalang tono. "Iyon naman ang gusto mo, hindi ba? Tapos na. Now get out of my room." Muli ay parang hindi apektado kong sabi kahit na para na akong pinapatay. Utang na loob at lumabas ka na dahil hindi ko na kayang magpanggap. Kapag nagtagal pa siya kahit isang minuto ay baka makita niya kung paano akong masira. Nang makaalis siya ay hinayaan ko nang tumulo ang mga luhong nag-uunahan dahil kanina pa gusto ng mga itong makalabas. Naiwan akong pupulutin ang mga piraso ng puso kong nahulog dahil winarak niya habang siya ay magpapakasaya kasama ng babaeng mahal niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook