Chapter VIII

1315 Words
We all looked like we saw a ghost pagkakita namin kay Maximo. He was towering over me and snaked his hand around my waist like an old habit that he cannot break. Nailang ako kaya umiwas ako pero mas lalo lang niya akong hinigit sa baywang. Napansin rin niya ang braso na hawak ko. Gumilid ako sa gawi ni Manang para maitago ang paso sa braso ko. "Sinong OA?" usisa niya ulit at tumingin sa lahat ng kasambahay bago binalik sa akin ang tingin. Pakiramdam ko ay pinagpawisan ako nang malamig dahil sa presensiya niya. "Ako raw ang OA sabi ni Elena." sagot ni Manang Bising sa kanya at hinawakan ako sa balikat. Siguro ay naramdaman din niya na gusto ko itago ang paso ng sandok. Kumunot ang noo ni Maximo at parang in-assess ang mukha ni Manang. Manang Bising has that nervous look na kahit ako ay nahahalata siya. "What seems to be the problem?" tanong niya. Walang umiimik sa aming lahat dahil parang umurong ang mga dila nila. Matalim rin ang tingin sa akin ni Elena na parang binabantaan ako. "Wala yun, nagkakabiruan lang sila nila Manang tapos sakto namang pumasok ako kaya nakisali na rin ako sa kwentuhan nila." mahina akong tumawa para ipakita na wala lang talaga yun pero deep inside ay sobrang kabog ng dibdib. Bumaba ang tingin niya sa braso ko na tinatago ko sa gawi ni manang. Unconsciously ay hawak-hawak ko parin pala yung parte kung saan ako napaso. Mas lalo ko tinago sa gawi ni manang ang braso ko nang binaling niya ang ulo sa braso ko. "What's wrong with your arm?" tanong niya na unti-unting nagdidilim ang mukha. "Ha? Ano? Wala naman problema yung braso ko." Pinakita ko yung kabilang side ng braso ko na hindi napaso. "Not that one." he said. Mabilis pa sa alas-kwatro na hinila niya ang kabilang braso and there.. nakita niya na namumula ang braso ko sa may ibaba lang ng manggas. "Bakit ka may paso?" he asked in a very serious tone. " Ah, wala to." umarte ako na parang hindi ko napansin ang paso ko.  "Napaso pala ako? Hindi ko napansin. Baka kanina napadikit ako sa kawali pero malayo naman to sa bituka." explain ko. " Don't f*****g lie to me. What happened to your arm?" he is really starting to look scary. Parang naumid ang dila ko pero pinilit ko parin pakalmahin ang sarili. "I'm not lying. Baka nasagi lang talaga to sa kawali, di ko rin talaga alam ano nangyari." winagayway ko pa ang kamay ko para maconvince sana siya na wala lang talaga itong paso ko. "Manang." tawag niya kay Manang Bising na hindi inaalis ang tingin sa akin. "Ano'ng nangyari sa braso ni Gia." tanong niya. " Ah, eh kasi. " nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Manang Bising. Tinapatan ko rin ang tingin ni Maximo at hindi kumukurap na sumagot. "This is really nothing, I'm just clumsy kaya napaso ako." "Fuck." he silently cursed. "Manang take her to our room, at lagyan mo nang gamot ang braso niya." binitawan niya ang braso ko pero hinawakan naman ang kamay ko at hinalikan iyon. "Guest room po?" sabat ni Elena na parang tinatama ang sinabi ni Maximo. Pareho kaming napalingon sa kanya ni Maximo. Tila nabigla din siya sa sinabi niya kaya napayuko siya. "Manang, take her to my room - OUR room. I'll be there with her shortly. I'll find out first what really happened here. " iyon lang at tatalikod na sana siya nang biglang pumasok si Ross. Parang kabute na lulubog-lilitaw. "Sir." iniabot niya kay Maximo ang isang tablet. Dahil malapit ako kay Maximo ay nakisilip na rin ako. It was a cctv video! "I heard the commotion so I took the initiative to review what happened." he may sound very calm but his looks are so deadly. Matiim ang tingin niya kay Elena na ngayon ay namumutla na. Nag-iba ang itsura ni Maximo habang pinapanood ang video, kita ko ang paghampas sa akin ng sandok na hawak ni Elena. Hindi na natapos ang video dahil mabilis na kumilos si Maximo palapit kay Elena. Bago pa kami makapag-react ay nahablot na niya ang braso nito at hinila ito palabas ng kusina. Madilim ang mukha niya nang hablutin si Elena kaya kinabahan ako. Lumapit sa akin si Manang Bising. "Iha, alam ko hindi maganda ang tingin sa iyo ni Elena pero sana matulungan mo siya. Baka kung ano ang magawa ni Maximo sa kanya sa galit niya." Para akong nahimasmasan sa pagkakatayo kaya agad ako sumunod kay Maximo. Kasunod ko si Manang at ang ilang kasambahay sa likod ko. Naabutan ko sila na palabas ng main door kaya tinakbo ko ang pagitan namin para pigilan si Maximo. "Max, let her go." hila ko sa braso ni Maximo. He locked his gaze at me. Gumuhit ang kaba sa aking dibdib ng makita ang galit sa mga mata niya. Why is he so f*****g mad over a petty thing? Hinila ko ang kamay na may hawak sa braso ni Elena pero sandaling pumiglas siya at mas lalong diniinan ang hawak sa braso ni Elena. She winced and tears are flowing on her eyes. I know how hard his grip are kaya pinilit ko na makawala si Elena sa hawak niya. "Gia." pagbabanta niya. Parang bubunga ng apoy ang mga mata niya. I locked his hands on mine and stared at him. "Mas okay siguro if ikaw ang gagamot sa paso ko, hmm?" sinadya kong lambingan ang boses ko sa pagbabaka-sakaling madaan ko siya sa lambing. Ilang minuto rin siyang nakakatitig sa akin bago pumikit at bumuntong-hininga. " You really know how to get me, do you?" sa pagkakataong ito ay maamo na ang mukha niya. Nakahinga ako nang maluwag, nakukuha rin pala siya ng charm ko. I smiled at him. Sandali siyang natigilan at pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ko. "Finally, nginitian mo rin ako." sambit niya at ngumiti. I got confused. May iba ba akong ngiti? Binalingan niya si Ross habang hawak ang kamay ko. "You know what to do." at tsaka tumango. Kinabahan ako nang biglang hatakin ni Ross si Elena na nagpasigaw sa dalaga. "Patawarin niyo po ako, hindi ko na po uulitin senyorito." pagmamakaawa ni Elena. "Wait, ano'ng gagawin niyo?" sinubukan ko na lumapit sa kanya, maski si Manang ay napalapit kay Elena. Hinapit ako ni Maximo sa baywang para pigilan. "Walang masamang gagawin si Ross sa kanya." paliwanag niya. "Pero saan niyo siya dadalhin? Max, this is unreasonable. Hindi naman niya sinasadya yung nangyari." angal ko pero deep inside alam ko sinadya niya na mapaso ako. "Senyorito, nagawa ko lang naman po iyon dahil naiinggit ako kay Miss Gia." umiiyak na paliwanag ni Elena. "Naiinggit?" he scoffed. "Maliwanag ko sinabi na tratuhin niyo siya nang maayos pero nalingat lang ako ay  napaso na siya. You are lucky you're still alive." I mentally gasped. Grabe naman itong lalaking to, para lang sa paso? Nagpumiglas ako at lumapit kay Elena at hinawi si Ross. "Hindi ako galit kay Elena sa nangyari. Let her go, Maximo." pagtatanggol ko sa kanya. "I am letting her go." cool na sagot ni Maximo sa akin. Nakapamulsa pa ito habang nakatingin sa akin. "Then where are you planning to take her?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Ross. "Ross will just take her outside, ipapaayos ko sa iba ang mga gamit niya." deklara nito. "What?" gulat na tanong ko. " I wouldn't allow anyone to hurt you, lalo na sa loob ng bahay natin." biglang sumeryoso ang mukha nito at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at walang kaabog-abog na hinila ako paakyat. "Ross, take her outside. Manang pakidala ng medicine kit sa kwarto." iyon lang at naglakad na siya. I looked back to Manang Bising, she was smiling sadly. I can still hear the pleas of Elena pero parang bingi si Ross na hinila ito palabas ng bahay. I stared back at the man in front of me. Is his heart made of stone cold ice?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD