Chapter VII

1582 Words
We didn't take his car on our way back to his house, instead we walked. Hawak niya parin ang kamay ko habang naglalakad habang ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa. It's like he's casually taking a stroll with me and enjoying it. Tumikhim ako pero hindi niya ata ako narinig. Sinubukan ko hilahin ang kamay ko pero mas lalo lang niya itong hinawakan. Nilingon niya ako na parang nagtatanong kung bakit. "Pwede mo na bitawan ang kamay ko, hindi naman ako tatakbo." sabi ko sa kanya. "Nope." he simply said. Hindi man lang ako nilingon ng damuho. Sinubukan ko ulit bawiin ang kamay ko pero mas humigpit ang hawak niya. "Aww.." impit na daing ko. Sa sobrang higpit ng hawak niya parang madudurog niya na ang kamay ko. Napahinto siya sa paglakad at binitawan na rin ang kamay ko. Napahilot ako sa kamay na hawak niya dahil sa tindi ng grip niya. Hindi sinasadya na naman ang tingin ko sa kanya. Lumapit siya sakin at kinuha ang kamay na minamasahe ko. Nabigla ako nang halikan niya ang likod ng kamay ko.  "I'm sorry, hindi ko sinasadya." masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay niya nang mapansin ko na halos lahat ata ng tauhan niya ay nasa labas. Oh my. Ganon sila karami pero hindi ko man lang sila naramdaman? Napa-nganga ako sa utak ko. Nang makapasok kami sa loob ay hiyang-hiya ako sa kanila. Napayuko nalang ako sa sobrang hiya actually dahil buong bahay ata ang nabulabog ko sa pagtakas ko kanina. Huminto kami sa main entrance kung saan nakatayo ang mga tauhan niya sa bahay. Nagtago ako sa likod niya para makaiwas sa tingin nila. Sa isip nila siguro napaka-laking hassle ko sa buhay nila. "Everyone, I'd like you to meet Gia." pagpapakilala niya sa akin, pero dahil nasa likod niya ako ay kailangan pa niyang gumilid para makita ako ng mga tauhan niya. Naramdaman ko ang paghapit niya sa baywang ko at pagpatong ng kamay niya rito. Tiningala ko siya para makita ang expression ng mukha niya. His face looks calm and... happy? I looked around and found them beaming at me. Kinabahan ako, are they really smiling or baka dahil nandito lang si Maximo kaya nakangiti sila sakin pero deep inside ay imbiyerna sila sa gulong ginawa ko? I sighed and returned a smile. "Pasensiya na kayo sa abalang ginawa ko." hinging paumanhin ko sa kanila. Hindi nakaligtas sa akin ang lihim na tinginan nila sa isa't isa. Napahawak ako sa braso, mas lalo namang hinigpitan ni Maximo ang hapit sa akin. "Gia will stay here with me." he announced. I made a fake smile and waited for the part kung hanggang kailan ako mag-stay dito sa bahay niya. But hindi na niya sinundan ang anunsiyo niya kaya binulungan ko siya. "You forgot to say until when." bulong ko. He kissed my hair and whispered back. "Until I say so." he said. Magpo-protesta sana ako pero nahagip ng paningin ko ang pag-ismid ng isang kasambahay sa amin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi nakaligtas sakin ang paibabang tingin niya na parang sinusuri ang pagkatao ko. Naramdaman din ata ni Maximo ang pagtingin niya kaya hinawakan nito ang kamay ko. "Treat Gia the way you treat me. If you must treat her like a princess then do it." seryoso ang tono niyo habang sinasabi iyon kaya para gumaan ang pakiramdam ng lahat ay siniko ko siya. Nakuha ko ang atensiyon niya at nginitian siya. "Nagbibiro ka lang di ba? Nagbibiro lang siya, wag niyo seryosohin. You don't need to treat me like a princess. Bisita lang naman ako dito, hindi ako magtatagal." Akma siyang magsasalita nang biglang dumating ang bodyguard niya na si Ross. Kilala ko siya dahil kasama siya nang araw na mag-eskandalo ang tiyahin ko. Nginitian ko siya. Napaiwas siya ng tingin sakin kaya nagtaka ako. I felt a hand snaked around my waist. I look up to see Maximo's eyes intently looking at me. "I don't want you smiling at others." mukhang hindi na naman maganda ang timpla nito. I scoffed. "Are you serious? Palangiti ako paano yun? Pipigilan ko ngumiti?" sarkastikong sagot ko. "You never smiled at me like that before." Mas lalo ako nalito. Palagi siyang dumadaan sa coffee shop at palagi naman ako ngumingiti pero ngayon sa paningin niya iba ang ngiti ko? Weirdo. "Sir.." untag ni Ross sa amin. Doon ko napansin na nagsi-alisan na pala ang mga tauhan niya at kami nalang ang naiwan sa may pintuan. Napansin ko na bumalik na sa pagbabantay ang ilan sa mga bodyguards na kasama niya. Wow! Akala mo e isang politiko ang nakatira sa bahay na ito sa dami ng bodyguard. Binalik ko ang atensiyon sa dalawang lalaki na kasama ko. Napansin ko na hindi pa rin inaalis ni Maximo ang kamay niya sa baywang ko pero hindi ko na muna inalis, somehow I like the feeling of his hands on my waist. Parang napaka-safe ko kapag nasa tabi ko siya. May iniabot na envelope si Ross kay Maximo kaya napilitan itong tanggalin ang kamay sa baywang ko. Pakiramdam ko ay confidential ang paguusapan nilang dalawa kaya nagpaalam na ako na papasok na sa loob. "Wait, Gia." pigil ni Maximo. I looked back, hoping na baka nagbago ang isip niya at ipahatid na ako pauwi. "Here, take this." iniabot niya ang isang susi. I took it and scanned at it, susi ng kotse? "It's the key to our room and my office." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Our room? Na-sense niya ata ang nasa isip ko kaya ngumisi siya. "Yes, OUR room." he emphasized on the word "our". Hindi na muna ako sumagot dahil kaharap namin si Ross pero mamaya talaga malilintikan itong magaling na lalaking ito. "You can stay in my office if you want. I have some books you might want to read." I take it as my cue to leave. Tumango nalang ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa loob. Ngayon ko lang napansin na marami palang pintuan ang bahay. Napakalinis at aliwalas. Minimalist ang design. Hindi ko alam kung aling pinto ang office niya kaya dumiretso ako sa kusina dahil narinig ko ang mga kaluskos ng kubyerto. " Saan kayang lugar napulot ni ser yung babaeng yun? " tinig ng isa sa mga kasambahay. Hindi nila narinig ang paglapit ko kaya nagdecide ako na huwag na muna agad pumasok ng kusina. Huminto ako malapit sa may pintuan. " Siguro pokpok yung babae at ginamitan ng gayuma si ser o kaya naman nang-blackmail para makuha ang gusto. " saad ng isa. Wow. Ganoon pala ang tingin nila sa akin. I won't deny it, I am deeply offended pero sa point of view nila ay hindi ko sila masisisi kung mag-isip sila ng masama sa akin. Ako itong bigla nalang dumating dito sa bahay ng amo nila. " Kayo dyan, tigilan niyo ang panghuhusga sa kasama ng senyorito. Hindi niyo pa kilala iyong tao." boses nang may edad na babae. Naalala ko siya kanina, siya lang ang may ngiting nakakahaplos ng puso. Naalala ko tuloy ang lola ko. "Totoo naman Manang Bising. Maganda nga siya pero malay natin nasa loob ang kulo. Tignan niyo nga't tumakbo pa para lang magpahabol kay ser. Ganda niya dun ah." boses ulit ng babaeng nagsabi na baka raw pokpok ako. Aalis na sana ako nang mapansin ako ni Manang Bising. "Ma'm Gia, ay nariyan ho pala kayo." napahawak siya sa dibdib, marahil ay sa gulat. "Ah oho, pasensiya na po pero itatanong ko sana kung saan ang office ni Max... ni Maximo." kunwari  ay wala akong narinig sa pinag-uusapan nila. "Ah sa office ni senyorito?" may pagtatakang tanong ni Manang Bising. Parang nagulat pa siya sa narining. "Oho, sa office niya raw muna ako mag-stay pero kung hindi makakaistorbo sa inyo ay gusto ko sanang tumulong sa ginagawa niyo." na-miss ko ang pagluluto dahil hindi ko ito madalas magawa noon at parang na-engganyo ako makipag-usap kay Manang Bising. Lumapit ako sa may counter table para makita nang malapitan ang ginagawa nila. "Naku, wag na. Hindi dapat napapagod ang prinsesa, nakakahiya naman." bitter talaga sa akin ang isang ito. "Elena, tumigil ka na." suway ni Manang Bising sa kanya. "Hindi naman, okay lang talaga sa akin na tumulong. Nagbibiro lang si Maximo kanina, wag niyo ho pansinin yun." kunwari ay di ko pinansin ang comment ni Elena pero ramdam ko ang pagka-disgusto niya sa akin. Maganda si Elena at may pagka-morena. Ang buhok niya ay aalon-alon at lagpas balikat ang buhok niya. Siguro ay may lihim na pagtingin ito kay Maximo kaya ganoon nalang ito kabitter sa akin. Inismiran ako ni Elena at tinuloy ang pagluluto. Naamoy ko ang sauce ng carbonara na niluluto niya. It's my favorite kaya lumapit ako para mas lalong makita ang ginagawa niya. "Uy, carbonara yan no? Alam mo paborito ko yan. " comment ko sa ginagawa niya. Paglapit ko ay tsaka naman siya humarap kaya humampas sa braso ko ang sandok na hawak niya. Napangiwi ako sa init ng sandok. "Ayan kasi paharang-harang, nasaktan tuloy ang prinsesa." sarkastikong wika nito sabay talikod na parang walang nangyari. "Naku, Ma'm Gia. Baka magkasugat kayo." alalang lumapit si Manang Bising sakin habang tinitignan ko ang nahagip na braso ko. "Ang OA mo naman, Manang Bising." wika ulit ni Elena na sa tingin ko ay natatawa. Nilingon ko siya at ang mga kasama niya. Parang natatawa sila sa ginawa ni Elena at nag-eenjoy sa pangbubully niya sa akin. Magsasalita sana ako nang maramdaman ko ang presensiya ni Maximo sa likod ko. "Sinong OA?" tanong nito. We are all shookt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD