"Get your f*****g hands off her!" dumagundong ang boses ng lalaking papasok sa cafe. Napalingon sila pareho ng tiyahin niya sa binata. Sapo niya ang pisngi na sinampal nito.
"At sino ka namang magaling na lalaki ha? Ano? Isa ka rin sa nilanding nitong magaling kong pamangkin?" nakapamaywang na sita ng tiyahin niya. Napapikit nalang siya sa sobrang hiya. Simula nang makulong ang anak nito ay siya na ang sinisisi nito sa lahat ng nangyari sa buhay nilang mag-ina. Umalis siya sa poder nito dahil di na niya nakayanan ang pagmamaltrato nito sa kanya ngunit kahit saan ay sinusundan siya nito.
"Get out or I swear..." nakakuyom ang kamao ni Maximo, halatang nagpipigil ng galit.
"Hah. Wag mo ko ma-ingles ingles dyan. Hoy, wag kayong makialam dahil wala kayong karapatan." dinuro nito ang binata ngunit biglang pumagitna ang kasama nito at hinawakan ang daliring nakaduro dito.
"Aray! Aray! Ang kamay ko, aray!" napahawak ang tiyang sa kamay nito. Inawat ko ang kamay nito na hawak ng lalaki. Pagkabitaw sa kamay nito ay saka naman niya hinampas sa akin. Hinila niya ang buhok ko at pinaghahampas ako. "Ikaw, ikaw talaga ang malas sa buhay ko."
Hindi ako nanlaban at sinalag ko lang lahat ng hampas niya. Naramdaman ko na may yumakap sakin. Tumingala ako at nakita ko ang madilim na mukha ni Maximo. Sinubukan ko sulyapan ang tiyahin ko pero yakap-yakap niya akong tinulak palabas ng cafe. Agad kaming nilapitan ng mga staff ko.
"Ma'm..." mangiyak-ngiyak si Meann. Siya ang pinaka-matagal na staff ko kaya alam niya ang kwento ng buhay ko. Hinawakan niya ang kamay ko, tinapik-tapik ko ang kamay niya.
"Don't worry, I'm okay. Nothing I can't handle." matipid ko siyang nginitian para mabigyan ng assurance.
Napatingin ako sa tiningnan ni Meann. Nakayakap pa rin pala sakin si Maximo. Sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap nito ngunit hinapit ako nito sa baywang at di pinakawalan.
"Your staff can handle this cafe while you're gone?" tanong nito sakin.
" Why? " maang na tanong ko.
" You're coming with me. " he declared as a matter of fact.
Napaawang ang bibig ko sa gulat sa sinabi niya. Why would he think she will go with him?
" I'm sorry but I cannot leave my cafe especially now. " she said and looked inside the cafe. Hindi niya maaninag ang tiyahin niya dahil nakaharang ang lalaking kasama nito.
" Ma'm, kaya na po namin. Tatawagan nalang po namin si Sir Hiro para may makatulong kami dito sa shop." saad ni Meann na nakatingin sa akin. May kislap na ewan sa mga mata nito.
" That's a good idea." he said. Hinawakan niya ang kamay ko at humarap kay Meann. "You are a good staff, continue that and you'll have a bright future. Pakisabi kay Hiro kasama ko si Gia." yun lang at hinila na niya ako patungo sa kotse nito na naka-park sa gilid ng cafe. Natulala ako sa sinabi at ginawa niya.
Pumiksi ako nang matapat kami sa kotse niya. "This is not right. I'm sorry but I think this is too much. Look, I'm thankful to you for helping me out back there pero sa tingin ko ay di ki-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Hinawakan niya ang batok ko para mas lalong laliman ang halik. Napahawak ako sa matipunong dibdib niya dahil sa pagkabigla.
" Get inside the car or I'll kiss you again right here, right now." he said habang habol ang paghinga at binuksan ang pinto ng kotse. Dahil sa pagkabigla ay sumunod nalang ako at sumakay sa loob ng kotse. Ni-lock ko agad ang pinto at kumapit sa seatbelt nang maikabit ko ito. Diyos ko, ano ba tong nangyayari sakin? Nananaginip ba ako? Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung totoo ba itong nangyayari. Parang teleserye na may prince charming na dumating para sagipin ang damsel-in-distress. Well not exactly in distress, kaya ko naman ang sarili ko sadyang ayaw ko lang patulan ang tiyahin ko.
Pagsakay nito sa tabi ko ay pinaharurot ng driver nito ang sasakyan. May inabot siyang inumin at dahil sa kaba at stress ay inisang lagok ko lang ito. Maya-maya ay naramdaman ko na parang bumibigat ang talukap ng mga mata ko, para akong nahihilo na ewan. Tinignan ko si Maximo, matiim ang tingin nito sakin, kinalas ko ang seatbelt ko dahil parang kakapusin ako ng hininga. Umisod ng kaunti si Maximo palapit sa akin.
"Sleep tight, my princess" were the last words I heard as I felt his warm arms snake around me before I fell asleep. His voice sounds good and at the same time... dangerous.
* * *
Ang lambot ng unan at kama ang una kong naramdaman ng mahimasmasan ako. Ang lambot din ng comforter na nakabalot sa katawan ko. If this is a dream, parang ayoko munang gumising. I want to savor this moment. Madalang lang ako makatulog ng maayos and this is one of those rare days. Ang bango din ng unan at kumot, sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Heaven! This must be heaven! Ngumiti ako, nakakawala ng stress ang amoy ng kwarto. Niyakap ko lalo ang unan ko pero nabigla ako nang may kamay na yumakap sa baywang ko. Napadilat ako. This is not my room! The interior is very different, very masculine, pang-bachelor. Shoot! Where am I? Hindi ako agad nakakilos dahil pinakiramdaman ko ang sarili ko. Walang masakit sakin, walang makirot kahit doon. Bigla ako napatingin sa suot ko. Nanlaki ang mata ko dahil iba na ang suot kong damit. Tangina? Anong nangyari sakin? Bakit wala akong maalala sa nangyari?
Sinubukan ko iangat ang braso na nakapulupot sakin. Kailangan ko makaalis sa lugar na ito. Dahan-dahan ko inangat ang braso nakapulupot sa baywang ko pero hindi ako nagtagumpay. Dahil sa pagkilos ko ay bigla itong kumilos at mas lalo akong niyapos, idinantay pa ang mga binti sa akin.
"Good morning, beautiful." may pagka-husky pa ang boses nito. Wow! Bedroom voice! Nag-init ang mga pisngi ko, kinastigo ko rin ang sarili ko. Hindi ako umimik, bagkus ay niyakap ko ang sarili ko. Naramdaman niya siguro ang pagkilos ko kaya lalo itong yumapos sa akin, isinubsob pa ang ilong sa leeg ko. Napasinghap ako sa ginawa niya, ang init ng hininga niya ay ramdam na ramdam ko sa leeg ko.
"Did you sleep well?" he asked. Nakasubsob parin ang mukha sa leeg ko. Mas lalong humigpit ang yakap nito sakin at siniksik ang sarili. Bigla akong nakaramdam ng umbok sa may likod ko. s**t! Is that..... Pinilit ko na kumawala sa yakap niya pero gaya nang una ay lalo lang nitong hinigpitan ang yakap sakin.
"Don't. I wan't to stay like this for a while." he said in a low, seductive voice.
Napapikit ako. Shet na malagket. Alam ko naman na marupok ako pero bakit ganito, parang mas nag-eenjoy pa ako sa ganito kesa matakot. Hindi muna ako kumilos ng ilang minuto. Maya-maya ay sinubukan ko ulit kumawala sa kanya pero ang higpit lang talaga ng kapit nito. Parang tuko kung makakapit. Bumuntong-hininga ako.
"Please let me go." I said. Natutop ko ang bibig ko. s**t! Di ko sinasadya pero ang sultry ng tunog ng boses ko. Kakagising ko lang kasi!! I heard his chuckle, unti-unting lumuwag ang hawak niya sakin kaya madali akong kumilos at tumayo. Humarap ako sa kanya at nagulat ng makita na wala itong suot na pang-itaas. Umayos ito ng upo kaya dumulas ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang abs niya. Holy shet! 6 pack abs lang naman ang nakita ko. Ngumisi ito, " You want to see what I have down here?"
Napakurap ako at napatingin sa kisame. Nahuli kasi niya na tinititigan ko ang abs nito at di sinasadyang nagawi ang mata ko sa ibaba nito.
"Satin really looks good on you. I love it." he said in a seductive voice. Napayuko ako. Naka-black na lingerie pala ako at ang suot ko na pang-ibaba ay sobrang iksi! Daig pa ang pekpek short!! Naramdaman ko na wala akong suot na bra kaya mabilis akong humalukipkip, buti nalang din at mahaba ang buhok ko kaya natakpan ang dibdib ko. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"What am I doing here? Why am I here? Who are you? And how did we end up sleeping together?" sunod-sunod na tanong ko. I want to know what happened to me at kung bakit wala ako maalala.
Imbis na sumagot ay tumayo lang ito at nag-unat sa harap ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang bukol sa harap nito. Ang walanghiya, naka-boxer shorts lang pala!
"What a way to greet me good morning, baby." he said after stretching his arms. Tulad ko ay humalukipkip din ito. "Liking the view?" he asked and gave me a playful smirk.
Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya, this time ay sa umbok sa harapan niya. Umiwas ako ng tingin. Kailangan ko malaman kung ano ang agenda niya sakin.
" I want to go home. Ibalik mo na ako." I said without looking at him.
" But you're already home." wika nito at lumapit sakin.
Sa gulat ko ay napaatras ako. Hindi naman ito huminto sa paglapit at hinapit ang baywang ko palapit sa kanya.
"Baby, you're already home. And you're not going anywhere without me or my permission." he said while looking at me intently.
Para akong nahihipnotismo ng mga mata nito. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin at hinayaan ko siyang halikan ako. Girl! This can't be happening! Gising! Sinubukan ko siyang itulak pero mas lalo lang niyang nilaliman ang halik. Nahihilo ako sa bawat halik niya, nakaka-adik! Hindi ko namalayan na tinutugon ko na pala ang halik niya at dahil dito ay mas lalo itong naging mapusok. Matapos ang marubdob niyang halik ay ipinatong niya ang noo niya sa noo ko.
"I will wait until you're ready, baby." huminga siya nang malalim at tumalikod. "Get ready. I'll meet you down for breakfast." yun lang at umalis na ito ng kwarto.
Napaupo ako sa gilid ng kama. Hinawakan ko ang labi ko at natulala. What's happening to me?