Chapter V

1040 Words
Huminga ako ng malalim at nagtungo sa banyo para maghilamos pagkatapos ay naghanap ng damit na pamalit sa suot ko. Nakakaasiwa pala magsuot ng lingerie lalo kung may ibang tao kang kasama. Hinanap ko ang damit ko pero ni pantalon ay di ko makita. Anak ng teteng! Napagdesisyunan ko nalang na suotin ang tshirt at boxers nito. Papalitan ko nalang ito ng bago pagkauwi ko, nakakahiya kung ibabalik ko pa. Nagtungo ako sa kusina, naabutan ko itong nagluluto. Sumandal ako sa hamba ng pintuan. I unintentionally bit my lip, kung sino man ang girlfriend nito tiyak na napakaswerte nito. Ang hindot, naka-boxer shorts lang habang nagluluto. Napababa ang tingin ko sa likuran nito. Lihim akong napasipol sa isip ko. Hindi ko namalayan na nakaharap na pala sakin ito. "Liking the view?" he playfully smirked. I rolled my eyes at him." Ha-ha. Funny, I was just thinking about something." lumapit ako sa lamesa at tinignan ang hinain nito. Nilapag nito sa mesa ang itlog na niluto nito. May bacon at sausage sa mesa, halos lahat mga paborito ko sa agahan. "Don't do that." he said. Mataman itong nakatingin sakin. "Do what?" I asked without looking at him, nakatingin parin ako sa mga niluto nito. "Cause it turns me on... a lot more." sabi nito na parang nang-aakit. Napalingon ako sa kanya. Lumapit siya sakin kaya napaatras naman ako. He smirked. Hinila nito ang upuan sa harap ko. "Sit." he said commandingly. Pinigilan ko ang sarili ko na irapan siya kaya tinitigan ko nalang siya ng masama. Like a gentleman that he is, inalalayan niya ako umupo. Napapitlag ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso at halikan sa ulo. Nobody ever did that to me. Umupo ito sa tabi ko at sinandukan ako ng kanin. Nakatingin lang ako sa ginagawa nito. "Now, eat." he said. Nakatitig lang ako sa pagkain ko. " Gia, I said eat. What's your problem? Don't you like the food?" nakakunot ang noo na tanong niya sakin. Bumuntong hininga ako. "It's just too much." sagot ko. "What?" "Sabi ko, the food is too much. Hindi ko kayang ubusin itong nasa plato ko. Do you expect me to finish all these?" medyo napataas ang boses ko. Hindi ako sanay na kumakain sa umaga dahil wala naman akong kasama sa bahay. Nasanay na ako na pinagsasabay ang agahan at tanghalian. Walang kaabog-abog na kinuha nito ang plato ko at binawasan ang pagkain ko, nangalahati ang laman ng plato ko. "Okay na?' tanong niya. "Bawasan mo pa." ang dami naman kasi nitong sumandok, parang magpapakain ng halimaw. Binawasan niya ulit ng kaunti ang pagkain ko. "Bawasan mo pa, masyado pang marami yan." Huminto ito at tumingin sakin habang hawak parin ang plato ko. He look annoyed. "Ano'ng klaseng kain to, Gia? Napaka-karampot, parang kain ng ibon." I sighed. Kinuha ko ang plato ko at nilipat ang ibang pagkain sa plato nito. "FYI lang, I'm on intermittent fasting, mister. Hindi ako sanay na kumakain ng agahan lalo at wala naman akong kasabay kumain. Nahiya lang ako tanggihan ka dahil naghain ka ng pagkain so I will consider this day as my cheat day. Happy now?" paliwanag ko. He looked surprised. Nag-umpisa na ako kumain. "I didn't know.." mahina nitong sambit. "It's okay. A lot of people don't know that actually, only a few close friends." I said matter-of-factly. "So I'm a close friend now?" bumalik ito sa pagiging playful. Tinitigan ko lang siya. Hmmm... hindi naman siguro masama ano? Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya at bumalik sa pagkain. Kasalukuyan kaming nagkakape nang biglang tumunog ang telepono nito. He automatically answered it without looking at the caller. "Hello." napatingin ako dito dahil biglang iba ang tono ng boses nito. Napaka-seryoso. "Excuse me. I have to take this call. Iwan mo nalang yan at may maglilinis naman mamaya." iyon lang at pumasok ito sa isang kwarto malapit sa kusina. Tinapos ko lang ang kape na iniinom ko at niligpit ang pinagkainan namin. Wala itong katulong pero malinis ang bahay nito.Siguro marami na siyang naging bisitang babae dito na maarte... I wonder. Dinala ko ang mga plato namin sa sink at hinugasan ito. I liked the interior of his kitchen, ito ang dream kitchen ko. Kahit saglit lang naman siguro baka pwedeng damhin na kunwari kusina ko 'to? Nagbuklat buklat pa ako ng mga cabinet dahil nakatago ang panghugas ng plato. Napaka-O.C. Nang matapos maghugas ng pinggan ay naghanap ako ng basahan pang-tuyo ng kamay. Wala ding basahan kaya kitchen tissue nalang ang ginamit ko. "Ay kabayong bulag" sambit ko dahil sa gulat. Nakasandal sa pader ang damuho at parang enjoy na enjoy na panoorin ako. "I like seeing you barefoot in my kitchen..." he said. Namula ako sa sinabi nito. Ang alam ko e barefoot and pregnant in the kitchen ang tamang kasabihan doon. Tinuyo ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. "Thank you for letting me in your house and for the sumptous breakfa-" "You're welcome." putol nito sa sasabihin ko. Nakahalukipkip pa rin ito at nakasandal sa pader. Noong nagpaulan ng kagwapuhan at kamacho-han, salong-salo talaga nito lahat. "Anyway, I need to go home now. Masyado na ako nakakaabala sayo at nakakahiya na magtagal pa ako sa bahay mo." Mamaya may magalit pa sakin, gusto ko sanang idugtong. "Gia, hindi ka abala sakin. " lumapit ito sa counter kung saan ako nakatayo. "And like I've said earlier, you're already home baby." hinaplos niya ang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko. Heto na naman tayo sa mapang-hipnotismo niyang boses at titig. Wag kang marupok, girl! Sigaw ko sa utak ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inalis sa pisngi ko. "I am going home. Uuwi ako sa bahay ko." may diin ang salitang bahay ko. He looked down and shook his head. "I'm sorry baby but you're not going anywhere without me." "Stop calling me baby. I am not a baby and I am not YOUR baby." I said. Nag-iinit na ang ulo ko sa lalaking to. "I don't need anybody's permission and I will go home." iyon lang at tumalikod na ako, pero sa gulat ko ay hinila niya ako at inilapit sa kanya. "You are not going anywhere, Gia. You're safer here with me, and I don't think I can ever let you go now." he said and claimed my lips. Masuyo ang halik nito. Heto na naman ang marupok nating puso, bumigay na naman..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD