Rinig pa niya ang pagtawag ni Philip sa kanya pero hindi na niya iyon pinagtuunan nang pansin. Ang tanging nasa isip niya ay ang makita si Kate.
Nang makarating ng ospital ay sinalubong siya ni Allan, isa sa mga tauhan niya. “Where is my wife?” Tanong niya agad dito. “Nasa conference room 1 na po si Ms Kate, Sir” sagot nito at sumunod sa kanya sa pagkasakay ng elevator. “Did you buy her food?”
“Yes, Sir. Yun pong paborito ni Mam na, sinigang ribs gaya ng sabi ni Sir Philip.” Anito. Tumango na lang siya. He needs to remember that, paborito ni Kate ang sinigang na ribs. Pasara na ang elevator nang makahabol si Philip. Nang makarating sila sa floor kung nasan ang asawa ay naabutan niya na nagaantay si Mr Laxamana sa harap ng elevator.
“Good Afternoon, Sir” bati niya. “Mamaya ko na po iexplain ang lahat but I need to see my wife first” nagulat man sa sinabi niya ay tumango ito. Giniya siya ni Allan kung nasan ang asawa niya. Nang matapat sa pinto ay nilingon niya si Philip.
“Her things?” Tanong niya
“On the way na po si Clara papunta sa condo ni Ms Kate”
“I don’t want to be disturbed” sabi niya.
Tumango ito at humarap siya sa pinto. Huminga siya ng malalim at saka binuksan ang pinto. Pumasok siya at doon nakita niya ang babaeng may bilogang mata, si Kate ang asawa niya. Sa kanya ang babaeng nasa harapan, ang babeng ilang araw nang gumulo sa isip niya, ay siya palang asawa niya, sa kanya ang babaeng may bilogang mata at hindi siya papayag na hiwalayan siya nito.
Nagulat si Kate ng makita na pumasok si Lance sa conference room kung saan siya kumakain. Kalma, Kate. Hindi ka niya kilala, no need to panic. Nagtataka siya kanina nang sabihan siya ng head nurse na pumunta sa conference room 1 at may pakain daw para sa mga residents pero wala naman siyang nakitang ibang tao bukod sa pagkain na nakahain sa mesa ay nang tignan niya ay sinigang na ribs na paborito niya.
Nagtataka man at naguguluhan ay kinain niya ang nakahain na pagkain pero mad nagulat siya nang makitang andito si Lance. Just act normal bulong niya sa isip niya. Nagtataka man ay nilakasan niya ang loob. “Ma-May I help you, sir? Tanong niya dito sabay tayo mula sa kinauupuan niya. Kumunot ang noo nito pero napalitan agad ng amusement ang mukha nito. “Ahmmm, I’m looking for my wife?” Tila patanong na sabi nito at naglakad papunta sa gawi niya.
Kinabahan siya nang makitang papunta ito sa kanya. “Is, is she a patient or working here?” Tanong niya pabalik, kalma Kate bulong niya ulit sa isip niya.
“She is working here. I just learned that she is working here. Been looking for her this past weeks” anito na nangingiti pa habang patuloy sa paglapit sa kanya
“Ahmmm, you have to go. Ahmmm to go to the 12 floor the” hindi niya maapuhap ang sasabihin lalo na at malapit na si Lance sa kanya. Ilang hakbang na lang ay nasa tapat na niya ito “HR department is in the 12th floor” mabilis na sabi niya dito. Pero mas mabilis si Lance nagulat siya na nasa harapan na niya ito, sinubukan niyang umatras pero pader na ang nasa likod niya.
Tanging pagsandal na lang ang nagawa niya at tumingin dito “Nah, I found her.” Anito na tinitigan siya sa mata “Welcome home, wife” sabi nito na nakangiti. Nagulat siya at nanlaki lalo ang mata ng marinig ang sinabi nito “La-Lance” tangi niyang nasabi bago siya siniil ng halik nito.
Amusement ang naramdaman ni Lance ng magpangap ang asawa na hindi siya kilala. Nakita pa niya ang panlalaki ng mata nito at gulat sa mukha ng makita siya. Kaya pinagbigyan niya ito sa gusto nito. Habang nageexplain ito ay nanatili siyang naglalakad papunta dito at hindi inaalis ang tingin sa mga labi nito na gumagalaw habang nagpapaliwanag.
The urge to kiss her is overwhelming. Tapos na ang nauna niyang goal, ang makita si Kate. Ngayon naman ay gusto niya itong halikan at that’s what he did. He kiss his wife nang marating niya ang kinatatayuan nito. Bago lumapat ang labi niya sa labi ng asawa ay narinig pa niya na inusal nito ang pangalan niya at nakaramdam siya ng labis na saya. Kilala siya ni Kate, kilala siya ng asawa. Sa kabila ng pagkakahiwalay nila sa loob ng napakaraming taon ay kilala siya nito.
Naramdaman pa niya ang pagtutol nito sa halik niya at ang kamay nito sa dibdib niya na sinubukan pa siyang itulak. pero hindi niya binigyan ng pagkakataon ang asawa na makakawala sa kanya. Pinalalim niya ang halik at hindi nagtagal ay tumugon din si Kate sa kanya. Hindi niya maawat ang sarili nang matikman ang labi ng asawa.
Para siyang nalulunod sa sari saring emosyon na nararamdaman niya ngayon. Huminto siya nang maramdaman ang marahang pagtulak ni Kate sa kanya. Nilubayan niya ang labi ng asawa at pinagdikit ang noo nila. Kinakalma niya ang sarili niya at kung siya ang masusunod ay hindi niya titigilan ng halik ang asawa pero kailangan niya huminto. Alam niya na nagugulat ang asawa sa mga kinikilos niya pero hindi niya mapigilan ang bugso ng damdamin.
“Lance” anito at nang yumuko siya ay nakita niyang nakatingala ito sa kanya. Hinaplos niya ang pisgi ni Kate na namumula. May mga babae pa palang nagbablush sa panahon ngayon. Dinampian niya ito nang isa pang mabilis na halik sa labi bago niya ito niyakap ng mahigpit. “Kate” bulong niya at hinalikan ito sa noo saka pinakawalan.
Nilingon niya ang lamesa at nakita niyang hindi pa tapos kumain ang asawa. Inalalayan niyang umupo ang asawa. “Tapusin mo ang pagkain mo.” aniya at naupo sa katabing silya nito.
“Ku-kumain ka na?” Tanong ni Kate sa kanya tumango lang siya at sinenyasan na kumain na ito.
Naiilang man ay pinilit ni Kate na tapusin ang pagkain. Nagtataka siya sa inaasta ni Lance, naguguluhan siya sa pinapakita nito. Huwag kang magpadala sa mga pinapakita niya Kate. Sabi niya sa sarili. Tandaan mo na ayaw niya sa iyo at may iba siyang mahal. Ang focus mo ay ang divorce iyon lang at wala nang iba.