Naiilang man ay tinapos niya ang pagkain habang si Lance ay walang ginawa kundi ang titigan siya. Habang kumakain ay napaisip siya kung anong nagyayari. “Welcome home, wife” ang sabi nito sa kanya. Salitang nagpapadagdag lalo sa kalituhang nararamdaman niya. Kailangan niyang makausap ito at malaman kung ano ang naging usapan ng dalawa.
Nang matapos ay hinarap niya si Lance. Na nakangiti habang nakatingin sa kanya “Lance, Alex told me that you agree to signed the divorce papers. Hindi ba at may meeting kayong dalawa ngayon?” Sabi niya dito at nakita niyang nawala ang ngiti nito sa sinabi niya. “Is that what he told you?” Tanong nito
“Yes” sagot niya dito “Alex said na mabilis lang ang magiging process ng divorce since wala naman tayong mga properties na dapat hatiin at saka I already waive off my rights to the alimony. Kaya walang magiging problema sa pagprocess ng papers natin” paliwanag niya dito
“Yes, I have read that in the divorce papers. You waive all the rights to any property that I have and you’re not also asking for alimony” anito na seryoso ang mukha “At tama ka na mapapabilis ang pagprocess nang divorce natin dahil sa mga iyon”
“And the grounds you gave to nulify our marriage is that your underage when we got married and not in the right age to decide for yourself. Although I explain it already to your Atty na Papa is your guardian that time as stated in the last and will testament ni Uncle Luis and he is the one who gave consent for us to get married” sabi nito sa kanya
“Ahmmm, I have other grounds stated in the divorce papers” nagaalangan sabi niya
“Yeah, non-consummation of marriage and that we are not living as husband and wife.”anito na ngumiti pa sa kanya “But sorry to dissapoint you, wife. Hindi mo na puwede gamitin ang mga reason mo na iyon starting today, well not the non-consummation part yet but you will go home with me sa bahay natin where your supposed to be” seryosong sabi nito.
Nagulat siya sa sinabi nito at hindi niya alam kung anong isasagot dito “La-Lance, I don’t think that’s a good idea.” Pagtutol niya sa balak nito. Naguguluhan siya sa inaarte nito alam naman niya na ayaw nito sa kanya.
“And why?” Tanong nito
“We, we.” Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin dito
“Yes, we, we are husband and wife. So your place should be beside me, you my wife and me your husband” anito
“But ours is not a normal marriage, Lance. Pinatapon mo nga ako sa America di ba?” Sabi niya dito na hindi niya maiwasan na lagyan ng pagtatampo ang boses at nakita niya ang gulat sa mukha nito
“Pinatapon? Masyado naman atang harsh ang salitang yun” anito na iiling-iling pa “I have made a decision na iniisip kong makakabuti para sa atin that time. But I never consider na ipatapon ang asawa ko sa ibang bansa”
Bumuntong hininga siya “Whatever reasons you have, the damage has been done.” Aniya at tinignan ito sa mata “Let’s end this so called marriage and part ways. It is the better thing to do” aniya dito “And I heard that you have plans to settle down with your girlfriend, Lora” aniya na pinigilang gumaralgal ang boses ayaw niyang makita ni Lance na nasasaktan siya.
Bumuntong hininga ito at tumitig sa kanya “Is this really what you want?” Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya tila pilit nitong binabasa ang nasa isip niya.
“Yeah and Alex said that . . .” Nagulat siya ng biglang suntukin ni Lance ang lamesa “Stop saying his name!” Sigaw nito sa kanya “hindi ba at dapat ay Atty ang tawag mo sa kanya? Hindi ko alam na first name basis na pala kayo ng Atty mo?” Galit na sabi nito at nakaramdam siya ng takot
Kita ni Lance ang takot sa mukha ni Kate ng sumigaw siya. Hindi niya mapigilan ang galit nang bangitin ng asawa ang pangalan ni Atty Alex. Hindi maganda sa pandinig niya na may ibang lalaking pangalan na nalabas sa bibig nito.
“Bu-but he is my friend” paliwanag nito at nakita niya ang takot sa mga mata nito “Don’t get mad Lance, he is a friend” anito sa mababang boses na tila pinapakalma siya. Pumikit siya at kinalma ang sarili. Nakaramdam siya ng kakaiba sa puso ng bangitin nito ang pangalan niya at ngayon alam niya sa sarili niya na dapat na pangalan lang niya ang bibigkasin ng asawa.
Dumilat siya at tinignan ang asawa na may pagaalala sa mukha “Okey, he is your friend but I don’t want you calling him Alex, you should call him Atty Alex.” Sabi niya dito. “Like I told him that he should not be calling you Katerina” Tumango ito at bumuntong hininga “Okey, if thats what you want” tumingin ito sa suot na relo. “Ahmmm, I have to go. My lunch time is finish.” Anito sa kanya at tumayo na.
“What time you will finish here?” Tanong niya at tumayo na rin siya.. “I still have another 2 hours and then uuwi na ko” anito. “Ok, then intayin na kita para sabay na tayong umuwi sa bahay. Lets have dinner with Papa. I’m sure matutuwa siya pag nalamang magkasama na tayo” aniya dito.
Kita pa niya ang pagaalangan sa mukha nito at tila pagiisip pero tumango din ito “Sige, but let me go home first para makapagbihis. Then susunod na lang ako sa bahay mo just give me the address.” sabi nito
“No, I will wait for you and sabay tayong uuwi sa bahay natin.”
“But my things. .”
“Is already at home so you can change sa bahay natin” aniya dito “Ha?” Tila hindi makapaniwalang sabi nito. “Lance” sabi nito na tila hindi na alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Nakikita niya sa mukha nito ang hindi pa rin pagsangayon sa gusto niya pero nakita din niya ang pagsuko nito.
“Ok” anito at nagumpisa nang maglakad. Sumunod siya at nang makarating ng pinto ay inunahan niya ito sa pagbukas. “Thanks” sabi nito at nakita nila sa labas si Philip na nagaantay “Hello, Philip” bati ni Kate dito. Nakita niya na natulala ito na parang gulat na gulat ng makita ang asawa niya.
Umubo siya at tila saka lang natauhan ang assistant niya. “Hello po, Ms Kate” anito “See you later, Lance” sabi nito at naglakad na paalis. Pero biglang huminto at nilingon siya “Ahmmm, Lance, Were you the one who gave me the lunch?” Tanong nito
Tumango siya, “It came to my attention that your having a sandwich for lunch kaya I told my staff to bring you a proper meal” nakita niyang namula ang mukha nito na tila nahiya “You- you dont have to do that but thank you.” Nahihiyang sabi nito at saka siya nginitian. Pagkatapos ay nagtuloy na sa paglakad.
At sa hindi malamang kadahilanan ay huminto ang mundo niya dahil sa ngiting binigay ng asawa sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya at nakaramdam siya ng kasiyahan sa kaalamang napangiti niya ito. At sa oras na ito, kahit naguguluhan siya sa nararamdaman ay alam niyang hindi siya makapapayag na hiwalayan siya ng babaeng may bilogang mata.