Chapter 10

1162 Words
“S**t, what is happening?” Bulong niya sa sarili napasandal siya sa pader at napahawak sa dibdib niya habang nakasunod ng tingin sa palayong likod ni Kate. “What the f**k?” Bulong niya ulit. “Sir?” Tawag ni Philip sa kanya na naging dahilan para matauhan siya “Ayos lang kayo?” tanong nito sa kanya “What is happening, Philip?” Tanong din niya dito. Nakita niya ang pagngiti nito “Di ko rin alam, Sir. Pero base sa reaksiyon ninyo ay na star struck kayo kay Ms Kate” sabi nito na tila naaliw sa nasaksihan. Tinignan niya ito ng masama “What do you mean na star struck?” sabi niya sa seryosong boses. Kita pa niya ang paglunok nito “Jo-Joke lang po, Sir” sabi nito na tila ninenerbiyos na. “Whatever, nakuha na ba ang mga gamit ni Kate?” “Yes, sir. As of this moment nasa biyahe na ang gamit ni Ms Kate papunta sa mansiyon” “Call, Manang Ada and tell to prepare dinner. Andito ba sa Manila ang Papa?” “Yes, sir. Hindi po lumipad pa Cebu ang Chairman. Andito siya sa Manila” “Ok” aniya “We will wait for my wife to finish her duty then bibiyahe na tayo pauwi sa mansiyon. Make sure na nasa ayos ang lahat, ok?”sabi niya pero napansin pa niya ang pagngiti nito. “Why are you smiling?” Tanong niya dito “Natutuwa po ako, Sir. Na nakita na si Ms Katerina and iuuwi ninyo siya sa mansiyon. Hindi po ako nagkamali ng hinala na lalaking maganda si Ms Kate” anito na tila ba may ibig pahiwatig. “What do you mean?” Medyo napataas na boses na tanong niya dito. “Huwag po kayo magagalit, Sir. Pero nang mameet ko siya noon sa Cebu para papirmahan ang marriage contract ninyo napakabata pa niya pero alam ko na pag naging ganap na siyang dalaga ay magiging maganda siya at hindi nga ako nagkamali hindi lang maganda si Ms Kate, kundi magandang maganda” sabi nito na tila ba may paghanga sa asawa niya. Totoo ang sinasabi nito, napakaganda ni Kate. Hindi niya inakala na nang maging ganap na dalaga ay magiging napakaganda nito. Hindi ba at nang unang kita pa lang niya dito pagkatapos ng limang taon ay napukaw nito ang interest niya sa kabila ng katotohanan na hindi pa naman niya kakilala ito at ang nakakatawa pa ay asawa niya. Tinignan niya si Philip na tila pa nangangarap “Ehemmm” aniya “Nakatawag ka na ba?” Nagulat ito at tila naman natauhan “I will do right away, Sir” at lumakad palayo sa kanya para gawin ang inuutos niya. Pumasok ulit siya sa conference room para tawagan ang ama at matapos ng 3 ring ay sinagot nito ang tawag niya “Hello, Lance” anito sa malamig na boses “Pa, I want to invite you to dinner tonight” sabi niya dito Rinig pa niya ang paghinto ng papel na tila nililipat nito ang pahina “I’m not available tonight, Lance. Maybe next time” anito at alam niyang ibaba na nito ang tawag ganito lagi ang ginagawa nito pag tinatawagan niya para ayaing kumain or lumabas “Pa, wait. My wife and I, want to invite you to dinner, Pa” mabilis na sabi niya “Wife?” Anito at rinig niya sa boses nito na nagpipigil ito ng galit “What do you mean wife? Don’t tell me you found, Kate?” Sabi na at alam ng Papa niya na hinahanap niya ang asawa. “Yes, I found her. Kahit na sino ang nagtago at humarang nahanap ko pa rin ang asawa ko.” Matiim na sabi niya dito. Rinig pa niya ang tawa nito sa sinabi niya. “Lance, Lance.” Anito na tila aliw na aliw “So now that you found her. Are you surprise? I bet you are” tila nangiinis na sabi nito. “So are you signing the divorce papers now that you found your wife?” “Pa, iuuwi ko si Kate sa mansiyon and mananatili siya doon. Walang divorce na magaganap” sabi niya dito sa seryosong boses at narinig niya ang lalong pagtawa nito sa kabilang linya na nagkanda ubo ubo na. “Pa!” Sigaw niya hindi na niya maiwasang mainis “Stop laughing, seryoso ako” naiinis na sabi niya dito “I’m sorry, Son. I can’t stop myself from laughing. I’m so amuse sa current situation mo and really amaze sa sinabi mo na walang divorce na magaganap.” Sabi nito “I will be joining you and your wife at this dinner and I will enjoy seeing how you act in front of Kate.” At binaba na nito ang linya. Naiiling siya na binalik ang cellphone sa bulsa at lumabas na nang conference room para puntahan si Mr. Laxamana. Nang makarating sa opisina nito ay pinapasok siya ng secretary nito. “Lance” bati nito “Have a seat” Umupo siya sa upuan na nasa harap ng lamesa nito. “I was so suprised to hear na asawa mo si Ms Medina” “Mrs Alonzo, Sir. There were some issue in the processing of papers kaya hindi niya nagamit ang married name niya but I will soon rectify that” sabi niya dito. Tumango tango ito “To tell you honestly, mahusay na resident doctor ang asawa mo. I can see potential to her. Base sa nakikita ko mismo aside sa mga reports.” “That’s good to hear, Sir. It makes me proud na marinig ang napakaganda ninyong feedback sa kanya.” Proud na proud talaga siya sa narinig nakakataba ng puso. “Pero, I’m sure na maraming malulungkot na male population ng hotel once na lumabas na ang balita na may asawa na si Kate” sabi nito na tila nanunukso. Uminit ang ulo niya sa sinabi nito pero kinalma niya ang sarili niya “Well, Sir. It’s their lost not mine.” Aniya at natawa ito sa sinabi niya “Tama ka diyan, Lance. Tama ka diyan” anito na natango pa. “But for the meantime, can you please keep it between us. Ayoko na dumugin ang misis ko ng mga reporters once na lumabas na ang tungkol sa kasal namin” seryoso niyang sabi dito. “I understand, Lance. Makakaasa ka na it will stay between us and just let me know once everything is settled” pagsangayon nito. Nagpasalamat siya dito at nagpaalam na. Paglabas ng opisina nito ay lumakad na siya papunta sa lobby ng ospital doon na niya iintayin ang asawa. Hindi niya maiwasan ang mangiti asawa niya, si Kate, kanya si Kate, his wife. Ang babaeng may bilugang mata ay asawa niya. Pero napalis ang ngiti niya na makarating ng lobby, dahil andun ang friend ng asawa niya na si Atty Alex.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD