“Ano sama ka?” Tanong ni Maila sa kanya, kasamahan niya ito dito sa ospital at resident din kagaya niya na balak mag specialize sa cardio. Huminto siya sa pagkain at tumingin dito “Saan ba kasi yang party na iyan?” Tanong niya dito
“Doon nga sa KTV na malapit lang dito. Lalakarin lang natin” anito “Hindi tayu magtatagal?” Paninigurado niya dito “Hindi nga, pagbigyan lang natin si Doc Richard. Birthday niya kase at nagiimbita” pangungumbinsi nito sa kanya
Naisip niya na wala namang masama kung sumama siya. Lalo na at hindi din naman na sila nagkausap ni Lance. Isang linggo na siyang nakatira sa bahay nito at simula nang unang gabi niya doon nang sabihin nitong bigyan niya ng chance ang marriage nila at biglaang pagbabago din ng pakikitungo nito sa kanya ay hindi na sila nagkita.
Natutulog siya na wala pa ito at nagigising na wala na ito. Nauwi pa naman dahil may nakikita siyang damit na pinaghubadan sa laundry basket tuwing umaga. Kung saan ito natutulog ay wala siyang idea lalo na at hindi naman nagugulo ang side nito sa kama. Baka sa girlfriend niya, sagot ng isip niya.
Posible naman na doon nga ito natutulog at nauwi lang sa umaga para maligo at magbihis. Nalulungkot man siya sa sitwasyon nila ay hindi din niya alam kung ano ang dapat gawin lalo na at walang tsansa na makausap niya ito. “Ano na?” Tanong ni Maila na pumutol sa pagiisip niya. “Oo na” aniya dito at impit pa itong tumili “Mamaya pagout natin deretso na tayo doon” tumango siya at tinapos na ang pagkain.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang shift nila. Asa locker room na siya at naghahanda para sa paglabas nang magring ang cellphone niya at nakita niyang si Alex ang natawag. Iniisip niya kung sasagutin niya ba iyon o hindi. Ilang beses na ring tumatawag ito sa kanya simula nung insidente na nangyari sa ospital pero hindi niya sinasagot. Hindi din niya kase alam kung anong sasabihin sa kaibigan. Sinilent niya ang cellphone at inilagay sa bag. Pagkatapos ay lumabas na kung nasaan si Maila.
Late na naman nakauwi si Lance sa bahay masyado siyang naging busy nitong mga nakaraang araw na late na siya nakakauwi at kinakailangang maaga ding aalis. Nagkaroon ng epekto ang kumalat na balitang kasal na siya at ang extra marital affair niya kay Lora. May mga ilang investors na nagpahayag ng disgusto at nagbabalak na magpull out ng shares.
Pati ang Papa niya ay hindi din nagustuhan ang balita na nakarating dito. Pero inassure naman niya na aayusin niya ang lahat nang magmeeting silang dalawa. Sinusubukan pa rin niyang ayusin ang gusot na hindi maaapektuhan ang asawa. Ayaw niya na malagay ito sa alanganin lalo na at siya naman ang may gawa ng gulo na nangyayari.
“Good evening, Lance” bati ni Manang Ada sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto “Good evening, Manang” bati niya pabalik at dumeretso na nang pasok
“Kumain na po ba si Kate?” Tanong niya dito na siyang laging tinatanong kada dadating siya ng bahay. Isa pa sa hindi niya napagtutuunan ng pansin ay ang asawa. Hindi pa rin siya natutulog sa tabi nito dahil alam niyang mahihirapan siya at baka hindi niya mapigilan ang sarili.
“Wala pa si Kate, Iho” sabi nito sa kanya. Kumunot ang noo niya sa narinig.
“Ano hong wala pa?” Tanong niya dito.
“Hindi pa siya umuuwi.” Sagot nito
“Paanong hindi pa siya umuuwi? Hindi ba at pagganitong oras ay nasa bahay na siya?” Naguguluhang tanong niya dito.
“Oo nga pero gaya nga nang sabi ko sa iyo, hindi pa siya umuuwi.” Anito na tila ba naguguluhan na din sa kanya.
“Bakit hindi pa siya nauwi? Tumawag ba siya o nagsabi sa inyo kung nasaan siya?” Tanong niya dito
“Pinauna niyang umuwi si Caloy kanina at may pupuntahan pa daw. Pero hindi naman nabangit kung saan.”
“F@ck” aniya. Kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Allan na siyang nakatoka sa pagbabantay kay Kate. Pero hindi ito nasagot, tinawagan niya ulit pero wala pa ring nasagot. Ayaw man niya ay nakaramdam siya ng kaba lalo na at sa tinakbo ng paguusap nila ni Lora nung pumunta ito sa opisina.
“Ang Papa?” Tanong niya kay Manang Ada
“Kanina pa nasa taas at maagang nagpahinga”
Hindi kasama ng Papa niya si Kate. So nasaan ang asawa niya? Magaalas onse na nang gabi at hindi pa ito nauwi. Hinanap niya ang numero ni Kate at tinawagan ito.
Nagriring lang din ang cellphone pero walang nasagot. Nagtry pa siya na tawagan ito at si Allan pero ring lang nang ring ang parehong cellphone at walang nasagot.
Nang walang makausap kahit sino man sa dalawa ay tinawagan niya si Philip “Good evening, Sir” bati nito ng sagutin ang tawag niya “Hindi pa nauwi ang asawa ko” sabi niya agad dito. “I understand, Sir.” Sagot nito na nagpainit lalo ng ulo niya.
“Anong you understand? Wala pa si Kate dito sa bahay. Wala pa ang asawa ko dito sa bahay” naiiritang sabi niya dito “Hindi pa siya umuuwi. Tinatawagan ko si Allan but he is not picking up. I also, tried to call her pero hindi din siya nasagot. Anong oras na? Dapat sa ganitong oras ay andito na siya bahay at natutulog na sa kuwarto namin. Pero mag aalas onse na wala pa rin siya.” Deretsong pagsasalita niya
“Where is she? Nagmessage ba siya sayo? Si Allan nagupdate ba? Asan ang asawa ko?” Sigaw niya kay Philip.
Nang matapos siya ay rinig pa niya ang pagtikhim ni Philip sa kabilang linya. “Sir?” Anito na tila inaalam kung kalmado na siya. He knows that he is being irrational now pero hindi niya mapigilan ang sarili, naiinis siya na nagagalit dahil wala pa ang asawa sa bahay. Pumikit siya at umupo sa sofa pilit na kinakalma ang sarili “Yes” aniya.
“I was about to call you dahil ngayon ko lang nabasa ang message na sinend ni Allan” anito sa mahinahong boses “Lumabas daw si Ms Kate kasama ng mga colleagues niya”
“Lumabas?” Napataas ang boses niya sa narinig at lalong nagalit sa nalaman
“Yes, Sir.” Mahinahon pa ring sabi nito sa kanya “Birthday daw ng isang doctor sa ospital and he invited Ms Kate to attend his birthday party”
“Lumabas?” Ulit niya at rinig niya ang pagtikhim ni Philip sa kabilang linya “Saan naman ang birthday party na ito?” Aniya na pinipigilan ang sariling sumabog at magwala.
“As per Allan, sir. They are in GIO KTV bar in Timog.” Sabi nito na lalong nagpainit sa ulo niya at tuluyan na siyang nawalan ng control “Meet me there” tanging sabi. “Manang pakisabi kay Mang Caloy na ihanda ang sasakyan at aalis kami” at dumeretso siya ng kuwarto para magpalit ng damit upang sunduin ang asawa kung saan man ang KTV bar na pinuntahan nito.