Nageenjoy si Kate na panuorin sa pagkanta si Maila. Marunong palang kumanta ang kaibigan. May pasayaw sayaw pa habang kinakanta ang Dancing Queen. Tama lang na sumama siya at umattend nang birthday party ni Doc Richard. Kahit papano ay nakapag unwind siya.
“Kate” tawag ni Doc Richard sa kanya. Tinignan niya ito, nakaupo ito sa tabi niya “You want more wine?” Tanong nito. Umiling siya “I’m good, Doc” aniya dito “Salamat sa paginvite ha?” Sabi niya dito. “Hindi man lang kami nakabili ng regalo” nahihiyang sabi niya dito.
“Yung pag attend mo ay enough nang regalo, Kate” sabi nito sa kanya at ngumiti. Ngumiti siya at binalik ang tingin kay Maila na bumabanat naman ng love song.
“Ahmmm, Kate.” Tawag ulit nito sa kanya “Puwede ba na ako ang maghatid sa iyo pauwi?” Tanong nito. Napatingin siya dito wala naman sigurong masama kung ihatid siya nito. Pinauwi na kasi niya si Mang Caloy kanina at sinabi na may pupuntahan pa siya.
Pero alam niya na hindi magiging maganda kung magpapahatid siya dito lalo na at may asawa siyang tao. “Pasensiya na, Doc. May susundo po kasi sa akin mamaya.” Tangi niya dito “Ganon ba?”anito. Tumango na lang siya at ngiti ang naging sagot nito.
Guwapo si Doc Richard hindi man kasing guwapo ni Lance pero may dating din. Halatang may lahing instik dahil sa singkit nitong mata Medyu tsinito ito at saka matangkad din.
“Hay kakapagod” sabi ni Maila nang umupo sa tabi niya. Inabot nito ang baso na may beer at ininom. “Uyy, kanta ka naman” sabi nito sa kanya. Umiling siya “Wala akong ganong talent” sabi niya dito at tumawa. “Sus” anito “Try mo lang” pamimilit nito “Hindi talaga, Maila” tangi niya
“Okey” anito at kumuha na ng chicken wings. Si Nurse Joy naman ang sunud na kumanta at marunong din ito. Mabilis lumipas ang oras at nagulat siya na mag alas onse na pala. Nawala sa loob niya ang oras dahil nagenjoy din talaga siya. “Maila” tawag niya sa kaibigan. Nilingon siya nito “Mag alas onse na pala. Kailangan ko nang umuwi” sabi niya dito.
Tinignan nito ang suot na wrist watch “Oo nga, late na pala. Morning duty pa tayo bukas” anito “Uwi na tayo?” Tanong niya dito “Oo” pagsangayon nito “Magpaalam na lang muna tayo kay Doc” sabi nito tumango siya at sabay na silang tumayo para lapitan si Doc Richard na kausap si Nurse Joy sa kabilang lamesa.
“Doc.” Tawag niya dito nilingon siya nito “Yes, Kate?” Sabi nito “Ahmmm, uuna na kami ni Maila. Morning Duty pa kami bukas” sabi niya dito “Sige, magpaalam lang ako sa kanila hatid ko na kayo”
“Naku, Doc. Huwag na po at nasa labas na iyong sundo ko.” Pagdadahilan niya. Napatingin si Maila sa kanya at tila nagtataka “Si Maila po baka puwede ninyo ihatid, Doc or idrop ko na lang siya sa kanila?” Magsasalita pa sana si Maila pero laking gulat nila ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang lalaki na nakaitim na tila may hinahanap.
Huminto ang tingin ng isa sa mga ito sa kanya at kinalabit ang katabi sabay turo sa kanya. Tumingin din sa kanya ang katabi nitong lalaki at may tinawagan. “Yes, sir. She is here” anito sa kausap tapos ay binaba na ang tawag. Tahimik ang lahat dahil sa gulat na naramdaman ng biglang pagpasok ng mga lalaking ito.
Nagaantay din ang lahat kung ano ang susunod na magaganap pero hindi niya inaasahan ang sunud na pumasok. Napakapit siya sa braso ni Maila, nang makita niya na pumasok si Lance na galit ang mukha kasunod si Philip na halata mong nagaalala.
Umikot ang mata ng asawa sa loob ng kuwarto at huminto sa kanya. Pagkatapos ay naglakad ito patungo sa direksiyon niya. Kita niya na halos magisang linya ang mga labi nito at galit ang mga mata. Napabitaw siya kay Maila at napaatras na siyang naging dahilan ng paglingon sa kanya ni Maila. “Kate?” Nagtatakang sabi nito sa kanya pero hindi siya makapagsalita.
Nang makarating si Lance sa harapan niya ay inabot nito ang backpack na nakasabit sa balikat niya at pagkatapos ay hinawakan ang kaliwang kamay niya “Let’s go” sabi nito at naglakad na. Wala siya nagawa kundi ang sumunod dito. Pero biglang humarang si Doc Richard sa harapan ni Lance.
“Mr. Alonzo?” Anito na tila gusto makasiguro kung si Lance nga ang nasa harap nito. Tinignan ito ni Lance at kita niya ang pagtiim ng bagang nito. “Yes” sagot nito “I’m Dr Richard Uy” na inabot ang kamay para makipagkamay pero tinignan lang ni Lance ang kamay nito.
Napahiyang ibinaba nito ang kamay at tumingin sa kanya. “Ahmmm, Doc una na po ako. Salamat sa pag invite. Si Maila na lang po ang ihatid ninyo” aniya dito “Siya ba ang sundo na sinasabi mo?” Tanong nito. “Oo” aniya at ngumiti dito. “Ah, okey.” Anito na hindi pa rin naalis sa harapan nila ni Lance.
“Do you still need anything?” Tanong ni Lance sa lalaking nasa harapan niya. Tumingin ito sa kanya na tila nagiisip. Pero umiling din sa huli at binigyang daan na sila ng asawa. Nang umalis ito sa harapan nila ay naglakad siya habang hawak sa kamay ang asawa at nakasukbit sa balikat niya ang backpack nito.
Kinakalma na niya ang sarili pero hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang maramdaman niyang biglang huminto si Kate sa paglalakad at nang lumingon siya ay nakita niyang hawak ng lalaking nagpakilala na Dr Richard ang kanang braso ang asawa niya.
Nagdilim na ang paningin niya at binitiwan ang kamay at backpack ng asawa. Pagkatapos ay marahas na hinablot ang kamay ni Doc para makabitaw sa asawa sabay suntok sa mukha nito. Nadinig pa niya ang pagsinghap ng mga tao sa paligid at kita niya ang pagbagsak sa semento ng mapangahas na lalaking humawak kay Kate.
“F@ck you” sabi niya dito. Tumayo ito mula sa pagkakalugmok at hinarap siya “G@go ka!” Galit na sabi nito sa kanya at lumakad papunta sa gawi niya “Mas gago ka!” Sabi niya at humakbang din para salubungin ito pero gumitna si Philip at inawat siya. Inawat na din ito ng ibang kalalakihan na kasama nito.
“Porke’t mayaman ka aasta ka dito nang mayabang!” Sigaw nito “Hindi ka nga invited sa party na ito nag gate crash ka ikaw pa maangas.” Patuloy na sigaw nito.
“G@go, hindi ko kailangan dumalo sa party mo para sunduin ang asawa ko” sigaw din niya dito. Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Kita niya ang gulat sa mga mukha nito “At sisiguraduhin ko na mawawalan ka ng lisensya dahil sa paghawak mo sa kanya” sigaw niya dito.
Pagkatapos ay bumalik siya kung saan nakatayo si Kate na bakas pa ang gulat sa mukha dahil sa sinabi niya. Hinubad niya ang suot na jacket at pinasuot dito. Inabot niya rin ang cap na binibigay ni Philip at siya na mismo nagsuot noon dito, inayos niya iyon para matakpan ang mukha nito.
Nakita niyang dinampot ni Allan ang backpack ni Kate. Nang matiyak na natakpan niya ang mukha ng asawa ay hinapit niya ito palapit sa kanya at inakay palabas.