Habang palabas sila ng KTV bar ay rinig at kita pa niya flash ng sunod sunod na pagkuha ng litrato sa kanila. At kagaya nang una nakahapit ang isang kamay nito sa bewang niya samantalang ang isa ay nasa ulo niya. Para silang artista na pinagkakaguluhan. Nasa gilid niya si Philip at isang lalaking nakaitim na pamilyar ang mukha sa kanya, rinig niya na Allan ang pangalan nito.
Sa side naman ni Lance ay isang nakaitim na lalaki at dalawa pa sa harapan nila na humahawi ng mga tao. Nahirapan silang lumabas dahil sa pagkuha nang mga ito ng litrato. Nang makarating sila sa sasakyan at nagsimulang umandar ay saka lang niya pinakawalan ang hiningang pinipigilan.
Nilingon niya si Lance na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya. Kita pa rin niya ang galit sa mukha nito at ang patuloy na pagtiim ng bagang nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magsalita o manahimik na lang. Sa nakikita niyang itsura nito ay alam niyang galit ito. Pinili niyang manahimik na lang at lumingon sa labas ng bintana na dinadaanan ng sasakyan.
Nang makarating sila sa bahay ay mabilis na bumaba si Lance at dumiretso na nang pasok sa loob. Naiwan siya sa sasakyan na sinundan na lang ng tingin ang likod nito.
“Mam.” Tawag ni Mang Caloy na nang lingunin niya ay nakatayo sa nakabukas na pintuan ng sasakyan. “Pasok na po kayo sa loob para makapagpahinga na kayo” anito na nginitian pa siya. Tumago siya at bumaba na nang sasakyan “Salamat po, Mang Caloy.” Aniya at pumasok na rin sa loob.
Naabutan pa niya si Papa Mario na nakaupo sa sofa at tumayo nang makita siya “Kate” anito “Pa. Gabi na, bakit gising pa kayo?” Aniya dito at lumapit dito. “Sinabi sa akin ni Ada na wala ka pa at sinundo ka ni Lance. Kaya nagdesisyon ako na intayin na kayo.” Sabi nito.
Nahiya siya sa nalaman, naistorbo pa niya ito dahil sa pagpunta niya sa party “Pasensiya na, Pa” hingi niya ng paumahin dito “Hindi po ako nakatangi nang yayain ako ng mga kasamahan ko” sabi niya
“Nag-enjoy ka ba?” Tanong nito. Ngumiti siya at tumango “Iyon ang imporante, Iha. Basta naging masaya ka sa pinuntahan mo.” Sabi nito sa kanya. “Sige na magpahinga ka na.” Anito. Tumango siya at naglakad na paakyat. Nagaalala man pero gusto niya makausap si Lance para makapagpaliwanag dito.
Nasa gitna na siya ng hagdan nang makarinig sila nang tila nabasag galing sa library. Napahinto siya at nilingon ang biyenan. Pero sumenyas ito na dumiretso na siya ng akyat at naglakad na papunta sa library.
Habang nasa biyahe ay pinili ni Lance ang tumahimik. Galit na galit siya pero ayaw niyang maibuntong ang galit kay Kate. Pagdating sa mansiyon ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan at nagderetso sa library. Kasunod niya si Philip na alam niyang nag-aalala.
“I want that st**id a**h**e to lost his license, Philip. Call Mr Laxamana, hindi ko palalagpasin ang ginawa niyang paghawak sa asawa ko. Kapal ng mukha niya! G**o siya” Galit na galit na sabi niya kay Philip.
“Sir, calm down please” anito na sinusubukan siyang pakalmahin.
“Calm down, how can you tell me to calm down” lalong sigaw niya dito. Sobrang galit ang nararamdaman niya. Hindi niya matangap na may ibang lalaking humawak kay Kate. Gusto niya manakit. Sa sobrang galit kinuha niya ang lamp shade at binato iyon sa pader.
“Hinawakan niya ang asawa ko, hinawakan niya si Kate. Walang sinuman ang puwedeng humawak sa asawa ko, nobody. She is my wife. She is mine and kung sino man ang magtangka na kuhain siya o agawin sa akin, I swear to God makakapatay ako” aniya dito at tinitigan ito sa mata. Gusto niyang iparating dito na seryoso siya at walang sinuman ang makakapaglayo sa kanya ng asawa niya. “I want a full background check and I want him to lose his job” seryoso niyang sabi dito.
“I will do that“ anito “Pero please, Lance. Calm down” pakiusap nito sa kanya “Matatakot si Katerina and Uncle Mario pag narinig nila ang ginagawa mo” mahinahong sabi nito “I understand that he should not have touched Kate pero lasing na rin siya and we don’t know what he is thinking that time. Maybe nasa isip niya na protektahan si Kate. Maybe. .”
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Philip?” Putol niya sa kung anumang balak sabihin nito. “Pinagtatangol mo ang G**o na iyon” Hindi makapaniwalang sabi niya dito “Pinagtatangol mo ang lalaki na iyon. Pinagtatangol mo? Ako ang kaibigan mo sa akin ka dapat pumapanig”
“Wala akong kinakampihan, Lance. I’m trying to clear your head. Galit na galit ka dahil hinawakan niya ang asawa mo. Nagpapabulag ka sa selos na nararamdaman mo.” Anito sa kanya na medyo tumaas na din ang boses
“Selos?” Natigilan siya sa sinabi nito “Sinong nagseselos? Ako? Bakit ako magseselos?” Aniya dito na tila hindi makapaniwala sa sinabi nito.
“Hindi nga ba?” Balik na tanong nito sa kanya “Since you learned about the divorce and she refused to meet you naging maiinitin na ang ulo mo. Each small things you lose your patience.”Anito na umupo sa sofa at tumingin sa kanya.
“Then when we found her you acted more differently. Tumutol ka sa divorce na siyang initial plan mo and hiniwalayan si Lora.” Patuloy nito “And now your acting like a jealous husband.” anito “And don’t you dare deny it” sigaw nito sa kanya.
“I agree with you, Philip” sabi ng boses sa may pinto at nang lingunin nila pareho ay nakita niya ang Ama. Sinara nito ang pinto at dumeretso sa sofa kung nasaan nakaupo si Philip at tumabi dito. “Hindi mo ba natatadaan kung paano siya magalit noon sa iyo nang sabihin mo na maganda si Katerina.” Paalala nito sa kanila
Tanda pa niya ang araw na iyon. Nasa bahay si Philip at nasa pool sila nang dumating si Uncle Luis kasama ang asawa at ang 3 taong gulang na si Kate. Rinig pa niya ang pagsinghap ni Philip nang makita si Kate at nang lingunin niya ay nakatulala lang ito. Hangang sa makaalis si Kate nanatiling nakatulala si Philip na kung hindi pa niya tinapik sa pisngi ay tila hindi magigising.
“Ang ganda niya” sabi nito na tila nagising mula sa pagkakatulog.
“Akin siya” sabi niya at tinulak ito.
Galit na galit siya sa sinabi nito at pinagbawalang pumunta sa bahay habang anduon si Kate.
Tawa ni Philip at ng Ama ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Tigilan ninyo kong dalawa” singhal niya sa mga ito na siyang lalong naging dahilan ng pagtawa ng mga ito at sa sobrang inis niya ay lumabas siya ng library at binalibag ang pinto ng malakas na siyang lalong naging dahilan nang pagtawa nag dalawang naiwan sa loob.