Lalong natawa si Philip nang malakas na binalibag ni Lance ang pinto ng library ng lumabas ito. Maiyak iyak na siya ng huminto at lingonin ang nakaupo sa tabi niya “Uncle” bati niya dito “Philip, what is Lance asking you to do?” Tanong nito. Bumuntong hininga siya bago sinagot ito “He wants that Doctor to lose his license and job” iiling iling na sagot niya dito.
“Really?” Parang hindi makapaniwalang sagot nito “Just because the doctor invited his wife to the party?” Tanong nito
“No, Uncle. That man touched Kate’s arm”
“What do you mean?” Nakakunot na noong tanong nito
“I told him to stay in the car at ako na ang susundo kay Kate sa loob, pero as usual ayaw niya. I reminded him na hindi pa namamatay ang balita tungkol sa kasal niya but he only told me that he doesn’t care and sumama sa loob ng KTV.”
“Once inside, sinalubong kami ni Allan and inform us that the party is being held in one of the VIP rooms and he is not sure alin sa anim na rooms dun ang occupied nila Kate. So as ordered by Lance, inisa isa namin ang rooms and find her in the third one.”
“I told Lance na pumunta na nang sasakyan and wait there. Ako na kako ang bahala tumawag kay Kate sa loob. But of course you know him. He went directly inside the room where she is and took her.”
“Doon na humarang ang kasamahan na lalaki ni Kate na siya palang may birthday. Nakilala nito si Lance and decided to give way pero hindi ko alam what changed his mind and try to stop Kate from leaving with Lance” kuwento niya dito at nakita niyang tumango ito.
“And we all found this guy on the floor with his bleeding nose. Muntik nang magpangabot ang dalawa luckily we were able to intervine. And, Uncle be ready for tomorrow’s headline. Lance was shouting to this Doctor that he will lose his license for touching his wife. If you have seen him Uncle. I’m so suprise to see this side of Lance. The possesive and jealous side of Mr Lance Alonzo” nangingiti pa niyang sabi dito
“I know how possesive he can get, Philip” pagsangayon nito sa kanya “We both know, you’ve seen that first hand when you said that the 3 year old Katerina is beautiful.” Sabi nito at tumawa.
Magkaibigan sila ni Lance. Magkababata at lumaki ng sabay. Dating driver sa mansiyon ang ama niya at nang pumanaw ito ay kinupkop na siya ni Uncle Mario at tinulungan na makatapos. Nang grumaduate ay nagumpisa na siyang magtrabaho sa kompanya ng mga ito at nang magumpisa si Lance sa posisyon na President ng company ay inilipat siya bilang assistant nito.
Naging saksi siya sa lahat nang pagsisikap ni Lance na lalong mapalago ang supermarket at construction business. Siya ang kasama nito sa bawat tagumpay at pagkabigo sa mga deals na pinasok nito. Siya rin ang unang naka-alam nang kasal na magaganap sa pagitan nito at ni Kate.
Alam niya ang pagtutol nito at pagayaw sa kasalang sinasabi ni Uncle Mario. Dahil nobya na nito si Lora nang mga panahong iyon. Kaya laking gulat niya nang biglang sabihin nito na lakarin niya ang dapat lakarin para sa pagiisang dibdib nito at ni Kate.
Aminado siya na nang makita niya ang 3 taon gulang na si Kate ay namangha talaga siya. Ang ganda nito sa suot na kulay dilaw na bestida habang naka pony sa magkabilang side ang buhok nito na may dilaw din na ribbon. Tapos ay namumula pa ang pisngi.
Hindi niya napigilan bigkasin ang salitang “Ang ganda niya” na naging dahilan para itulak siya ni Lance na galit na galit at sabihing “Akin siya” pagkatapos ay binawalan siyang pumunta sa mansiyon habang nandoon si Kate.
Nang sunod na makita niya si Kate ay nang sadyain niya ito sa Cebu para papirmahan ang marriage contract na pirmado na ni Lance. At kung namangha siya nang unang beses na makita niya ito. Wala iyon sa naging reaksiyon niya nang makita niya ang 16 years old na si Kate na naka-uniform pa nang humarap sa kanya at kausapin niya tungkol sa kasal nito at ni Lance.
May naramdaman siyang iba at aminin man niya o hindi humanga siya sa mapapangasawa ng best friend niya. Pero hindi niya iyon pinagukulan ng pansin at sinaway ang sarili dahil alam niya na gustuhin man niya si Kate ay hindi ito magiging kanya. Ayaw niya ring maging dahilan iyon nang pagkakasira ng pagkakaibigan nila ni Lance.
Kita niya sa mga mata nito ang saya nang malamang ikakasal na ito at pirmado na ni Lance ang marriage contract na agad din nitong pinirmahan. Kita pa niya ang pagpula ng pisngi nito nang usalin ang bagong pangalan nito “Katerina Luisa Medina Alonzo”.
“Philip.” tawag ni Uncle Mario sa kanya na nagputol sa pagiisip niya “Please help, Lance” anito na tumingin sa kanya “I made the marriage happen between Lance and Kate because I know that she loves him and pinanghawakan ko ang galit ng 8 taong gulang na Lance sa iyo at nang sabihin niya na kanya si Kate” anito na tila may alaalang gustong balikan.
“Naniniwala ako na hindi pakakasalan ni Lance si Kate kung hindi niya talaga gusto. Kilala mo ang kababata mo na iyon. Walang sinumang makapipilit sa kanya kung ayaw niya.” Patuloy nito at napatango siya bilang pagsangayon dito. Kung ayaw talaga ni Lance kahit na magkamatayan ay walang makapipilit dito.
“Hindi man ako sangayon sa ginawa niyang pagpapadala kay Kate sa US pero I know na he did the right thing. Nakabuti ang distansiya na iyon para sa kanila. Kung hindi lang sana niya pinagpatuloy ang relasyon kay Lora” anito na pumikit at nang dumilat ay kita niya ang lungkot sa mata.
“Si Lora at ang lantaran relasyon nilang dalawa ang magiging malaking balakid para maging maayos ang pagsasama nila ni Kate. Isa itong anino na mananatiling nakasunod sa kanilang dalawa. He told me na he doesn’t have any plans to divorce Kate. It seems that he already made up his mind . And I told him that he should let go of her pero wala akong nakuhang sagot sa kanya.” Pagpapatuloy nito
“And based on his reaction tonight, he is slowly learning what is his true feelings for his wife but he will deny it. Dahil hindi niya matatangap na nagawa niyang saktan si Kate. Hindi dahil sa pinadala niya ito sa US. Nagawa niyang saktan ang asawa nang makipagrelasyon siya sa ibang babae.” Anito at napatango siya dahil tama si Uncle Philip. The worse sin a husband can do to his wife is to commit infidelity.