Chapter 20

1123 Words
Inis na inis pa rin si Lance sa Papa niya at kay Philip dahil sa ginawang pang-iinis sa kanya. Dumiretso siya sa mini bar kumuha ng brandy at saka diretsong ininum mula sa bote. Siya magseselos? Selos? Mga taong insecure lang ang nagseselos at kahit kailan ay hindi niya ramdam na may kulang sa kanya. Nagpapatawa ang Papa at si Philip nang sabihin iyon. Tingin niya ay walang masyadong ginagawang trabaho ang Assistant niya kaya marami itong oras para magisip ng mga kalokohan. Pero hindi ka nga ba nagseselos, Lance? Bulong ng isip niya. Hindi ba at halos gusto mo nang patayin si Doc nang hawakan si Kate? Asawa niya si Kate, kahit naman sinong lalaki ay hindi papayagan na may ibang hahawak sa mga asawa nila di ba? Pero she is not your wife in the true sense of the word. Hindi siya sa iyo, Lance. Tanging kapirasong legal na papel na may pirma ninyo pareho ang nagpapatunay na asawa mo siya. Pero she is not yours, alam na alam mo iyan. Hindi nga ba at nagfile na siya ng divorce na siya ring plano mo noong una. Ang babae na tinatawag mong asawa ay gusto nang makipaghiwalay sa iyo. “Lance” tawag ni Philip na nagputol sa pakikipagusap niya sa sarili. Tumingin siya dito at kita pa niya ang pinipigilan nitong ngiti. “What is our plan tomorrow?” Tanong nito “Same as I have said earlier. He will loss his license and his job” sagot niya dito “Hindi ba puwede na pagisipan muna natin ito?” Tanong nito “Baka nabibigla lang tayo at nagiging padalos dalos ng desisyon. Saka hindi ba magagalit si Kate once she learn na nawalan ng kabuhayan yong tao ng dahil lang sa paghawak sa kanya?” Magagalit nga ba si Kate? Hindi naman siguro pero paano kung magalit siya. Maaatim mo ba na magalit ang asawa mo sa iyo? Saka paano kung dahil sa gagawin niya ay mahirapan ang asawa at magkaroon ng problema sa trabaho. Iyong mga kasamahan niya baka sisihin nila si Kate at awayin. Pag nangyari iyon hindi malabong magalit talaga ang asawa sa kanya at ang malala baka tuluyan na talagang makipaghiwalay sa kanya. No, no, no. Nakarinig siya ng impit na tawa at namalayan niya na umiiling iling na pala siya na naging dahilan ng impit na pagtawa na naman ni Philip. Tinignan niya ito ng masama at nag peace sign naman ang loko na kitang kita ang amusement sa mukha. “Okey, don’t do anything for the meantime. Let me check with Kate first” aniya dito “Okey, noted sir” anito na lalong lumawak ang ngiti sa sinabi niya at nakaramdam siya ng inis alam niyang may kahulugan ang ngiti na iyon “Stop it” saway niya dito. Tumigil naman ito sa pagngiti at tumingin sa kanya. “Now that you let the cat get out of the bag. What is your next plan?” Seryosong tanong nito sa kanya at alam niyang ang ibig sabihin nito ay ang pagsabi niya sa g@gong Doctor na iyon na asawa niya si Kate at sa harap ng iba pang kasamahan ng asawa sa trabaho. “I know kung ano ang ginawa ko kanina, Philip.” seryosong sabi niya dito at tinignan ito sa mata “The moment I decided na sunduin siya from that KTV bar, I knew already that this will happen. The possibilty that people will finally learn who is Mrs Lance Joseph Santos Alonzo” “And tama ang sinabi mo, I’m acting differently this past weeks. The divorce disrupted my so called peaceful life and after seeing her my so called sanity got disrupted too. After learning she filed for the divorce I really don’t know what to do” “I admit that my original plan is to divorce her after she graduated but she beat me to it and tama rin si Atty Alex there is no need to prolong the process I can easily signed it and then marry Lora as I have planned. But when I saw her again it changes everything.” “Aaminin ko sa iyo na she woke up an old memory that reminds me of yellow dress and ribbon. And it hit me she is mine, she is my wife. Akin ang babaeng may bilogang mata na hindi ko pa man alam na siya pala si Kate ay nagawa na niyang guluhin ang isip at ang buhay ko.” “I inted to keep her, Philip. To make this marriage work. Sinabi ko na kay Papa na walang divorce na magaganap. Although pinapakiusapan niya ko to let Kate go pero hindi ko gagawin iyon. And I asked her to give me a chance, to give our marriage a chance” “May sagot na ba siya sa hinihingi mo?” “We never get the chance to talk again. Alam mo na masyado tayong naging busy sa office” aniya dito na bumuntong hininga “I can only see her when I came to our room para maligo. I don’t trust my self when I’m alone with her.” “Bago iyan ha? Si Lance Alonzo hindi confident at natatakot na makasama ang asawa sa iisang lugar na sila lang” amused na sabi ni Philip “Ewan ko, Philip but she has the tendency to make me lose control” “Mahal mo ba siya?” Tanong nito sa kanya. Tumingin siya dito “Hindi ko pa alam but I feel a strong attraction towards her” pagamin niya dito. “Pagisipan mong mabuti, Lance. Don’t make any decision na hindi ka sigurado. I may not agree with the way your handling this pero naniniwala ako na alam mo kung anong ginagawa mo and that your well aware what will be the circumstances.” Anito na tinapik pa siya sa balikat. “So bukas ang headline for sure ay ikaw na naman. How do you want us to handle that” “I think we should just let it as it is. I already got my goal for the world to know that Katerina Luisa Sy Medina is married and I’m her husband. That she is Mrs Lance Joseph Santos Alonzo and she is my wife” seryoso niyang sabi dito. Ngumiti si Philip sa kanya at dumeretso na ito palabas ng bahay. Now what? Tanong niya sa sarili. You already admitted na kasal ka na. Ika nga ni Philip the cat is out of the bag. Yes and that cat is mine, napatawa siya sa naisip. Ngumiti siya ng marealize na bukas he will no longer be lable as bachelor but he will be label as a married man.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD