" Kaya ako nagpunta rito ay dahil gusto na kitang isama." diretsong wika ni Kendrick. "Isama?Saan?" "Sa San Simon." "Ano? Anong gagagwin ko roon?" "Hindi ko rin alam. Basta gusto kitang isama roon. Pakiramdam ko, masasagot ang lahat ng tanong sa isip ko kung madadala kita roon." "H..hindi ko pwedeng iwan si Ryan. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, baka namatay na ako sa islang kinapadparan ko." "Isla?" "Kendrick kailangan malaman mo na may diperensiya ako. Wala akong matandaan sa nakaraan ko." "Ha?" "Nagising ako sa isang isla na walang nakatira. Hindi ko alam kung paano ako napadpad doon. Siguro ay pasahero ako ng isang lumubog na barko. Pero possible rin na may sumalbahe sa akin at itinapon ako sa dagat. Ewan, hindi ko alam. Wala akong maalala." Hin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


