bc

Is it too late to fall inlove? (by zorah)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
bold
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

May pagmamahal bang mabubuo sa kasal na bunga ng pikot at kasinungalingan?Nakatakda ng ikasal si Zach kay Donna. Ang kasal ay kasunduan ng bawat pamilya. At mahal din nila ang isa't isa. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay may lihim na pagtingin si Stacey kay Zach. Ang pinsan ni Donna at itinuturing niya rin na nakababatang kapatid.Kayang gawin ni Stacey ang lahat huwag lang matuloy ang kasal. Kahit pa magsinungaling at pikutin niya ang lalaki. Nagtagumpay man siyang makasal dito, nawala naman sakanya ang lahat. Ang kanyang pamilya, marangyang pamumuhay at kaligayahan. Higit pa sa lahat ang araw araw na galit na nakikita niya sa mata ng asawa.Sa dami nang paghihirap na kanyang naranasan, natuto na siyang tanggapin na hindi sapat ang pagmamahal niya to make Zach love her. Unti unting napalitan ng galit ang bawat sakit na naramdaman niya.She then decided to let him go. Ngunit bakit nang makuha ni Zach ang kalayaan na matagal niya ng gusto ay saka niya naman hindi kayang bitawan ang asawa. Huli na nga ba para kay Zach na aminin ang kanyang nararamdaman?

chap-preview
Free preview
Arraged marriage
"Thank you so much grandpa, you know how much I love Zach and I really wanted to marry him" wika ni Donna na humalik pa sa pisngi ng kanyang lolo. Magkakilala na sila ni Zach simula pagkabata. Noon pa man ay gusto niya na ito lalo pat nag iisang tagapagmana ito ng kanilang pamilya. Hindi naman siya nabigo dahil nabihag niya ang puso nito at sang ayon ang kanilang mga pamilya na ikasal sila. Masaya ang lahat sa announcement ng kanilang kasal. Dumalo ang kanilang mga pamilya, malalapit na kaibigan at business partners. Maraming naniniwala na mas magiging makapangyarihan ang parehas na pamilya kapag natuloy na ang kasal. Kaya naman maraming mga negosyante ang pilit na kinukuha ang kanilang loob. Si Stacey lang yata ang hindi masaya sa party na iyon. Siya ang pinsan ni Donna. Magkapatid ang kanilang mga ama na anak ni Don Rafael Salcedo. Close sila ng kanyang pinsan, halos kapatid na rin ang turing nila sa isa't-isa. Lahat ng desisyon ng kanyang ate Donna ay sinusuportahan niya maliban sa pagpapakasal kay Zach. Dahil lihim siyang umiibig dito. Kung siya lamang ang panganay na apong babae marahil ay may pag-asa na sila ni Zach ang ipagkasundo, ngunit mas bata siya ng tatlong taon sa kanyang ate. Bukod pa dito, ang Uncle Robert niya rin ang panganay na anak kaya noon pa man ay mas marami na itong nakukuhang pabor mula sa kanilang lolo. Kahit ang kanyang ama na si Renato Salcedo ay madalas sunud sunuran dito. Gusto niyang maluha habang nakatitig sa kanyang ate at kay Zach na kita namang mahal na mahal ang isa't isa. Noon pa man ay may gusto na si Zach sa kanyang ate at siya pa ang naging tulay para maging mag boyfriend sila. Ngunit hindi niya napapansin na dahil sa closeness nila ay nahulog na pala siya sa binata. Madaming beses niyang hiniling na sana siya nalang ang nagustuhan nito at hindi ang kanyang ate Donna. Habang nakatitig sa dalawa ay hindi niya namalayan ang paglapit sakanya ng kanyang mga magulang. "Stacey, look at your are Donna, ang swerte niya dahil isang Montemayor ang mapapang asawa niya. Dapat siya ang tularan mo. Bukod sa matalino at respetadong babae kaya naman kahit sinong lalaki ay siguradong magkakandarapa na pakasalan siya" wika ng kanyang ama. Noon pa man ay madalas na siya naikukumpara sa kanyang ate. Sa totoo ay ito ang idol niya ngunit madalas na rin siyang naririndi na kahit ang mga magulang niya ay mataas ang paghanga dito habang siya naman ay wala nang magawang matino sa paningin ng mga ito. "Anak, if you wanted to have a good life in the future, make sure to find a man like Zach. Stop wasting your time sa mga lalaking hindi mo naman ka level na pera lang ang habol sayo. At magpakatino ka. Pasalamat ka nalang at ipinanganak kang Salcedo dahil kung nagkataong galing ka lamang sa ordinaryong pamilya ay siguradong wala kang mararating" masasakit na wika ng kanyang ina. Minsan ay naiisip niyang hindi siya tunay na anak ng mga ito. Simula pagkabata ay wala nang itinatak ang mga ito sa isip niya kundi ang maging number 1 sa lahat ng larangan dahil isa siyang Salcedo, ngunit sa tuwing hindi niya nagagawa ang kanilang expectation ay grabe ang dinadanas niyang masasakit na salita sa mga magulang. Madalas ding wala ang mga ito kaya naman lumaki siyang mas close pa sa kanyang yaya Lorna. "Mom, Dad do you really have to insult me just because Ate Donna got engaged to the son of the most richest family in the city? Come on Dad, huwag niyong isisi sakin yung mga favor na hindi ibinigay sainyo ni Grandpa just because incompetent din yung tingin niya sa inyo. Ofcourse, grandpa will choose ate Donna over me dahil mas may pakinabang si Uncle Robert sa mga businesses ni Grandpa" sagot niya sa ama. Noon ay takot na takot siyang sumagot dito ngunit sawa na siyang lagi na lamang pinagbubuntunan ng galit. Galit na galit ang muka ng kanyang ama sa mga sinabi niya. Epekto na rin ng alak kaya mas naging halata ang pamumula ng muka nito. Hinablot siya nito sa braso at simpleng binulungan. "Be thankful na maraming tao dito, if not, kanina pa kita nasampal" saka naman siya binitiwan nito mula sa mahigpit na pagkakapisil sa kanyang braso. Bakas pa sa braso niya ang mga daliri ng ama. "Stop it honey, baka makita kayo ni Papa. And you Stacey, if I were you, mahilig ka lang din naman makipag flirt sa kung sino sino bakit hindi nalang sa anak ng mayayamang bisita ka nalang natin makipag kilala" at binigyan siya nito ng matalim na tingin. Sobra sobrang emosyon na ang kanyang nararamdaman. Mas minabuti niya na lamang na umalis sa party na iyon. Nag text na lamang siya sa kanyang ate na masama ang kanyang pakiramdam at kailangan niya ng magpahinga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook