bc

THE TRANSIENT OTHER HAFT (SPG)

book_age18+
504
FOLLOW
13.0K
READ
billionaire
HE
forced
dominant
stepfather
heir/heiress
drama
mystery
loser
harem
polygamy
like
intro-logo
Blurb

‼️ WARNING-RATED 18‼️Ako si Melchora at walang permanenteng trabaho. Pero ang sabi ng iba ay mukha na akong singkwenta anyos. Dahil hindi naman talaga ako maganda. Losyang na raw ako kahit ang bata ko pa. Maitim ang kulay ng balat ko at kulot na kulot ang buhok ko na hindi na ata humahaba.

Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko 'nong ikasal ako kay Cruz Mayer. Isang bilyonaryo, ngunit nagkaroon siya ng tatlong dating asawa.

Pakiramdam ko ginagamit lang ako ni Cruz para layuan siya ng kanyang mga dating asawa. May sakit si Cruz at 'di ko alam kung dapat ko pa bang ituloy na pakisamahan siya. Gayong, sobra na akong nasasaktan. Pagod na ang katawan ko, ang buong kaluluwa at maging ang puso ko. Saan ba ang lugar ko sa buhay at puso niya?

chap-preview
Free preview
PROLOGO
‼️ WARNING: RATED - 18 ‼️ DISCLAIMER: Ang istorya pong ito ay likha ng malikot na imahinasyon ko. Pawang fictional lamang po ang nilalaman nito. Kung may pagkakapareho po ng names, lugar at pangyayari ay hindi ko po sinasadya. May mga scene at mga salita na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Rated-18 : Read at your own risks ‼️ PROLOGO KIMI akong nakaupo sa harapan ng lalaking mataman na nakatitig sa akin. Nahihiya ako humarap dahil ang guwapo niya. Kaya nakayuko lang ako habang kanina pa niya ako pinagmamasdan. 'Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito habang nakatitig ito sa 'kin. Pumunta ako sa opisina niya para makiusap na iurong niya ang demanda niya sa tatay ko. Kinasuhan niya ng pagnanakaw si tatay na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Kilala ko ang tatay ko, malabong gawin niya ang magnakaw ng pera at lalo kung ganoon kalaking halaga. "Be my wife, Melchora. Then I will free your father from prison," paulit ulit ko iyong naririnig sa tenga ko habang nasa harapan ko si Cruz Mayer. Ang bilyonaryong nagmamay ari ng mga establishimento sa lugar namin. Nahinto ako sa aking pag-aaral dahil wala ng tutustos sa aking mga panggastos. Nakakulong ang tatay ko at ang nanay ko ay hindi nakayanan ang nangyari sa buhay namin at nawala na siya. Hindi pa alam ni tatay na wala na si nanay. Dalawang buwan na ang nakakaraan nang mawala ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. "K-Kailangan ko po bang pakasalan kayo? I mean, 'yong totoong kasal." Inosenteng nauutal kong tanong kay Cruz. Hindi ko alam kung ano ang magiging ganap ko sa buhay niya at kung bakit ako ang napili nitong maging asawa. 'Di ako maganda, kagaya ng mga nauna nitong dating mga asawa. Kilalang kilala siya sa buong bansa at alam ko na nagkaroon na ito ng tatlong asawa. At kung papayag ako na maging asawa nito, pang-apat ako sa magiging asawa niya. Kaya ko kayang gampanan ang pagiging asawa ng isang bilyonaryong si Cruz Mayer? "Yes. At kung papayag ka ngayon, ngayon din ay palalabasin ko ang tatay mo sa mula kulungan. Pero, bago ko siya ilabas ay ikakasal muna tayo. Maninirahan ka kasama ko sa mansyon ko," sagot nito sa akin. Sa tono ng pananalita nito planado na niya ang lahat at parang wala ako karapatang makakatanggi pa sa kanya. Ang mahalaga naman sa akin ay makalabas ng kulungan si tatay. Nakikita kong hirap na siya sa loob kahit na ngumingiti ito sa tuwing dadalawin ko siya. Naghihirap din ang kalooban ko sa nangyari sa aming pamilya. Parang ako ang naghatid sa kanila sa ganoong sitwasyon. Siguro nga malas ako sa pamilya ko gaya ng sinasabi sa akin ng mga kamag-anak nina nanay at tatay. "K-Kasama po ba sa tungkulin ko bilang asawa ang ano po.." napayuko ako na hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin iyon. "Iyon pong ano...," hirap na hirap talaga akong sabihin iyon. Paano ko ba madaling sabihin ang tungkol sa magsisiping kami? Napapakamot na lang ako sa aking ulo saka nagyuko na lamang sa pagkapahiya kay Mr. Mayer. "Miss Melchora Pasanin, could you please look into my eyes and tell me what you want to say?" Maawtoridad na sabi ni Mr. Mayer. Ramdam ko na pinanginidan ako ng buo kong katawan nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Parang iba sa aking pakiramdam, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya. "M-Magse-s*x po ba tayo?" Na-uutal kong tanong na 'di ko pa rin kayang tumingin sa mga mata niya. Para kasi akong hinihigop ng mga mata niya palapit dito. Baka na lang ako himatayin sa harapan niya, nakakahiya talaga itong mga naiisip ko. Nakita kong nagtaas ito ng sulok ng kaniyang labi. Saka napahawak sa labi niya at tumitig na naman sa akin. "Diyos ko po. Ano po ba itong papasukin ko? Hindi ko po ito gagawin kung hindi nakakulong ang tatay ko. Patawarin niyo po ako." Nausal kong dasal sa isip na napapikit na lamang ng aking mga mata. "You will be my wife. And, I'll make sure to get what's rightfully mine." Biglang nagmulat ako ng aking mata nang marinig ko iyon. Ano raw? "Ho? P-Puwede pong pakiulit?" Agad nanlaki ang mga mata ko. Para akong tanga napatanong bigla. Naging bingi na ata ako at hindi ko narinig ang sinabi niya. "Do you really want me to repeat what I've said, Miss Pasanin?" balik na tanong nito sa 'kin at kumibot ang labi niya. Napatulala ako sa paggalaw ng labi niya. Natuon na lamang ng matagal ang tingin ko ro'n at hindi na ako nakagalaw. Ngumisi siya. Nasa lagpas kwarenta na ang edad ni Cruz Mayer pero malakas pa rin ang dating nito, mapabata, medyo may edad ng kaunti sa akin, at sa mas matanda sa kanya. Ganito ba talaga siya sa lahat ng babaeng nakakausap niya? Inaakit sa mga tingin palang at sa paggalaw ng labi nito. Una mo agad mapapansin ang kulay abo niyang mga mata at ang labi nito na mapula at manipis, parang masarap halik halikan. "E, kasi po hindi ko po nakuha ang ibig ninyong sabihin. Di ba, sabi niyo pakakasalan niyo ako kalapit ng pagpapalaya niyo sa tatay ko? Hindi niyo naman ako mahal para maging sa inyo. Gusto ko pong lalaking mahal ko ang makauna sa akin, Mr. Mayer." Pasimpleng kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Why not? Kahit 'Di kita mahal, bayad mo na 'yon sa kinuhang pera ng tatay mo sa akin. Kaya humanda ka sa araw ng kasal natin. I want you in my bed after the wedding." Napapikit ako. Parang gusto ko 'yon. Pero, sh*t parang hindi ako marunong. Wala pa nga akong karanasan. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko habang naiisip ko na nasa ilalim ako ni Mr. Mayer. Ano ba itong mga naiisip ko? Iyong magiging asawa ko ang pinakamayamang lalaki sa lugar namin parang 'di ko inaasahang mangyayari sa akin. GAYA ng napagkasunduan namin kahapon ni Mr. Mayer. Ngayong araw ang kasal namin sa judge. Present ang attorney na si Mr. Manuelito Panday, Judge Nilo Altariz, ang magkakasal sa amin, at si Kuya Ross, driver ni Cruz na magiging witness namin sa kasal. 'Di ito ang pinangarap kong kasal. Ang pangarap ko ay garden wedding, andoon ang pamilya buong pamilya ko. Malabo na nga lang mangyari 'yon dahil wala na ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko, si nanay. Tumulo ang luha ko sa sulok ng aking mga mata. Agad ko iyong pinunasan nang makitang palapit ang aking groom. Ang guwapo talaga niya. Naka-black suit siya at may itim na sun glasses sa mata. Teka lang, parang pampatay naman ata ang outfit niya. Kasal namin tapos parang panglamay sa patay ang suot ni Mr. Mayer. Alam ko na hindi ako maganda, maitim at puro taghiyawat ang mukha ko. Pero parang hindi ko naman deserve na ganoon ang suot ng groom ko sa kasal namin, kahit pa sa judge lang. "Miss Pasanin, can you sign these documents? sabi ni Atty. Panday. Inilahad niya sa akin ang ilang papel. Binasa ko iyon at napaamang akong napaangat ng tingin sa kanya. "That's a prenuptial agreement. Nakasaad d'yan na magiging asawa ka ni Mr. Mayer sa mga panahon na kailangan ka niya. It means na siya lang ang may karapatan makipaghiwalay sayo." "Hala! Bakit naman pong ganoon?" Kontra ko. "Si Mr. Mayer ang mismong may gusto nito, hija." Wala na akong naidugtong pa sa naisagot ni Atty. Panday sa akin. Napatingin ako sa gawi ng aking magiging asawa. Bahagya itong ngumiti sa akin, hindi naman napipilitan pero parang may kakaibang tumatakbo sa isip. "If ever na magkakaroon kayo ng anak ay hindi mo puwedeng isama sa'yo ang magiging anak mo. Ang lahat ng karapatan ay kay Mr. Mayer lamang." Tinanggalan na ako ng karapatan sa lahat pati sa anak ko. "Pero, sa oras na makipagdiborsiyo sayo si Mr. Mayer makakatanggap ka ng dalawampung milyong piso bilang danyos at ang anak niyo ay mapupunta sa kanya. Whatever happened to Mr. Mayer, wala kang matatanggap na mana sa kanya kahit piso," sabi pa ni Atty. Panday. Napatingin ito sa akin. "Maliwanag ba ang mga kasunduam sayo, Miss Pasanin? Kung wala ka ng tanong ay maari mo ng pirmahan 'yang mga papel na hawak mo." Tinititigan ko ang papel habang hawak ko ang ballpen. "Ano po bang mangyayari kung hindi ko pipirmahan ang mga kasunduang 'to?" Napaangat ako ng tingin kay atty. 'Di ko naman habol ang pera ng bilyonaryong 'yon. Ang gusto ko ay makalabas sa kulungan ang tatay ko at makasama ko pa siya ng mas matagal. "Simple lang naman. Hindi makakalabas sa kulungan ang tatay mo. And he will spend his remaining days inside the jail for the rest of his life. Dinig ko nagkakasakit na Mr. Pasanin. Kaya mo bang maatim na makitang unti unting namamatay ang tatay mo sa loob ng kulungan?" Natigilan ako at parang may kung ano sa puso ko na nagpakirot niyon. Kaya ko nga isasakripisyo ang sarili kong kaligayahan para sa tatay ko, tapos nagdadalawang isip pa ako. Ayokong may mawala pa sa magulang ko. Si tatay na lang ang mayroon ako. "Pipirmahan ko na po," pagpayag ko sa prenuptial agreement. Wala naman akong choice kung hindi tanggapin ang kasunduan. Ang tatay ko ang importante sa akin, bahala na kung makulong ako sa lalaking hindi ko naman talaga mahal. At napilitan lang ba pakasalan ako. Siguro'y 'pag napag-isip isip nito na mali ang desisyon nitong magpakasal sa akin. Hihiwalayan din ako ni Mr. Mayer. Walang masyadong seremonyas ang aming kasal. Ni hindi kami nagkiss. Nakakatawa, pumirma lang ako sa papel tapos inaya na ako ni Mr. Mayer na umalis. Ito ang part na kinakatakutan ko. Kanina pa ako nag-aantanda habang nasa loob ng banyo si Mr. Mayer. Naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa loob. Kapit na kapit ako sa kumot habang nakaupo sa kama. Napahinga ako ng malalim habang nakapikit ang aking mga mata. Good bye, virgin na ba ako? Bukas wala na ang iniingatan kong puri. Gusto kong maiyak pero pinipilit kong magpakatatag. Pabalik balik ako sa rason ko kung bakit ko ito ginawa, para ito sa tatay ko. Nahigit ko ang aking paghinga nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Tapos ma siyang maligo. Napatingim ako sa pintuan ng banyo, nakatayo roon ang akinh asawa. Nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibaba habang pinupunasan ang kanyang basang buhok ng isa pang tuwalya. Tumutulo pa ang tubig na nanggaling sa kanyang buhok, pababa sa leeg nito. Pagkatapos ay bumaba sa matipunong dibdib nito at dumiretso pababa sa tiyan. Napalunok ako nang mapatingin ako sa may gitna na natatakpan ng tuwalya. Para akong pinagpawisan. Bakit parang uminit sa loob ng hotel room na tinutuluyan namin ngayong gabi? "You will not take a bath?" Kaswal na tanong sa akin ni Mr. Mayer. "Nakaligo na po ako bago ang kasal natin," sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang umasim ang mukha ni Mr. Mayer sa isinagot ko. "Go, Mel. Maligo ka. Nagpalagay aki ng pambabaeng hygiene kit sa loob ng banyo. May damit ka rin diyan sa may cabinet. I want you to wear the red lingerie that I bought yesterday." Nalaglag ang panga ko. Ibig sabihin ba 'nun siya ang bumili ng mga damit ko? "Ano pang hinihintay mo, Mel? Kilos na! Baka gusto mo ako pa ang magpaligo sayo," sigaw nito na ikinataranta ko. Nabitawan ko bigla ang kumot at napatayo sa kama. "May problema po ba sa suot ko? Binili ko pa ito sa ukay ukay kahapon." Natampal sa sarili niyang noo si Mr. Mayer. "Huwag mo na akong poin. Asawa mo na ako. Masanay ka ng tawagin ako sa pangalan ko. Now, go to the bathroom and take a bath!" Muling sigaw niya na ikinagulat ko. Bumaba ako sa kama at pumunta sa cabinet. Nang binuksan ko iyon ay nakita ko agad ang sinasabi nitong red lingerie. Kinuha ko iyon at pumasok na sa loob ng banyo. Narinig ko pa ang pag-tssk ni Mr. Mayer bago ko isarado ang pinto. Napatagal ata ako sa banyo kaya kinatok na niya ng malakas ang ang pinto. "Hindi ka pa ba tapos d'yan sa loob? Ang tagal no naman," ramdam na ramdam ko sa boses niya ang pagkairita sa akin. "Lalabas na po." Muli kong sinipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Ito ba talaga ang susuotin ko? Pero, sabi ni Mr. Mayer red lingerie raw suotin ko. Kakapiraso lang ang telang 'to pakiramdam ko walang natakpan sa bahagi ng katawan ko. Bakit hindi pa niya ako pinaghubad? Sh*t! Nanlalaki ang mga mata ko....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook