NAILIBING si nanay na hindi nalalaman ni tatay. Mas maganda sigurong 'di niya malaman. Dahil alam kong magugulo lang lalo ang isip nito habang nakakulong. At lalong baka maging sanhi rin nawala ito sa akin. Ayokong mayroong mawala pa sa pamilya ko. Isang linggo akong hindi nakapasok sa University, napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. 'Di ko na alam kung paano pa ako makakahabol sa mga aralin para muling mapataas ang grades ko. Nakayuko akong nakaupo habang nakatingin ang dean sa akin. "Miss Pasanin, alam kong marami kang pinagdadaanan ngayon at nalulungkot ako sa pagkawala ng nanay mo. Pero sana hindi mo pinababayaan ang pag-aaral mo. I am very disappointed with you. Lahat ng academics mo ang baba ng mga nakuha mong grades sa exams," sunod sunod nitong sabi. Kita ko ang pagkadismaya nit

