TRIAL AND ERROR

1032 Words

Mel's POV NAGTATAKBO ako hanggang sa makalabas ako ng ospital. Napatigil lamang ako sa pagtakbo nang nasa gilid na ako ng kalsada at nakitang maraming sasakyan ang dumadaan. Walang tigil pa rin ang pagtulo ng luha ko. Para akong nanlamig noong malaman kong may isang buwan na lamang si tatay na mabubuhay kasama ko. Tumawid ako ng kalsada habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad sa paglalakad kong ito. Napadpad ako sa parke. Nakaramdam ako ng pagod at napaupo sa isang bench. Napayuko ako at humagulhol ng iyak. Muli kong pinalaya ang masaganang mga luha ko. Napatingin ako sa mga batang naglalaro sa parke. Masasaya ang mga mukha nila, wala silang ginawa kundi ang maglaro, maghabulan at magtawanan. Wala pa silang alam sa totoong mundo na ginagalawan nila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD