Mhizzi's P.O.V Pag gising ko feeling ko kinakapos ako ng hininga.. Nag inhale exhale ako para makahinga ng ayos.. Bumangon na ako at ganun nalang ang gulat ko ng nasa park parin pala ako.. Ano bang nangyari? Napahawak ako sa leeg ko.. Ang huli kong natatandaan ay sinakal ako ni Sir Ronald.. Nanlilisik ang mata niya sakin at galit na galit... At may tumawag sakin.. Babae siya.. Pero Sino yun? "Mhizzi!!! Buti gising ka na! Akala ko patay ka na.. Oh eto tubig!" Nagulat ako sa taong lumapit sakin.. Bahagya akong umatras palayo sa kanya.. "O-okay ka lang? Bakit ka lumalayo sakin?" Sabi niya ulit Di ako makapaniwala.. Buhay na ulit siya! "Junnetttttttttt!!!!!!!!!" Sigaw ko at niyakap siya! Tumulo bigla ang luha ko.. Naalala ko kasi yung itsura niya nung namatay siya... Humiwala

