Grace's P.O.V Pag gising ko ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko at ang bigat din ng pakiramdam ko.. Ang sakit din ng ulo ko. Tinignan ko ang paligid ko at nasa ospital pala ako.. Ano bang nangyari? "Grace?" Nagulat ako sa taong tumawag sakin.. "C--Charles?" Kinusot kusot ko pa yung mata ko dahil baka namamalikmata lang ako.. Pero Hindi.. siya nga yun.. "B--buhay k-ka?" "Hahaha! Malamang buhay ako! Ano tingin mo sakin patay na? Oy Muntik ka na ngang masagasaan kagabi eh.. Pasalamat ka dumating ako at niligtas kita.. Hays Ang pogi ko talaga!" Sabi ni Charles Bigla ko nalang naalala yung kwento sakin ni Caryl.. Mabubuhay sila ulit pero wala na silang naaalala sa nangyari. Pero pano siya nabuhay? "Oyyy! Natulala ka na sa kapogian ko" sabi niya ulit sabay pogi sign. Tss.

