Chapter 38

4255 Words

LUISEE Kinabukasan ay aligaga si tatay ng gumising ako. Hindi ito magkandatuto kung ano ang uunahing gagawin nito. Pinagmamasdan ko lang ito sa ginagawa nito habang nagluluto ako ng almusal. Nang matapos ako sa pagluluto ay hindi ako nakatiis na tanungin ito kung bakit para itong nababahala. "Tay, may problema po ba?" tanong ko rito habang nagpupukpok ito ng bintana sa labas ng bahay. "Hindi ka ba nakikinig ng balita anak? May paparating na bagyo. Nakita mo naman ang mga kapitbahay natin na abala sa gagawin nilang pangharang sa malakas na hangin. Kailangan nating maghanda." Paliwanag nito. Nang sinabi nito iyon ay tumingala ako para tingnan ang kalangitan. Payapa naman ang mga ulap. Wala namang nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Isa pa, ilang beses ng tinatamaan ng bagyo ang Isla namin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD