Earl "What the hell you're thinking, pa? Bakit kailangan mo pa imbitahin si Haru sa araw ng engagement party ko? Ngayon naman pati sa family dinner natin. Nagugulo na ang tahimik naming relasyon ni Lui ng dahil sa kan'ya. I can't believe you, pa. You betrayed your own son. You betrayed me." Puno ng hinanakit na sabi ko kay papa na ngayon ay tahimik lang na nakatayo at nakadungaw sa bintana. Pagdating ko ay ito agad ang pinuntahan ko. Sinisisi ko ito kung bakit ngayon ay nagugulo na ang relasyon namin ni Lui. Our relationship is almost perfect. But when Haru showed up, ang relasyon na pinahalagahan at pinangalagaan ko ng mahigit tatlong taon ay unti-unting nawawasak dahil sa pagpapakita niya. Humarap ito sa akin. Nagsusumamo ang mga tingin na ipinukol nito sa akin. Marahil ay ramdam

