Chapter 51

2710 Words

HARU Mataman kong pinagmasdan ang maamo niyang mukha habang mahimbing na natutulog. Gusto ko na lang pagmasdan iyon ng buong gabi. Alas-tres na ng madaling araw ay gising parin ako. Sabay kaming natulog ng matapos ang aming pag-iisa. Nagising lang ako ng may gumalaw sa tabi ko. Nasanay kasi ako na walang katabi matulog kaya parang naninibago ako na may katabi na ako sa kama ko. Marahan kong hinaplos ang makinis niyang mukha. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasama ko na ang babaeng halos ikabaliw ko sa paghahanap ng sampung taon. Ang buong akala ko ay mahihirapan pa akong pasamahin ito sa akin. Ngunit nagkamali ako dahil wala man lang itong kaimik-imik na dinala ko rito sa aking condo. Hindi nga nito nagawang mag-protesta ng hinalikan ko ito sa talyer at sa elevato

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD