LUISEE Para na akong sinisilyaban dahil sa init ng katawan ko. Konting init pa ay baka magliyab na ako. Ito namang lalaking nasa harap ko ay hindi pinagsasawaang halikan ang labi ko. Hindi pinapakawalan simula ng maupo kami sa sofa. Nanatili parin ako sa kandungan niya. Hanggang sa muling naglakbay ang mga kamay niya at pumailalim sa damit ko. Malaki ang damit na suot ko kaya wala itong kahirap-hirap na ipasok ang malaki nitong palad doon. Napasinghap na lamang ako ng hawakan niya ang dibdib ko na agad inukupa ng malaki niyang palad. Kakaibang sensasyon ang dulot niyon sa akin. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na aabot sa puntong basta na lamang ako bibigay sa taong hindi pa nga ako pinapakasalan. Iyon ang pangako ko sa sarili ko, ang magpaangkin sa lalaking magiging asawa ko. Pero

