LUISEE Parang wala yatang balak si Haru na pakawalan ang labi ko kahit pareho na kami kinakapusan ng hininga. Naramdaman ko na rin ang paglalakbay ng kamay nito. Mas lalo pa ako nitong hinapit sa aking bewang. Napahawak ako sa magkabilang gilid ng laylayan ng damit nito na mukhang galing pa sa opisina dahil sa suot nito. Naramdaman ko ang mainit na palad nito sa aking bahagi ng tagiliran. Nakikiliti ako sa bawat dampi ng palad nito sa aking balat. Naipasok na pala nito ang kamay sa aking damit na ngayon ay unti-unting umaakyat paitaas sa aking dibdib. Natigil lang kami sa aming ginagawa ng bumukas ang lift ng elevator. Para kaming napaso sa isa't-isa na mabilis na kumalas sa pagkakayap at inayos ang sarili na parang walang nangyari. May pumasok kasi na dalawang couple. Nagpapasalamat

