HARU Titig na titig ako sa monitor ng aking laptop. Kung paano ko siya titigan kapag malapit siya ay ganun din ang ginawa ko sa screen kung saan kitang-kita ko na lumabas siya sa elevator. Nang gabing nagkita kami ni Earl ay sinabi niya na ako talaga ang mahal ni Lui kaya nagawa niyang isuko si Lui. Hindi niya kayang maging masaya kung nalulungkot naman si Lui sa piling niya. Doon ko rin nalaman na si Syke pa pala ang naghatid sa opisina ko. Kaya naman pagpasok ko ng opisina ay tinawagan ko ang head ng security na may hawak sa loob ng cctv area. Kahit walong buwan na ang nakakalipas ay pinagtyaga kong hanapin sa kanila ang record ng araw kung kailan pumunta si Lui. Kapag hindi nila nakita iyon ay tiyak na alam na nila ang magiging kapalit. Wala akong sasantuhin ngayon maging ang sekre

