LUISEE Pagkahatid sa amin ni Syke sa bahay ay agad kong niyaya si George sa kwarto. Tanging kami lang ang tao sa bahay dahil nasa trabaho pa ang mga kuya nito. "Alam mo minsan naiinis din ako sa'yo Lui. Alam mo kung bakit? Padalos-dalos ka. Sana hinintay mo muna na lumabas kung sino ang babae na kausap ni Haru. Malay mo kaibigan, kapatid o kaya pinsan. Gusto kita sabunutan para matauhan ka. Matalino ka naman pero hindi ka nakakapag-isip ng matino. Dapat pala ginawa ko na noon palang. Pasalamat ka love kita." Sermon sa akin ni George ng mahiga kami sa kama. "Sorry," tanging nasambit ko. "Bakit ka sa 'kin magso-sorry? Dapat kay Haru. Grabe na ang sakripisyo sa'yo nung tao. Mahal ka pala pero pumunta pa sa inyo para lang masaktan? Ang tapang ni Haru hindi ba? Subukan mo naman maging ma

