Chapter 26

3993 Words

Chapter 26 Luisee's POV Maaga kaming gumising dahil inayos ng mga magulang ko ang mga dadalhin nila pauwi sa bicol. Kahapon, habang nasa labas kami ni Earl ay pumunta pala ang mga magulang ko sa bahay ng mga Quisedas. May mga pinadala raw kasi ang mama ni Earl na dadalhin sa bicol para kay Sir Ernest. Kasalukuyan itong nasa probinsya at naiwan lamang si Ma'am Violy dito sa Maynila dahil kay Earl. Habang tinutulungan silang mag-ayos, in my peripheral vision ay palagi akong sinusulyapan ni tatay. Baka iniisip parin nito ang nangyari ng nagdaang gabi. "Anak," tawag nito sa akin. Tumigil naman ako sa ginagawa. "Po?" "Tama ka nga," sambit nito. Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi nito. Hindi ko naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. "Ano'ng tama po ako?" tanong ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD