LUISEE Salubong ang kilay at panay ang tingin ko sa aking pambisig na relo. Hindi na nga yata maipinta ang mukha ko. Kanina pa ako naghihintay at hanggang ngayon wala man lang tawag o text akong natanggap mula sa kan'ya. Ang sabi niya ay tatawag siya. Pero ano'ng oras na ay wala parin ako kausap hanggang ngayon. Iniisip ba niya na kaya ko maghintay sa kan'ya? Hindi ako katulad niya na matiyagang naghihintay. Mainipin ako. Hindi na ako nakatiis ay tumayo na ako. Papasok na ako sa shop. Hindi ko na siya kayang hintayin. "Lui, where are you going?" tanong ni Drixx nang tumayo ako. "Papasok na ako sa shop," nakasimangot kong tugon. "Pero ang sabi ni Haru h'wag kang paalisin hanggat hindi pa siya dumarating." Sabi naman nito. Nakapamewang na hinarap ko ito. Hindi ko rin napigilan na

