LUISEE Nakakailang hikab na naman ako habang naglakakad. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay ilang gabi na akong hindi nakakatulog. Isa lang naman ang dahilan ko kung bakit hindi ako makatulog. Si Haru lang naman na walang malay. Iniisip ko rin ang mga huling sinabi niya bago siya umalis ng dorm. Hindi raw niya mapapalampas kung sino ang may gawa ng sulat na iyon. Kapag nalaman ni Haru kung sino ang may gawa niyon, dahil siya ang anak ng May-ari ng university, kaya niyang patalsikin sa campus ang gumawa ng sulat na iyon. Para sa akin naman ay nag-alala rin ako. Hanggat hindi naman ako nasasaktan ay ayos lang. Baka tinakot lang ako ng sulat na iyon. Gustuhin ko man iwasan si Haru ngunit hindi ko iyon magawa. Sa kan'ya parin ako tumatakbo, katulad ng kagabi. Hindi sa wala akong

