LUISEE Ilang beses ko pinasadahan ang sarili sa salamin. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakapag-suot ng ganitong damit. Sakto lang ang sukat niyon sa akin dahil para iyon sinadya sa aking katawan. Kulay puting Off Shoulder dress na hanggang kilikili ang manggas kaya kita ang aking braso. Hanggang tuhod ko naman ang haba niyon. Parang pang-summer outfit na pang-party ang tema ng suot ko. Maganda ang disenyo ng dress kaya kahit hindi ako nagsusuot ng ganitong dress ay nagustuhan ko iyon. Elegante kasi iyon tingnan. Tinernuhan ko naman iyon ng stelleto sandals na kulay puti na sa tingin ko ay dalawang pulgada ang taas. Mas okay na iyon para komportable rin akong maglakad. Alam ko na hindi pa ako ganap na dalaga dahil hindi pa ako tumutuntong ng 18 pero masasabi ko na may hubog na

