LUISEE 'Where are you?' iyon ang nabasa kong text mula kay Haru. Pinag-isipan ko pa kung sasagutin ko ang text nito o hindi. Ni-silent ko na rin ang cellphone ko para hindi ko marinig ang tawag niya. Kung sakali man na tanungin niya ako kung bakit hindi ko sinasagot ay may idadahilan ako sa kan'ya. Simula ng araw na yakapin niya ako ay nakaramdam na ako ng pagkailang kay Haru. Alam ko nagsisimula palang kami pero gusto ko na siyang iwasan. Hindi naman siguro dahilan ang pag-iwas ko para kausapin niya ang pumirma ng scholarship ko? Napakababaw na dahilan iyon. Kasalukuyan akong nasa canteen ng school. Ito ang pinili kong puntahan dahil hindi niya ako matutunton dito. Alam kasi niya na hindi ako kumakain dito sa canteen dahil mahal ang mga pagkain dito. Pero dahil gusto ko makaiwas sa k

