Chapter 59

3171 Words

LUISEE "T-Tay?" usal ko kasabay ang lumukob na kaba sa aking dibdib. Hindi ko inaasahan na luluwas si tatay. May alam na kaya siya sa amin ni Haru? "Lui," sambit ni George. Saka ko lang napansin na nandito pala ito sa loob. Sa sobrang gulat ko sa pagdating ni tatay ay hindi ko na ito napansin. Tumayo ito saka lumapit sa akin. Kakaiba ang tinging ipinupukol sa akin nito. Kung ano man iyon ay sigurado ako na hindi rin nito inaasahan ang pagdating ni tatay. "Maiwan ko muna kayo ni Tatay Leo. Hindi ko pa sinasabi sa kan'ya. Mas maganda na sa iyo mismo manggaling," sabi nito saka ako niyakap at marahang hinagod ang likod ko. "Kahit ano'ng mangyari nandito lang ako para sa'yo." Bulong nito sa akin bago kumalas sa pagkakayakap sa akin saka tuluyan ng lumabas ng opisina. Naiwan kami ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD