LUISEE Halos maghapon lang kami sa unit ni Haru. Hindi siya pumasok dahil gusto raw niya ako makasama buong maghapon. Natutuwa naman ako dahil kasama ko siya. Nagpaalam din ako sa kan'ya na kung maaari sana ay bumalik na ako sa pagiging kahera sa talyer ni Kuya Giro. Ayaw sana nitong pumayag nung una ngunit kalauna'y sumang-ayon na rin ito. Sinabi ko kasi rito na kailangan ko rin magtrabaho dahil magpapadala ako kay tatay. Isa pa sa dahilan ko ay nababagot na rin ako rito sa unit nito. "Sweety ko, kapag nagka-anak tayo, ilan ang gusto mo?" tanong sa akin ni Haru habang nanunuod kami sa flat screen tv nito sa sala. Nakaupo ako sa sofa at ito naman ay nakahiga habang nakapatong ang ulo nito sa aking hita. Marahan kong sinusuklay ang buhok nito gamit ang aking daliri habang nakatutok an

