LUISEE Tumingkayad ako para abutin ang mapupulang labi nito. Tutal kami lang naman ang nasa elevator dahil alas-dyes na rin naman ng gabi kami nakauwi kaya naman ay wala na kaming makakasabay sa elevator. Muli kong naramdaman ang pang-iinit ng aking katawan sa halik na binibigay nito. Naging malalim ang halik na ginawad nito sa akin lalo na at hinapit pa ako nito sa bewang. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng likod ko sa malamig na pader ng elevator. Unti-unting gumalaw ang kamay niya sa aking balat at matagumpay niyang napasok ang ilalim na suot kong damit gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ay nakahapit sa bewang ko at ayaw na yata akong pakawalan dahil sa pagkakahawak nito. Dahil kampante kami na wala na kaming makakasabay ay nanatili kami sa ganung posis

