LUISEE Manghang-mangha ako sa aking nakikita. Alam ko na popular ang lugar na ito kaya dinarayo pero sobra pa akong humanga sa ganda ng lugar ng tumapak ako rito. Dinala ako ni Haru sa Venice Grand Canal, Taguig. Hindi naman kasi ako galang tao kaya hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ito. Nang unang tapak ko palang sa lugar na ito ay napahanga na ako. Para lang akong nasa ibang bansa. "Ang ganda naman dito Haru. Mas maganda raw dito kapag gabi," hindi ko napigilang sabihin habang pinagmamasdan ang mga nagliliitang bangka na paroo't parito sa malinis na tubig. "That's why I brought you here kasi alam ko na magugustuhan mo," sabi nito saka hinawakan ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Salamat Haru," "Mas higit akong nagpapasalamat dahil napapasaya kita, sweety ko. You're m

