LUISEE Natulog kami ni Haru na parehong may ngiti sa labi. Bago kami natulog ay nag-kwento ito sa nangyari sa buong maghapon nito sa opisina. Gusto na nga raw sana nitong bumalik dito ngunit pinigilan lang niya ang sarili. Ayaw daw sana niya akong iwan na may sama ng loob sa kan'ya. Ayon sa kan'ya ay wala rin ang utak niya sa opisina kun'di nasa akin. Sinabi rin niya na nakikita niya ang bawat galaw ko dahil may CCTV sa loob ng condo unit nito. Ibig sabihin ay nakita nito ang ginawa ko sa pagtanggal ng foam. Kaya pala ganun na lang magsalita si Manang Belen. Tinanong ko rin ito kung tatanggalin ba nito ang dalawang lalaki. Hindi ito sumagot bagkus ay niyakap lamang ako nito. Magkagayon pa man ay pinakiusapan ko parin ito na kung maaari ay h'wag nitong tatanggalin ang dalawang lalaki.

