LUISEE Napabuntong-hininga ako ng umalis si Haru sa harap ko. Nakikinig ako sa mga bawat paliwanag niya. Iyon naman ang gusto ko marinig bakit hindi pa niya masabi ng deretso? Masyado ba akong naging harsh sa kan'ya? Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Hindi naman mahirap gawin ito kaya hindi ko na nagawang magpatulong sa kan'ya. Masama lang talaga ang loob ko dahil nakita mismo ng dalawang mata ko na hinalikan siya ng babaeng haliparot na 'yon sa harap ko. Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang presensya niya. Alam ko kahit nakatalikod ako at naghuhugas ng mga ginamit niya sa pagluluto. Amoy palang niya alam ko ng nasa malapit siya. Napapikit ako at tumigil sa ginagawa ng naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. Hinawi nito an

