LUISEE Namamanhid ang buong katawan ko sa ginawa nito. Hindi ko na magawa pa ang kumilos. Hinapit pa nito ang bewang ko para mas lalo pa maglapat ang katawan ko sa katawan niya. Nanlambot ang tuhod ko na kulang na lang ay humandusay na ako sa sahig. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nahalikan ako. Ngunit si Haru ang humalik sa akin na dapat ay si Earl dahil ito ang nakatakda kong pakasalan. Pero ano ito? Bakit si Haru at hindi ko man lang magawa ang tumanggi? Nagugustuhan ko ang halik nito na sa bawat dampi ng labi nito sa labi ko ay tila nagpapawala sa katinuan ko. Unti-unting lumulukob ang init sa buong katawan ko. Hindi tama ito. Ikakasal na ako kay Earl. Hindi ko kayang gawin ito sa lalaking puro kabutihan ang ipinakita sa akin. Kahit nahihirapan akong kumilos ay ginalaw ko ang

