Chapter 9

2550 Words
LUISEE Kanina pa ako nakatulala at pinagmamasdan ko lamang ang mga dumadaan mula sa ikatlong palapag sa tapat ng aking silid. Nalulungkot ako dahil nakaramdam ako ng pangungulila sa magulang ko. Sa susunod na buwan ko pa makakasama si tatay. Araw ng linggo ngayon. Hindi muna ako pinapasok ni Ate Jaydee kahit nagpumilit ako. Ang sabi nito ay kailangan ko rin ng pahinga. Kahit labag sa aking kalooban ay sinunod ko ang utos nito. Ayoko rin na magalit ito sa akin dahil sa pagpupumilit kong pumasok sa shop nito. Kaysa ang magmukmok ay minabuti ko na lamang ang maglakad-lakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa dorm ay bumalik na ako. Naupo ako sa bench na naroon. Wala rin akong makausap dahil busy ang mga kasama ko sa dorm. Kapag ganitong nag-iisa ako ay hindi ko mapigilan ang sarili na isipin si nanay at tatay. Sobrang miss ko na sila. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatak ng aking luha. Dapat ay masanay na ako. Pero ito ako at umiiyak na naman dahil sa pangungulila ko sa kanila. Yumuko ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Minsan naiinis din ako sa sarili ko dahil napaka-iyakin ko. Napakababaw ng luha ko. Pero mababaw din ang kaligayahan ko. "Take this," napahinto ako sa pag-iyak ng marinig ko ang pamilyar na boses. Bumungad din sa aking harapan ang isang puting panyo. Nag-angat ako ng mukha. Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang nagmamay-ari ng baritonong boses. Kahit hindi maganda ang huli naming pagkikita ay kinuha ko ang inabot niyang panyo sa akin. Bigla naman akong na-conscious sa aking sarili dahil baka nanlilimahid na ako sa sipon. Suminga ako sa harap nito. Wala na akong pakialam kung layuan niya ako o ma-turn off siya sa akin. Mas mabuti nga iyon para layuan na ako nito. Sino nga ba naman ako para lapitan nito? "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang sumisinga sa panyo nito. Hinintay ko itong magsalita ngunit hindi ito sumagot. "Are you crying?" tanong ng isa pang boses. Sinilip ko mula sa likuran nito ang nagsalita. Natigagal naman ako sa aking nakita. Kasama nito ang tatlo. Anong ginagawa ng mga ito rito? Tumaas ang kilay ko. Mukhang alam ko na kung ano ang pakay ng mga ito. "Nandito ba kayo para pagtulungan ako?" sa naisip ay hindi ko na naman napigilan ang umiyak. Ang sakit na ng ulo ko sa kaiisip tapos dadagdagan pa nila. "Dude, do something. It's all your fault," sisi ng isang kasama sa kaharap ko. "Sino ba kasi kayo?" tanong ko na lang para makilala ko na lang din ang mga ito ng lubusan. "Oh, I'm Drixx," pakilala ng isa na sa tingin ko ay friendly. Lagi kasi itong nakangiti. Hindi mangingilag ang sino man sa presensya nito. Inilahad nito ang kamay sa harap ko. Kahit panay tulo ng luha ko ay nakipagshake-hands ako rito. Lumapit ang isang lalaki. Ang tingin ko naman sa isang ito ay medyo bad boy ang datingan. Mahaba ang buhok nito at may hikaw sa tainga. "Zick," tipid nitong sagot. Inilahad din nito ang kamay sa harap ko. Nakipag-kamay din ako rito. Iyong isa ay kilala ko na. Sinulyapan ko ito. Alanganin naman itong ngumiti sa akin at tila nahihiya pang lumapit sa akin. "Syke, tama?" paniniguro ko. Tumango ito bilang sagot. "Sorry about last time, " sabi nito habang nagkakamot. Marahil ang tinutukoy nito ay iyong tila naubusan ito ng pasensya sa akin at nakapagbitaw ito ng hindi magandang salita. Wala naman sa akin iyon. Makulit lang talaga ako dahil gusto ko lang naman ng kasagutan. "Ano ba ginagawa n'yo rito?" tanong kong muli. "To convince you," sabay-sabay na wika ng tatlo. Sinulyapan ko si Haru na nanatiling tahimik. Nakapamulsa at seryoso lamang itong nakatingin sa akin. "Bakit kasi ako?" tila wala kong muwang na tanong. Partikular sa kaharap ko. Hinintay ko siya magsalita ngunit wala na naman akong nakuhang sagot mula sa kan'ya. Sinulyapan ko ang tatlo ngunit kibit-balikat lamang ang tanging naging tugon ng mga ito. Tumayo ako at naglakad patungo sa hagdan at muling pumihit paharap sa mga ito. "No answered yet?" tanong ni Drixx. Tila dismayado ito dahil wala pa akong sagot na maibibigay. "Bigyan ninyo ako ng isang linggo," pagkatapos ko iyon sabihin ay pumanhik na ako sa aking kwarto. Kailangan ko muna ipahinga ang isip ko. Saka ko na iisipin ang gusto nila mangyari. Sobra akong nalulungkot ngayon dahil unang beses ko ito mawalay sa magulang ko. Sana masanay agad ako na hindi ko sila kasama. Tama naman ang sinabi ni nanay. Hindi habang buhay kasama ko sila. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa. Lumipas ang mga araw ay hindi ko na napapansin na umaaligid ang apat na kulokoy. Bagamat isang linggo ang hiningi ko sa kanila para magkapag-isip ay sana man lang kahit paano'y magpakita sila. Kahit man lang ang lalaking iyon na 'take this' lang ang huli kong narinig na sinabi. Iyon ba ang magiging boyfriend ko kung sakali man na pumayag ako? Aba'y mapapanis yata ang laway ko kapag siya ang kasama ko dahil tipid na nga magsalita ay hindi pa marunong ngumiti. Hindi ko nga pinili ang magturo sa mga bata para hindi sumakit ang ulo ko, aba'y sasakit naman ang ulo ko dahil sa sobrang seryoso ng Haru na iyon. Hindi ko naman sinasabi na nagpapa-hard to get ako. Kung gusto nila akong kumbinsihin ay gumawa naman sana sila ng paraan para makumbinsi ako. Pero hindi ko nakikita iyon sa kanila. Talagang hinihintay nila na lumipas ang isang linggo bago nila ako lapitan muli para alamin ang aking kasagutan. Baka nga ako pa ang lumapit sa kanila para ibigay ang aking sagot. Ang ibig lang sabihin niyon ay hindi talaga sila interesado sa akin. Sino ba naman ang magkakainteres sa akin? Hindi naman ako kagandahan at hindi rin ako mayaman. Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa building ng Department of Education nang marinig ko na may nagsalita sa Pager system. "Paging, wearing a white t-shirt with a flower print and denim pants with white rubber shoes. Kindly proceed to the meeting room. Thank you." Sabi ng nagsalita. Napapailing na lamang ako. Kakaiba rin ang school na ito. Hindi na lang pangalan ang sabihin bagkus ay kailangan pa talaga na i-describe kung ano ang suot ng estudyante. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napahinto lamang ako ng mapansin ko na hindi pala maayos ang pagkakatali ng sintas ko sa sapatos. Inayos ko muna iyon bago ako muling nagpatuloy sa paglalakad. Natigilan ako at napasinghap ng mapagtanto ko na ang suot ko ang binanggit ng nagsalita. Muling tumunog ang Pager. Hudyat na may muling sasabihin ang announcer doon. "Paging, Luisee Estrella, taking Bachelor of Secondary Education major in Filipino. Sixteen years old turning seventeen this coming month, please proceed to the meeting room. Thank you." Mariin akong pumikit at napakagat sa aking ibabang labi. Seryoso ba talaga sila? Bakit kailangan pa sabihin ang background ko? Mababaliw ako sa kanila. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko pinansin ang sinabi ng nagsalita. Hindi pa tapos ang isang linggo pero ito na naman sila, nagpapahiwatig. Ilang araw lang na hindi ako ginulo pero ito na naman, nagpaparamdam sila. "Paging, Luisee Strella, Please proceed to meeting room or we will come to you?" muling pumailanlang sa buong campus ang sinabi ng nagsalita. Hindi ko napigilan na tingnan ng masama ang isa sa CCTV na nakita ko. Gusto ko iparating sa kanila na hindi ako natutuwa sa ginagawa nila. Ngayon palang ay gusto ko ng bumuka ang lupa at lamunin ako niyon dahil pinagtitinginan na ako ng mga kapwa ko estudyante. Maswerte ako at nakapag-aral ako sa kilalang Unibersidad at napasama pa ako sa scholar. Pero napakamalas ko at nakikilala ko ang apat na iyon. Hindi ba nila ako tatantanan? Hindi ba sila makapaghintay ng sagot ko? Sa inis ko ay nagmamadali kong tinungo ang meeting room na tinutukoy ng nagsalita. Alam ko na iyon dahil sa palagay ko ay doon naman sila parati nakatambay. Hindi ko naman maiwasan ang mag-iwas sa mga mapanuring tingin ng mga nakakasalubong kong estudyante. Marahil nagtataka ang mga ito kung bakit ko tinatahak ang daan patungo sa tambayan ng apat. Paano ako makakapag-isip ng maayos kung ngayon palang ay pini-preasure na nila ako? Hindi ko ba maaaring pag-isipan muna ng hindi nila pinaparamdam sa akin na hindi na nila mahintay ang sagot ko? Nang marating ang tapat ng pinto, sa inis ko ay marahas ko iyon binuksan. "Hindi pa tapos ang isang linggo! Hindi ba kayo makapaghintay?!" naghahabol na hininga na sabi ko. Sabay-sabay na lumingon ang mga ito sa akin at tumigil sa pagku-kwentuhan. Ilang segundo ang lumipas na walang nagsalita sa mga ito. "G-good morning, Lui. Ahm, were having a breakfast. Gusto ka lang namin makasabay. Saka marunong naman kami maghintay, especially Haru. We respect what you said." Nakangiting paliwanag ni Drixx. Bahagyang umawang ang aking bibig. Ngayon ko mas gustong lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Assuming ako na hindi makapaghintay ang mga ito sa sagot ko. Pakiramdam ko tuloy ako ang hindi makapaghintay na sumang-ayon sa nais ng mga ito. Tumingin ako sa gawi ni Haru na tahimik lamang na nakatitig sa akin. Salubong ang kilay nito. Hindi ko talaga gusto ang paraan ng titig nito. Parang palagi na lang akong sinusuri. Alanganin akong ngumiti. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagbago ng ekspresyon sa mukha nito. Hindi ko iyon mapangalanan pero tila bumakas ang pagkamangha sa mukha nito. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. Parang bata na nilaro-laro ko ang aking mga daliri. Ganito ako kapag napapahiya at hindi alam ang sasabihin. Gusto ko na lang na maglaho na parang bula. "G-ganun ba? S-salamat, pero nag-almusal na kasi ako," sambit ko kahit hindi totoo. Nag-kape lang ako dahil iyon naman talaga ang palagi kong ginagawa. Wala rin akong ganang kumain lalo na kung mag-isa lang ako. "Mamaya pa naman ang klase mo 'di ba? C'mon, join us. Don't worry, hindi kami nangangain." Sabi naman ni Syke dahilan para mag-angat ako ng mukha. Nakangiti ito ng tingnan ko. "Oo nga, hindi kayo nangangain. Pero matutunaw naman ako sa paraan ng titig ng kaibigan n'yo." Reklamo ng bahagi ng utak ko. "Hindi na, Syke. Kailangan ko pumasok ng maaga. May gagawin pa kasi ako, sige." Akma akong tatalikod ng tumayo si Haru mula sa pagkakaupo. Dahil sa ginawa nito ay hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Para akong na-estatwa. Ang lakas pa ng loob ko na salubungin ang mga titig nito samantalang para na akong matutunaw. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko lalo na ng papalapit ito sa akin. Nang makalapit ito ay napaatras ako. Ilang segundo yata tumigil ang pagtibok ng puso ko saka muling tila may daga na naghahabulan sa bilis niyon. "Mr. Aguinaldo says you have no lecture today. He told me that all professor in history are in conference," sabi nito habang titig na titig sa akin at nakapamulsang nakatayo sa aking harapan. Paano nito nalaman na si Prof. Aguinaldo ang una kong subject ngayon? At paanong alam nito ang schedule ng klase ko? Umatras pa ako ng lumapit ito sa akin. Saka ko lang napansin na nangangatog ang tuhod ko at nanginginig ang buo kong kalamnan. Ilang beses na ako nag-aalmusal ng kape lang pero bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon? Nanghihina ako na hindi ko mawari. Iba ang epekto sa akin ng lalaking ito. "A-anong gagawin mo?" lakas loob kung tanong rito ng bahagya itong yumukod at pumantay sa akin. Nanlalaki ang mata na hindi nakaligtas sa mata ko ang paggalaw ng isang kamay nito. Dahil sa ginawa nito ay mariin akong pumikit at mariing nilapat ang aking mga labi. Sana mali ako ng iniisip. "Why are you closing your eyes?" bakas sa boses nito ang pagtataka. Dinilat ko ang isang mata ngunit nanatiling nakapikit ang isa. Halos magdikit ang kilay nito ng tingnan ko. Napansin ko rin na hindi sa akin nakahawak ang kamay nito na kanina lang ay gumalaw. Sinundan ko ng tingin ang kamay nito. Nakahawak iyon sa seradora ng pinto. Dahan-dahan nitong sinara ang pinto dahilan para matauhan ako. Saka ko lang napagtanto na mali ang iniisip ko. "Lui, ano ba naman. Kailan ka pa naging assuming, ha?" sermon ko sa sarili. Tumayo ako ng deretso at patay malisyang nilagpasan si Haru na seryoso parin na nakatingin sa akin. "Ano ba almusal n'yo? Wow! Ganito ba karami ang kinakain n'yo sa umaga? Pang-isang linggo ko na yata iyan." Sambit ko para mabawasan ang pagkapahiya ko. Pero mas gugustuhin ko na lamang ang maglaho sa harapan ng mga ito. Nanatiling tahimik ang tatlo. Hindi ko na pinansin ang katahimikan ng mga ito at naupo na sa harap ng mga pagkain na nakalatag sa mesa. Kumuha ako ng slice bread na may palaman. Pagkakuha ko ay agad ko iyon kinagatan. Baka sakaling mawala ang panginginig ng katawan ko. Baka nga gutom lang ang nararamdaman ko ngayon. Tiningnan ko isa-isa ang tatlo na nakatunghay lamang sa akin. "Hindi ba kayo kakain?" tanong ko sa mga ito na agad naman kumuha ng kan'ya-kanyang pagkain sa mesa. Napapangiti naman ako habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba ang mga ito sa aking harapan dahil sa mga pilit na ngiti sa labi ng mga ito pero masaya ako dahil may nakasabay akong kumain sa umaga. Pagkatapos kumain ay hindi ko napigilan ang mapadighay sa harap ng mga ito dahilan para sa akin muli tinutok ang atensyon ng mga ito. Nahiya ako dahil sa lakas niyon. Mayayaman ito at sa palagay ko ay hindi magandang asal para sa mga ito ang dumighay sa harap ng mga tao na kasama nito sa hapag. "S-sorry, hindi ko napigilan." Hingi kong paumanhin at nag-iwas ng tingin. "It's okay, Lui. Dumidighay rin kami, 'di ba mga dude?" sabi ni Drixx at pinanlakihan ng mata si Zick at Syke. "Yeah, yeah," sang-ayon ng dalawa. Natatawa na lamang ako sa mga ito. Hindi ko alam kung ano ang purpose kung bakit parang nakikisakay lang sila sa akin. Pero natutuwa ako dahil hindi pala sila tulad ng ibang mayayaman na masyadong mataas ang tingin sa sarili. Maliban lang sa isang kaibigan nila na hindi ko napigilan na sulyapan. Hindi ako sigurado kong nakatingin siya sa akin pero nag-iwas siya ng tingin ng binalingan ko siya. Nagawa ko pa ito titigan. Ang tangos ng ilong nito. Kahit mahirap ito pangitiin ay napakagwapo nito kahit saang anggulo. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sa dinami-rami ng hihingan ng pabor ay ako pa ang napili nito? Isa lang akong ordinaryong babae. Gusto ko lang na maging ordinaryo ang bawat araw at buhay ko habang nandito ako sa University kung saang napapalibutan ako ng mayayamang estudyante. Muli itong tumingin sa akin. Huli na para mag-iwas ako ng tingin. Hindi ko ito tinaasan ng kilay kahit pa naiinis ako sa ugali nito, bagkus ay binigyan ko ito ng matamis na ngiti. Nakita ko na naman ang pagkamangha sa mukha nito. Hindi ko alam kung para saan iyon pero kakaiba ang lalaking ito magbitaw ng ekspresyon. Mag-iisip ang sino mang makakakita. Tulad ko na hindi ko mabasa ang pinapakita nitong emosyon. "Don't smile. I hate it," sabi nito saka tumayo at lumabas. Natigagal naman ako sa aking narinig. "May masama ba sa ginawa ko? Ngumiti lang naman ako." Tanong ng bahagi ng aking utak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD