HARU Halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang sa university. Kung bakit ba naman kasi tinanghali pa ako ng gising? Kasalukuyan akong nagmamaneho at tinatahak ang daan patungo sa university. Naghihintay na kasi ang mga kaibigan ko sa meeting room at ako na lang ang hinihintay ng mga ito. Sa aming apat, kung hindi man ako ang madalas na mauna ay pangalawa ako sa dumarating. Pero ngayon, dahil sa tinanghali ako ng gising ay ako ngayon ang huli. Kapag kasi may nahuhuli ng pagdating sa aming apat ay may kapalit. Isang katakot-takot na group hug lang naman sa tatlo kong kaibigan. Syempre, kapag hindi nakuntento ang mga ito ay kung ano ang maisipan na gawin ng tatlo na alam ng isa na hindi magugustuhan ay iyon pa rin ang gagawin. Tulad na lamang na iniiwasan ng bawat isa sa am
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


