LUISEE Tuwang-tuwa kami ni Lance sa bagong kuha na buko. Bukod kasi sa matamis-tamis ang laman at ang sabaw ay hinaluan pa iyon ng pagmamahal ng kumuha. Nang sumagi sa isip ko si Haru ay hindi ko ito nakitang sumunod sa kusina. Nilantakan ko muna ang buko at uminom ng sabaw niyon. Agad naman akong dumighay dahilan pagtinginan ako nina Lance, Shiela at Manang Rosa. Sabay-sabay kaming nagtawanan. Nang sapat na ang kinain ko ay nagpaalam na ako sa mga ito. Sinabihan ko rin si Lance na makipaglaro muna kay Shiela. Mabilis akong umakyat sa kwarto dahil baka nandoon ito nagpapahinga. Alam kong pagod ito sa pag-akyat. Ngunit pagdating ko sa kwarto ay wala ito doon. Minabuti kong puntahan ito sa study room nito. Napangiti naman ako ng makita kong nasa loob nga ito ng study room at matamang

