HARU Nakalabas na si Lui ngunit nanatili pa rin akong nakatayo. Gusto ko siyang habulin ngunit mas pinili ko ang maging matigas. Hindi dapat ako magpaapekto sa ipinapakita niya. Nagpakawala ako ng mabigat at malalim na buntong-hininga. Tinungo ko ang sofa at pasalampak akong naupo. Tinukod ko ang aking dalawang siko sa aking magkabilang hita at sinapo ang kumikirot kong ulo. Kapagkuwa'y parang hapo na sinandal ko ang aking likuran sa sandalan ng sofa. Ilang araw na akong walang tulog. Simula ng huli naming pag-uusap ay hindi na ako nakatulog ng maayos. Nang pumasok naman ako sa opisina ay wala naman sa ginagawa ko ang atensyon ko. Lumilipad ang utak ko. Bumalik din ang dati kong ugali. Nasisigawan ko ang mga empleyado ko. Umiinit ang ulo ko ng wala sa oras. Kaya minabuti ko na lang

