LUISEE Nagising ako sa isang puting silid. Bahagya akong kumilos saka marahan na bumangon. Nakakaramdam parin ako ng pagkahilo ngunit hindi na tulad kanina na para na akong matutumba. Tatayo na sana ako ng bumukas ang pintuan ng silid na kinaroroonan ko. "Gising ka na pala iha," bungad ng doktor na pumasok. Sa likuran nito ang isang lalaki na matangkad. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito habang nakatuon ang atensyon sa hawak nitong patient record. "Medyo nahihilo pa rin po," sagot ko. Tumango-tango ito saka nakangiting tumingin sa akin. Tila may magandang balita itong sasabihin. "Natural lang ang mahilo, Iha. Nakaranas ka na ba ng pagsusuka nitong mga nakaraang araw?" muling tanong nito. Kumunot naman ang aking noo sa tanong nito. Nagagawa pa kasi nitong ngumiti kahit alam

