LUISEE Dahil nakatuon ang atensyon ko kay Lance ay hindi ko na napansin ang iniwan na kasama nitong nakaupo sa sofa. Dahil sa sobra kong na-miss ang kapatid ko ay pinupog ko ito ng halik sa pisngi, leeg at pati ang kili-kili nito na paborito kong amuyin. Halos napuno ng hagikgik nito ang loob ng bahay. Tinigil ko lang ang pagpupog ng halik kay Lance ng hawakan ako ni Haru sa aking likuran. Napalingon ako sa gawi nito. Napangiti ako ng makita kong nakangiti ito sa akin. Kapagkuwa'y tinuon nito ang atensyon sa aming harapan na agad ko namang sinundan ng tingin. Hindi agad ako nakakilos sa aking kinatatayuan ng makita ko kung sino ang nakatayo roon. Na-miss ko rin siya pero hindi ko pa alam kung paano ko siya lalapitan. "L-Lui, anak," usal ni tatay. Kasabay ng pagtawag nito sa akin a

