LUISEE Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nito. Hindi ba at sa condo ito nakatira? Paanong bahay niya ito? Bahay namin? "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong. Tinanggal nito ang braso na nakapulupot sa aking katawan. Pinihit nito ako paharap saka ako tinitigan. "This house build 2 years ago. Simula ng pinalitan ko sa pwesto ang papa ko ay naisipan ko na ipatayo ito at ikaw ang nasa isip ko ng mga oras na iyon. Kahit wala akong kasiguruhan na makikita pa kita ay pinatayo ko ang bahay na ito dahil oras na magkita tayo ay dito kita unang dadalhin. Pero dahil nga engaged ka na kay Earl ay hindi ko na iyon nagawa. Pero heto, nandito ka na ngayon. My house is your house, sweety ko. Dito tayo bubuo ng masayang pamilya. Gagawin kitang reyna sa aking palasyo. Magkakaroon t

